28-tacles

4.4K 148 60
                                    

So, I worked for this sa dalawang linggo. Sa panahong 'yun, may araw na masayang-masaya ako, may araw na sobrang lungkot. Idagdag pa na naiinis ako kasi naging drawing 'yung lakad namin ng mga tropa ko na noong isang taon pa namin pinlano. Kaya sorry kung maguguluhan kayo sa flow ng chapter na 'to. Believe me, nilinis ko na 'yan as much as I can pero, hindi pa rin ako sure sa ganda nito.

Okay. Tama na, nag-rant na ako. Hahahaha. Enjoy reading na lang, guys!

Aaaand! Happy birthday nga pala to me! ('Yung totoong ako ha? XD)

-----------------------------

FRANCIS' POV

/ P're! May pupuntahan pa pala ako, importante lang! Ikaw na lang sumundo kay Bench ha? Pasensya na. / nagmamadaling sabi ni Dino nang tumawag sa akin. Hindi na ako nakapalag kasi mabilis niya ding ibinaba ang tawag.

Tarantado ka, Dino! Iniwan mo ako sa ereng ulupong ka! Alam mong kinakabahan ako kapag kaharap ko si Bench, lalo pa ngayong espesyal ang araw na 'to, bakit mo ako papupuntahin doon ng mag-isa? Nanginginig tuloy akong humarap sa salamin at tinignan ang sarili ko habang hawak ang cellphone.

Takte, Francis! Umayos ka nga! Gwapo ka, bakit ka kakabahan? Tss. Ngayong alam kong ako lang mag-isa ang susundo kay Bench, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko! Kinikilig akong kinakabahan na natutuwa na kinikilig at kinikilig pa ulit!

"Oh!" sabi ni Mama tapos biglang hagis ng kung ano sa akin. Buti na lang at sanay akong maglaro ng basketball kaya mabilis ko 'yung nasalo.

Pagtingin ko sa kamay ko, isang kulay itim na bote ang bumungad sa akin.

Itatanong ko pa lang sana sa kanya kung ano 'yun nang...

"Magpabango ka. Ang gwapo mo nga, hindi ka naman mabango. Wala din." iwas ang tingin niyang sabi tapos ay umalis na.

Hindi ko mapigilang mangiti, halos maluha pa nga ako eh, dahil sa ginawa ng nanay ko. Ito ang unang beses na pakiramdam ko, may paki siya sa akin.

Hindi ko na inaksaya ang oras at nagwisik ako sa katawan ko ng pabango kahit na nanginginig pa rin ako sa kaba. Matapos kong masigurado na maayos na akong tingnan, kahit na parang bibigay ang katawan ko sa panghihina, itinabi ko ang cellphone ko at kinuha 'yung maliit na bagay na hinanda ko para kay Bench kasama si Dino. Pagkatapos noon ay lumabas ako ng kwarto at nagpaalam na aalis na. Paghakbang na paghakbang ko sa labas, huminga ako ng malalim at tinapik ko ang dibdib ko ng tatlong beses.

"Kaya mo 'to!" malakas kong sabi para sa sarili ko. Napatingin sa akin 'yung mga dumadaan tapos nagtawanan 'yung iba kong tropa na nasa 'di kalayuan at mukhang nag-iinuman. Hapon na hapon. Tss.

"Hoy, p're! Saan binyag?" pabirong tanong ng isa sa kanila.

"Gwapo naman! Iba na talaga kapag may pinopormahan!"

"Kaya naman pala minsan na lang sumali sa atin! May iba nang pinagbibigyan ng oras!"

"Mga kumag! JS namin ngayon kaya nakaayos ako! Ayaw niyo kasing magsipag-aral eh!" sabi ko naman sa kanila tapos ay nilayasan ko na. Mahirap nang mapadaldal, baka patagayin pa nila ako. Natatakot akong maamoy ni Bench na nakainom.

Pagdating ko sa kanto, 'yung kabog ng dibdib ko na dahil sa kaba, napalitan ng inis. Nakita ko kasi ang isang taong ayaw na ayaw kong makita o matanaw man lang mula sa malayo. Si Mang Lito.

Kinawayan niya ako at nginitian kaya halos masuka-suka ako sa loob-loob ko. Ramdam na ramdam ko pa rin 'yung titig niya na gaya noong hawak-hawakan niya ang katawan ko. Nang makita kong palapit siya sa akin, napakuyom ako ng kamao dahilan para malukot ko ang hawak ko.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now