5-tacles

15.1K 309 46
                                    

MERRY CHRISTMAS, Guys! I love you all! Really! :)))

<===========================================================================>

BEN CHESTER'S POV

"Please naman, Dino! Wag kang makulit! Ayoko siyang kausapin ngayon, baka masaktan na naman niya ako." pabulong kong sabi kay Dino dahil nandito kami sa library para mag-aral.

"Bench, nagawa lang naman yun nung tao kasi kasalanan mo din eh. Nagsinungaling ka sa kanya." sabi niya sa akin na ikinasamid ko naman.

Isinara ko ang libro ko at hinarap siya.

"Paano mo nalamang nagsinungaling ako sa kanya?" nagtataka kong naitanong sa kanya.

"Eh di ba sabi mo sa akin yun nung isang linggo? Umiiyak ka pa nga nun eh." sabi naman niya.

Oo nga 'no? Nagdrama agad ako pagkatapos akong halos saktan ni Franz.

"O-kay. Magkagayunman, hindi pa rin ako lalapit sa kanya para maunang mag-sorry. Siya ang nakagawa ng mas matinding kasalanan kaya siya dapat ang mauna." pagdadahilan ko naman.

"Hindi mo ba naisip na kaya niya lang naman nagawa yun ay dahil sa kasinungalingang ginawa mo? So, lumalabas na ikaw ang mas may malaking kasalanan. Mas may karapatan siyang makatanggap ng unang sorry." sabi niya kaya natorete ako.

May punto siya! Witchikellez ko keriboom yung jutak nito ni Dino. Pag sa klase, ngangey. Pag sa ibang bagay, havey! Hahaha.

Dinampot ko na lang yung libro ko at hinila ko siya palabas ng library. Mas maayos naming mapag-uusapan ang mga bagay-bagay sa ibang lugar.

Napunta kami sa gazebo na favorite kong tambayan, na minsan ay kinukuha sa akin ni Francis pag trip niya.

"Alam mo, tama ka sa mga sinabi mo. Kasalanan ko nga. Pero hindi pa rin ako mag-so-sorry sa kanya." sabi ko pag-upo namin.

Napahawak siya sa buhok niya at ginulo iyon.

"Ang gulo mo! Parang mas matigas pa ulo mo kesa kay Francis ah!? Basta ako ginawa ko na lahat ng magagawa ko para magbati kayo. Suko na ako!" sabi niya tapos ay tumayo siya at nilayasan ako.

Problema nun? Parang ayaw ko lang naman maunang mag-sorry sa kaibigan niya ah?

Nung mawala si Dino sa paningin ko ay siya namang dating ng oh-so-devil niyang kaibigan.

At dahil sa direksiyon niya din um-arrive ang bestfriend ko, napatingin ako sa kanya.

Nangangalumata, parang inaantok, nanlulumo. Yan ang itsura ni Franz nung madaanan ng mata ko. Pero care ko naman diba? Yung kaibigan ko ang tinitingnan ko eh.

Nung mapansin ako ni baklang Jeffrey ay kumaway siya ng walang humpay kaya kinawayan ko din siya.

Nung paglapit niya sa akin ay nag-beso-beso agad kami saka siya umupo sa tabi ko.

"Sino tinitingnan mo dun?" tanong niya agad.

"Ikaw, gaga! Sino pa bang titingnan ko dun?" tanong ko naman sa kanya.

"Ahh, akala ko kasi tinitignan mo si Franz eh." sabi pa niya habang kinukuha yung notebook niya mula sa bag niya.

"Akez!? Sisipatin ko yung fez nun? Mabuti pang pakatitigan ko yung fez ng pagong kesa sa mukha niyang mala-demonyo." naiinis ko namang sabi sa kaibigan ko.

"Hard, Mars! Pero never ka talagang nagwapuhan kay F? Kasi kami, aminado kami, nahuhulog lahat ng pwedeng malaglag pag dumadaan siya eh." tanong niya kaya natigilan ako.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now