32-tacles

5.9K 116 77
                                    

FRANCIS' POV

"Uhm, Bench..." pagbasag ko sa katahimikan dahil may gusto akong itanong sa kanya.

Isang linggo ko nang pinag-iisipan 'to at sa tingin ko naman ay handa na ako. Nag-aalangan ako n'ong una dahil wala akong alam sa ganito pero, kailangan ko nang malaman ang sagot niya para hindi na ako namumuhay sa kaba at pag-iisip.

"Hmm?" mahinahon niya ring tanong habang patuloy siyang nagbabasa ng librong hawak niya.

Nakasanayan ko nang hindi siya lumilingon kapag kinakausap mo siya lalo na kung may hawak siyang libro. Sa tingin ko, ang cute niya kapag gan'on. Ewan ko ba, siya lang yata ang may kayang gawin na nakakalibang ang pagbabasa.

"May gagawin ka ba sa Sabado?" diretsahan kong tanong habang kabado kong pinaglalaruan ang dulo ng hawakan ng bag ko.

Pasimple akong humihinga ng malalim dahil masyadong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot niya. At 'yon ang nagpapatindi ng kaba ko.

"Hindi ko pa alam eh. Baka tapusin ko mga projects natin. Bakit?" sabi niya sabay lipat ng page ng binabasa niya.

Napahinga ako ng maluwag dahil naisip ko na ang pangit kung sa Sabado namin 'yon gagawin. Magkakahiwalay kami ng Linggo at mamumuhay na naman ako sa pagtitiis na makita siya ulit.

"W-wala naman! Eh sa Linggo?" tanong ko ulit, mas halata na ang kaba ko dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko na ma-excite.

"Hindi ko din alam. Siguro wala na kung matatapos ko 'yong mga project natin sa Sabado." kalmado niya pa ring sagot.

"Gan'on?" napalingon ako sa paligid para tignan kung may makakarinig sa amin.

Ayaw ko kasing may makarinig ng sasabihin ko at tuksuhin kami na parang mga bata. Isa pa, alam kong magagalit si Bench kapag nakuha na naman namin ang atensyon ng mga tao. Swerte namang kami lang dalawa ang nasa dulo kaya kumalma ang puso ko sa pagtibok ng mabilis.

Paglingon ko sa kanya, medyo napaiwas ako dahil magkalapit na ang mukha namin. Hindi ko natantiya na gan'on na pala kami kalapit sa isa't isa kaya gulat na gulat ako na halos magdikit ang labi namin.

"Ah, sorry. Bubulungan sana kita kaso bigla kang lumingon." pagpapaliwanag niya tapos ay umayos siya ng upo.

B-bubulungan? Hindi niya ba alam kung ano ginagawa niya? Alam niya namang deads na deads ako sa kanya tapos ilalapit niya sarili niya sa akin na para bang sinasabi niya na okay lang na gawin ko ang lahat ng gusto ko sa kanya? Hay naku, Bench! Kaunting ingat naman sana! Kapag ako hindi nakapagpigil, ikaw ang kawawa.

"O-okay lang. Nagulat lang ako ng kaunti." palusot ko pero, ang totoo ay ayaw ko siyang tignan dahil nahihiya ako.

Muntik na 'yon! Kung ako pa nagsimula n'on, baka hindi ko siya atrasan! Pero, kailangan kong kumalma at magpakatino kung gusto kong makuha ang matamis pa sa asukal niyang 'OO'.

"Bakit mo nga pala tinatanong kung may gagawin ako sa Sabado o kaya sa Linggo? Pupunta ka ba sa bahay?" kaswal niyang tanong habang nakatukod ang siko niya sa mesa at nakapatong sa kamay niya ang ulo niya. 

Napalunok ako ng laway nang madaanan ng tingin ko ang leeg niyang maputi. Punyemas naman, Bench! Ano bang meron sa'yo at parang inuudyok mo ako na may gawing masama sa'yo? Kaunti na lang talaga na paganyan-ganyan mo, bibigay na ako at susunggaban kita kahit na sabihin mo pang nasa loob tayo ng library! Nagpipigil ako dito oh, hindi mo ba mahalata?!

"Ah, hindi." pagkukunwari kong kalmado kahit na ang totoo ay gusto ko na siyang hilahin sa likod at pupugin ng halik.

"Eh ano nga? Kanina ko pa tinatanong sa'yo kung ano 'yang sasabihin mo pero, pinuputol mo naman. Medyo nabibwisit na ako ha?" pagrereklamo niya sa cute na paraan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bullied HeartWhere stories live. Discover now