16-tacles

6.4K 193 63
                                    

FRANCIS' POV

"...cis!" dinig kong sigaw ng isang tao kaya napalingon ako para hanapin kung tama ba ang hinala ko.

"Narinig mo yun, p're? May tumatawag sa akin." sabi ko kay Dino habang hinahanap ko pa rin yung pinanggalingan ng boses.

Gusto kong tawagin niya ulit ako para mahanap ko siya pero wala eh, mukhang nilamon na siya ng dagat ng tao kung nasaan man kami ngayon. Kilala ko ang boses niya kaya alam kong SIYA yun. SIYANG-SIYA yun! Bakit ba kasi ang daming tao sa mall kapag Pasko eh!?

"Ulol! Gutom ka lang! Tara, kain muna tayo." sabi niya lang tapos ay lumakad siya papunta sa isang kainan. Sumunod naman ako sa kanya pero hindi ako tumigil sa paglinga para hanapin siya. Sana makita ko siya. Nami-miss ko na siya eh.

Pagpasok namin sa loob ng kainan ay sinabihan ako ni Dino na maghanap ng mauupuan para hindi kami maubusan. Pero sa dami ng tao ngayon, nahirapan akong makahanap ng kahit na isang bakanteng upuan lang. Buti na nga lang at may isang lalaki na nagsabi sa akin na hintayin ko na lang silang matapos kumain ng syota niya kaya tumayo ako sa tabi ng mesa nila.

Habang naghihintay ako ay biglang pumasok sa isip ko si Bench.

Si Bench ba talaga yung tumawag sa akin o iniisip ko lang yun kasi ilang araw ko nang hindi naririnig yung boses niya? Nami-miss ko na din kasi yung baklang yun. Ang tahimik pag wala siya eh.

Natauhan ako nang biglang tumayo yung dalawa. Nginitian nila ako at tinanguan ko naman sila bilang pasasalamat. Nilinis lang ng waiter yung mesa at napag-isa na naman aki. Bigla na namang pumasok sa utak ko si Bench kaya napangiti na lang ako.

"Para kang baliw dyan! Nakakita ka ba ng maganda? Patingin naman! Saan ba?" biglang basag ni Dino sa pag-iisa ko kasabay ng paglapag niya sa mesa ng mga pagkaing binili niya.

"Wala p're. May naisip lang akong nakakatawa." sagot ko na lang habang paupo na rin.

May sa karamihan din ang binili niya ha? Ilan ba kaming kakain? Apat? Bibitayin ba kami dito?

"Ay, pare! Nagawa mo ba yung pinapagawa ni Bench?" bigla niyang tanong kaya natigil ako sa pagkuha ng mga pagkain. Bakit naungkat pa yun?

"Hindi. Tinatamad ako eh." walang kabuhay-buhay kong sagot.

"Gago 'to! Gawin mo! Alalang-alala sa'yo yung tao eh." ha? Nag-aalala? Wag ganyan pare! Kinikilig ako, gago!

Hindi ko na lang pinahalata na kinikilig nga ako at nagpatuloy na lang ako sa pagkuha nung mga pagkain para makakain na. Kahit hindi ako gutom, hindi ko na 'to palalampasin dahil minsan lang manlibre 'tong si Dino.

Nakasanayan ko nang pag kumakain ako sa mga ganitong klase ng lugar ay tumitingin muna ako sa labas o kung saan may dumadaang tao bago ako sumubo ng pagkain. Kaya laking-gulat ko na lang nang mapansin ko ang isang pamilyar na mukha na nakikipagsiksikan sa dami ng tao. Sinundan ko lang siya hanggang sa lumiko siya at mawala nang tuluyan sa paningin ko.

"Bench?" mahina kong natanong sa sarili ko dahil parang nag-aalangan pa ako kung talaga ngang siya yun.

Parang gusto ko siyang sundan pero sabi naman ng utak ko na wag na dahil masyadong maraming tao at papahirapan ko lang ang sarili ko.

"Ha? Si Bench? Nasaan?" tanong ni Dino tapos ay nagpalibot-libot ang tingin niya sa paligid. Ugok 'to! Wag ka ngang ganyan! Parang hindi mo binasted yung tao kung makahanap ka ah? Nagseselos ako, gago! Hahahaha.

"Wala. Akala ko lang si Bench." paiwas ko na lang na sabi para hindi na siya magbanggit ng kung ano.

"Sus! Nami-miss mo na din siguro siya kaya ganyan nararamdaman mo." bigla niyang sabi na ikinalaki ng mata ko. Gago 'to! Kung anu-ano pinagsasasabi. Pero napangiti pa rin ako at napatitig sa kanya.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now