25-tacles

4.2K 126 27
                                    

Sa 14 ko sana i-a-update 'to kaso, baka maging busy naman ako ng araw na yun. Alam niyo na, tutulong sa pagpe-prepare ng mga surprise-surprise para sa mga kaibigan kong may mga lovelife. Hahaha. Isa pa, ang galing kasi ng phone ko at nag-desisyon lumangoy sa pitsel kaya ayun, mapipilitan akong mag-draft sa laptop na hindi ko naman sanay gamitin. Peste! Hahaha. Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at paghihintay sa gawa ko.

--------------------------------------

FRANCIS' POV

"Sige na, samahan mo na siya. Kahit naman galit ako sa katangahan niya sa pag-ibig, gusto ko pa rin siya at nag-aalala ako sa kanya bilang kaibigan." utos ko kay Dino kasi pinuntahan niya pa ako dito sa bleachers para lang kumustahin ako.

Humiwalay kasi ako sa kanila at nag-isa muna ako. Hindi ko rin naman kakayaning makipagtagisan ng titig kay Bench eh. Kahit na inis na inis ako sa kanya, nangingibabaw pa rin kung gaano ko siya kagusto. Tulad ng pagkagusto niya sa boyfriend niyang tarantado.

"T*ngina! Ang keso ng gagong 'to!" pang-aasar niya kaya nangiti ako. Siraulo din talaga 'tong mokong na 'to eh. Bigla-bigla na lang bumibira ng kung anu-anong katarantaduhan.

"Basta, 'wag mo na lang muna akong babanggitin sa harap niya. Alam kong kapag narinig niya kahit na 'F' lang sa pangalan ko, sasabog na agad siya na parang bulkan." bilin ko pa sa kanya. Alam kong totoo yun lalo na kung pagba-basehan ko yung mga tingin sa akin ni Bench kanina.

Lumipat na nga ako sa likod para makaiwas sa kanya eh pero, parang balot ng mata niya yung buong room! Kapag magre-recite ako, kahit nakatalikod siya, parang nakikita ko yung noo niya na nakakunot sa akin at salubong ang kilay. Kapag naman madadaanan siya ng tingin ko, kahit nakatalikod pa rin, para siyang umiirap sa akin. Baka nababaliw lang ako dahil sa pagtatalo namin pero, yun talaga nararamdaman ko eh.

"Bakit mo kasi sinabi? Pinag-usapan natin 'to nung isang gabi 'di ba? Ma-bote na yun, bakit sinuway mo pa rin?" sunod-sunod niyang tanong kaya napakamot naman ako ng ulo. Iba din eh. Kanina ang bait sa akin, ngayon bobombahin ako ng tanong.

"Eh gago kasi talaga yung boyfriend niya eh! Akala ko isang beses ko lang makikita. Pagdaan ko kina Kat, na ikinagulat ko dahil halos kapitbahay ko lang pala, nandun na naman yung ugok na kulang na lang ay tukain yung babae." pagpapaliwanag ko ng may galit. Kulang na nga lang umapoy ang mata ko at sunugin ko sa titig ko si Xyrus eh!

"Nagseselos ka dahil may ipinalit na agad sa'yo si Kat?" biglang tanong ni Dino kaya napabalikwas ako ng tingin sa kanya. Lakas magbiro nito, akala niya naman natuwa ako.

"T*ngina naman, pare! Seryoso kasi!" suway ko sa kanya kaya sumeryoso ang mukha niya at tinapik ako sa balikat.

"Sige. Basta sa susunod, kapag pinag-usapan na, sundin mo naman para hindi ka napapahamak." sabi niya kaya hinawi ko kamay niya. Parang sinabi niya na sumunod lang ako sa sinasabi ng iba kahit kitang-kita ko naman na yung nangyayari.

"Oo na!" sabi ko na lang tapos umiwas na ako ng tingin.

"Mamaya punta ka sa bahay. Kwentuhan kita tungkol sa kanya." bulong niya kaya nahampas ko siya bigla.

"Wag ka nga! Kinikilig ako, gago!" nakangiti kong sabi sa kanya, "Magdadala ako ng alak ha?" dagdag ko kaya ngumiti din ang gago at binatukan pa ako. Natuwa masyado ha?

Nung makaalis na siya, naisipan kong tumayo na para makakain. Mahirap mag-focus sa pag-aaral ngayong hindi ko katabi at kausap si Bench. Nagsinungaling ako kanina nung sinabi ko sa harap ng mga kaklase at teacher namin na kaya ko nang mag-aral kahit hindi na ako bantayan o turuan ni Bes. Ang totoo nun, kailangan ko pa rin ng tulong at atensyon niya. Parang hindi ko alam kung saan ako magsisimula hangga't hindi ako sinasabihan ni Bench ng gagawin.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now