4-tacles

10.7K 329 19
                                    

Ayan! At dahil nag-rank #2 itong story na 'to sa kinalalagyan niyang category, heto't pinilit ko ang utak ko na mag-produce agad ng chapter PARA PASALAMATAN KAYO! THANK YOU VERY MUCH FOR HELPING ME REACH MY GOAL! I LOVE YOU ALL! :)))

<=====================================================================>

BEN CHESTER'S POV

Oo, kasalanan ko na hindi ko sinabi sa kanya kung saan kami magre-review. Pero dapat bang ganun ang reaksyon?

Pucha! Halos matanggal na yung kaluluwa ko sa sobrang takot ko sa kanya! Paano na lang kung hindi dumating dun si Dino? Naku, baka durog-durog na ang maganda kong fez! Brokot talaga!

"Hoy, bakla!" biglang sigaw ni Jeffrey mula sa likod ko.

Muntik ko nang masampal si baklang Jeffrey dahil sa panggugulat niya sa akin, buti na lang at napigil ko ang kamay ko.

"Makahawak sa dibdib ha? May laman yan? Anek bang ganap at crayola ang peg mo dyan? Narinig ko yung drama niyo kaninang tatlo ha? Beh, lakas maka-love triangle! Ganda mo talaga! Pwede pa-autograph?" amaze na amaze pa 'tong baklang 'to! Akala niya siguro tuwang-tuwa ako sa eksena kanina.

Sinabunutan ko siya para tumigil siya sa mga ambisyon niya. Napa-aray siya dahil talagang pwersado yung paghila ko sa buhok niya.

"Masakit teh ha?" narinig kong sabi niya.

"Shut up ka lang kasi! Sightchi mo namang nagda-drama akiz eh. Cancel na muna sa biro. Nabo-brokot si water." seryoso kong sabi sa kanya.

At bilang isang matalinong lab monkey si bakla, sumunod siya.

"Wait, anes ba nangyari dun? Narinig ko, angry bird yung jowa-jowaan mo ah!? Winarla niya pa si Papa F!" curious namang pang-uusisa ni Jeffrey.

"Kasi ganito yun ...." bungad ko tapos ayun, kinuda ko na lahat!

Mula sa hindi ko pagsabi kay Francis ng lugar ng pagre-review-han namin, hanggang sa WORLD WAR III kanina.

"Eh tanga ka naman pala eh!" biglang sabi ni Jeffrey after niyang marinig ang kwento ko.

"Wow! Ikaw ang matalino eh! Nasa section 2 ka eh!" sarcastic kong pagtataray.

"Yan! Yan tayo eh. Ang yabang mo talaga sa section mo eh. Eh di ikaw na matalino! At least ako hindi nananakit ng feelings!" sarcastic niya ring sagot sa akin.

"Gusto mo ng krompal?" pagtataray ko sa kanya.

"Bet mo ma-boogie? Sumbong kita kay Francis!" pagbabanta niya kaya tinuluyan ko yung pagsampal sa kanya.

"Subukan mo lang, wala ka nang bestfriend!" sabi ko sa kanya.

"Ay, bet! Para wai nang chararat sa barkada." sabi naman niya.

Tama ba ako ng narinig!? Chararat!? Akez? Si water, chararat!? You've declared war, Jeffrey! WARLA NA! CHARENG!!

"Leche! Lumayas ka na nga sa harap ko! Mamaya ka na mangulit 'kay?" sabi ko sa kanya para iwan niya muna ako.

"Later alligator na. Wai pa kaming klase eh. Teka nga, bakit ba ditiz ka sa mini-park nagda-drama?" tanong niya.

"Anong gusto mo? Sa CR ako mag-drama? Bakla ka! Unang-una, dirty dun! Second, ang baho dun. Thirdly, puro otoks nandun. Pang-apat, less dramatic dun 'day! Waing makakakita na crayola mode ako. Wiz ko bet dun!" sagot ko naman.

"Ah, mali setting mo teh! Dapat dun ka sa may stage para sight na sight ka ng buong campus. Drama mo!" sabi niya naman.

Tumahimik na lang muna ako kasi baka talagang sumabog na ako dahil kay bakla.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now