CHAPTER 48 The Truth

1.6K 53 5
                                    

Milla POV

Dinala namin ang katawan ni Yielle kahapon sa Centreo Palacio kung saan nakatira ang pinakamataas

Napatingin ako sa mga kasama ko na hanggang ngayon ay hindi pa tumitigil sa pag iyak lalong lalo na si Hayi

Nakaharap kami ngayon kung saan mahimbing na nakahiga si Yielle sa puti nitong higaan

Lumapit ako sa kay Hayi at hinimas himas ang likod nito upang tumahan

"Tahan na h-hayi, hindi m-magiging masaya si Y-yielle kapag umiiyak tayo" naiiyak na saad ko

Lumapit na rin ang ibang kasama namin kasama sina Saina at Iba pa

"A-akalain mo yun, nakasama ko ang pinakamataas at tunay na P-prinsesa sa iisang dorm" pait na tumatawa na saas ni Hayi

"Hindi ako makapaniwalang siya pala ang totoong Prinsesa. Natutuwa ako dahil sa maikling panahon nakasama natin siya" naluluhang saad ni Hans

"Kahit ako, dahil kung titingnan ay napakanormal ng kaniyang dating pero maraming nalalaman" saad naman ni Hans

"Hindi rin ako makapaniwalang totoo ang sinabi sa akin ni Yielle na 'kapag sinabi ko ba ay luluhod ka' tapos sinusungitan ko" singit ni Saina sa usapan

"Kaya pala kung humarap siya sa impostor na prinsesa ay napakatapang" mapait na tawa at saad ni Elown

Naluluha na ako kaya iniwas ko ang tingin patungo sa kung saan nakahiga si Yielle at naroon rin si Primo

Lumapit ako sa kaniya ngunit mukhang hindi niya naramdaman ang aking presensya

"Isa ka palang Prinsesa. Tama talaga ang sinabi nila n dapat kitang ipaglaban ngunit naduwag ako" rinig kong saad nito

"Sana kung sinabi mo kaagad ay naipaglaban kita kahit mamatay man ako. Mahal kita Yielle"

"Tama ang sabi mo, nasa huli ang pagsisisi. Yielle, sa huling pagkakataon, sa huling araw at oras. Isa lang ang masasabi ko, Mahal na Mahal kita higit pa sa mundo. Mahal na mahal kita" naluluhang saad ni primo at hinalikan si yielle sa labi

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Primo sa pisngi ni Yielle

Lumapit ako kay Yielle at pinagmasdan ang kaniyang pagkatulog

Kahit namumutla'y napakaganda. Sa huling pagkakataong nakasama ka namin ay nakaramdam kami ng tunay na pagmamahal mula sa kaibigan

Pinauwi na kami ng reyna upang magpahinga. Nagpupumilit pang si Primo ang magbabantay kay Yielle ngunit nabigo ito

Ilang araw na ang lumipas at ang balita namin ay inilibing na si Yielle

Hindi na kami pinayagan ng reyna na pumunta sa araw ng kaniyang libing

Ngunit nakakapagtakang nakangiti sila noong bumisita sila rito

"Legends at yung mga kasama niyo pumunta kayo sa office ko" biglang pumasok sa loob si Miss Gwen at iyon ang saas niya

Pagkaalis niya sumunod kaming matamlay sa kaniya

*************

Gweneri POV

pagkarating namin sa loob ng office ko ay matamlay sila na parang walang gana

Ako? Nakangiti at masaya dahil may hindi silang alam na alam ko

Humarap ako sa bintana ko habang nakatalikod sa kanila. Nakatingin ako sa langit at nakita ko siyang nakatingin

"Alam niyo bang si Yielle at Shielle ay iisa?" Bumalik ang sigla nilang nakatingin sa akin

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon