27-tacles

4.3K 130 50
                                    

BEN CHESTER'S POV

"Bench." pagtawag sa akin ni Dino kaya napalingon ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa pinagtatambayan namin, kasama 'yung ulupong niyang kaibigan, habang kumakain.

Hindi na ako nag-inangit na nasa paligid lang siya kasi ayokong tumalak ngayon. Alam kong talo ako kapag nagpaapekto ako sa kanya.

"Hmm?" tanong ko naman sa kanya at pansin kong may pagkailang 'yung tingin niya sa akin.

"May tatanong sana ako sa'yo." sabi niya kaya na-excite agad ako. Kung hindi lang siguro ako binasted nito dati at wala akong jowa ngayon, iisipin kong ang itatanong niya ay kung pwede akong ligawan. Pwede naman kaya! Baka sagutin ko nga agad siya eh.

"Ano?" balik-tanong ko din. Medyo napalingon pa ako kay Francis dahil bigla siyang tumingin sa akin.

"Ano, pwede mo ba akong samahan para pumili ng susuotin sa JS? Hindi ko kasi alam kung anong babagay sa akin eh." mahina niyang tanong tapos nginitian niya ako na parang hiyang-hiya siya sa sinabi niya.

Napangiti naman din ako dahil kakaibang level na si Dino ngayon. Gwapong-gwapo ako sa kanya dati, hanggang ngayon pala, pero, sa nakita ko, nangibabaw 'yung pagiging cute niya. Gravy!

"Sure." pagpayag ko tapos ay napalingon ulit ako kay Francis dahil gumalaw siya, "Kung gusto mo, sumama ka na lang sa amin mamaya. Pipili na din kasi ako ng damit kasama Mama ko." dagdag ko pa na parang ikinabigla naman ni Dino.

"Mama mo? Okay lang ba? Baka naman nakakahiya sa kanya." sunod-sunod niyang tanong na halatang may pag-aalala sa tono.

"Hindi 'yun." sabi ko sa kanya tapos lumingon ako kay Francis. Nakatingin na naman sa akin ang ugok, "Tanong mo pa d'yan sa tropa mo kung gaano sila ka-close." dagdag ko sabay nguso kay Francis. Nginitian naman ako ng kumag kaya inirapan ko siya.

"Sige. Sama ako." sabi niya at tumango naman ako bilang sagot.

Habang nagkaklase kami, ramdam na ramdam kong tumititig sa akin si Francis. Ayoko naman siyang kumprontahin kasi ayoko ngang makipagtalo, mapapagod lang ako.

Hinayaan ko na lang siya basta 'wag niya akong kakausapin o kakantiin.

Nang matapos ang mga klase namin, lumapit agad sa akin si Dino kasunod si Francis.

Mabilisan kong iniligpit 'yung iba ko pang gamit bago ako tumayo at lumabas kasabay nila.

"Ay, teka, Bench! Maliit lang budget ko eh, kaya kaya 'yun?" biglang tanong sa akin ni Dino kaya napatigil kami sa paglalakad. Pansin kong sumandal si Francis sa legendary puno ng mga umiibig tapos ay nagpamulsa siya at sinipa-sipa 'yung mga natuyot na dahon sa sahig.

Ang cute niya sa part na 'yun pero, no! Hindi kami bati!

"Sus, kahit 100 lang pera mo, magagawan ng paraan ng nanay ko 'yan." proud kong sabi tapos ay tinapik ko siya sa balikat. Binalingan ko ulit ng tingin si Francis at natyempong nagtama tingin namin. Mabilisan siyang ngumiti pero, inisnab ko lang siya. 'Wag niya akong inaano! Mag-sorry siya sa boyfriend ko, hindi 'yung inaano-ano niya ako!

Naglakad na ulit kami palabas nang mapagtanto kong parang may balak na sumama 'yung unggoy sa lakad namin.

"Dino! Sasama ba sa atin 'yang kaibigan mo?" pabulong kong tanong sa kanya kaya napalingon siya sa likod namin. Sumunod din ako ng tingin at nakita kong tahimik lang na nakatingin sa lupa si Francis habang sinisipa ang maliliit na bato.

Ano bang meron sa kanya ngayon at parang ang cute-cute niya? Iba 'yung katahimikan niya ngayon eh! Wit ko ma-take! Nakakainis na nakakatuwa.

"Pinilit ako. Sama daw siya sa atin. Wala daw kasi siyang magawa sa bahay nila eh." sagot naman niya kaya napatikwas agad ako ng labi, "Saka, naisip ko kasi na tutal hindi naman siya pupunta sa JS, maranasan man lang niyang pumili ng damit. At least, pag-4th year natin, marunong na siya." dugtong pa niya na lalong ikinatikwas ng labi ko.

Bullied HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora