9-tacles

11.8K 272 52
                                    

Sad news, I think: Wala na pong POV si Dino, ever. Tinry ko lang noon kung kaya ko ba ang tatlong POVs pero napatunayan kong hindi ko pa kaya. Hehehe. :)))

This is a bit rushed. Kung may makita man kayong alam-niyo-na, try to point it out to me, K? Ie-edit ko na lang pag marami, as in mala-bakasyon sa rami, na akong time. :)))

<========================================================================>

BENCHESTER'S POV

Hala! Bakit nasa PAR ang lalaking yun? Hindi pa naman ako handang harapin siya! Nagcha-charge pa ako ng lakas ng loob saka ganda eh.

"Kuya! Bakit nasa labas si Xyrus?" tanong ko agad sa kapatid ko nung makita ko siyang pababa na nang hagdan.

"Aba malay ko sa'yo! Kita mong kabababa ko lang eh." sagot naman niya sa akin tapos ay humikab siya.

Bakit nga ba siya ang tinatanong ko? Ni hindi niya nga alam na nag-uusap na ulit kami eh. Ang alam niya lang, hindi na kami nagpapansinan nun. Tch  naman kasi eh. May sa dugo ba siya ni Spiderman at na-sense niyang may sasabihin ako sa kanya tungkol sa pagkakaibigan namin?

BAKIT BA KASI IPINANGANAK AKONG PRETTY EH!!

"Oh, Xyrus! Himala ata't nadalaw ka sa amin. Ang tagal mo nang hindi pumupunta dito ah? Magmula nung mag-high school kayo ni Bench, hindi na kita napagkikikita dito." narinig kong sabi ni Mama kaya kinabahan ako. Jusme! Wrong timing naman umuwi 'tong si Mama!

"Naging busy lang ho. High school na po eh, kaya kailangang mag-seryoso kahit kaunti." sagot naman ni Xyrus kaya napa-ismid ako. Galing magsinungaling nito! Bakit hindi niya sinabing dahil sa akin kaya hindi siya makapunta dito?

"Ganun ba? Nag-almusal ka na ba? Ano bang sadya mo at napunta ka dito ng ganito kaaga? Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" paanyaya naman sa kanya ni Mama kaya na-alerto bente-kwatro ang katawan ko.

Bilisan mo Ben Chester! Paghanap ka ng mapagtataguan! Ito ang kinatatakutan ko eh. Masyadong hospitable ang nanay ko! Pero bago pa ako makahakbang papunta sa hagdan ay.....

"Hi, Ben-ben." shems! Bakit po ba biniyayaan Niyo ng nakakakilig na boses ang taong ito? Halos sumabog na tuloy ovaries ko dahil sa boses niya. Gravity!

Dahan-dahan, as in parang robot, nahihiya ako eh, akong lumingon sa kanya at kumaway. Pagkatapos nun ay kumaripas ako ang takbo pabalik sa kwarto ko.

Narinig kong sumigaw Mama at pinalalabas ako ng kwarto pero hindi ko siya pinansin dahil nahihiya talaga ako. PROMISE!

"Ben-ben?" tanong ni Xyrus habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko.

"B-bakit?" kabado kong naitanong sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.

"Huh? Mamaya na lang pwede? Busy ako eh. Nag-aayos pa ako ng gamit ko para mamaya." palusot ko naman. Naku, wag muna akong pilitin!

"Please? Iniwasan mo na nga ako kahapon eh, pati ba naman ngayon?"

Naman eh! Konsensyahan ang labanan? Mahina ang loob ko sa ganyan eh! Nakakainis ka Xyrus! 

"Sige na Ben-ben! Kahit saglit lang, kausapin mo naman ako." pagmamakaawa niya pa.

Tch! Wit! Hindi ko bet ang talakathon ngayonchibam! Baka mawindang ang lola mo sa mga kudaan mo eh. Tomarchia na lang sana para makapaghanda ako ng bonggels. Keri ba?

"Hoy! Bakit nandito ka? Hindi mo ba naaalala yung ginawa mo sa kapatid ko? O baka naman gusto mong ipaalala kko yun sa'yo habang pinupuno ko ng pasa yang katawan mo? Mamili ka lang, madali akong kausap." narinig kong sabi ni Kuya kaya nagmadali akong buksan ang pinto.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now