CHAPTER 7 Section Identifying II

1.8K 68 2
                                    

Milla POV

"Ngayon ay ang inabang abangan niyo si Primo Leander the Leader of the Legends"

Pumunta si primo sa stage at pumasok sa barrier. Seryoso siya habang nakaabang sa mga halimaw na lalabas sa portal

Ilang sandali lang ay lumabas na ang mga halimaw. Gamit ang hangin ay gumawa ng ipo ipo si primo. Sinundan niya ito ng apoy at bato

Nilipad ang mga halimaw kasabay ng pag apoy ng mga katawan nito. Mabilis natapos ang laban niya at nakakuha siya ng 94 score and 00:09:26 time

Ano pa nga ba aasahan namin jan eh PERFECT boy yan

"Wowww ang galing talaga ng ating lider.walang kupas ang galing..... So eto na ang susunod!... the last but not the least... Yielle shiu"

Agad na pumwesto sa gitna si yielle habang nakangiti. Umupo muna siya sa sahig habang naghihintay sa pagbukas ng portal at paglabas ng mga halimaw

Lumabas na ang hinihintay niya, lumabas ang mga halimaw mula sa portal. Hindi pa rin napapawi ang ngiti ni yielle na parang sanay na siya ng ganung laban

Tumayo siya at ikinumpas sa hangin ang kanyang daliri. May isang bakal na lumipad at dumiretso sa likod ng halimaw. Natumba ang isang halimaw na papalapit sa kanya

Sumunod naman ang tatlong halimaw. Ikinumpas niya ulit ang kaniyang kamay at ayun natumba ulit yung tatlo.

Maya maya lang ay sumugod na yung natitirang anim. May inihagis siya roon na parang bato at nung napunta na sa ulo ng halimaw ay isang kumpas lang ng daliri ay biglang naging lava ang bato

0_0 ang galing

Natapos ang laban niya ng hindi napapawi ang ngiti. Hindi siya seryoso sa pakikipaglaban ngunit na lampasan niya ito ng wala halos pagod na matatanaw sa mukha nya. Pumalakpak siya ng parang bata habang nakangisi at nakasingkit ang mata

Wahh ang kyut niya

Na kay yielle ang atensyon ng lahat ngunit yung sa akin ay nabaling kay Primo na nakangiti na nakatingin kay Yielle

Himala ngumiti ang isang toh

"Wow ang galing ng isang toh! Yielle shiu ay nakakuha ng 89 score at 00:12:54 time"ani tagapag salita "and thats all for today pwede na kayong kumain"pagtapos niya ay agad na umalis sa gilid

Rinig ko ang manghang komento ng ibang estudyante rito sa field habang papunta ng canteen

"Akalain mo yun babe nalamangan tayong mga legends syempre maliban kay Primo"cosmo

"Alam kong nalamangan tayo pero wag mo nga akong tinatawag na babe nakakasuka kasi eh"

"Ayyy grabe ka na-"

"Dude panis ako este tayo"sigaw ni Hans

"Mukhang hindi nga siya nakakaramdam ng pagod eh parang sanay na"

"Oo nga yun din yung napansin ko"

Pinag uusapan namin si Yielle pero ang mga mata namin ay na kay Primo na nakatingin pa rin kay Yielle

"Kahapon pa kamo yan nakangiti habang nakatingin kay Yielle"bulong ni Elown sa amin

"Parang ibang ngiti na yung pinapakita ni master satin ah"bulong ni cosmo

"Mukhang may lulunas na sa pagiging masungit ni Master ah at mukhang babae ang lunas"nakangising ani ni Hans

"Huyy hinaan nyo nga mga sinasabi niyo baka marinig tayo ni Primo"ani ko naman sa kanila

Nakayuko kaming apat habang nagbubulungan ng may maramdaman akong nakisali sa amin na nasa pagitan namin ni cosmo

"Oo nga naman Hans hinaan mo boses mo baka marinig kita" oh uh

*lunok*bago lingon

Nanlaki ang mga mata namin ng may nabuo na siyang isang bolang apoy sa kamay niya

"Hehe master biro lang naman lahat yun"

"Oo nga Primo biro lang yun"

"Ahmmm guys nagugutom na ako tara na sa canteen sobrang sakit na ng tiyan ko eh"pag iiba ko ng usapan habang nagpipilit ng ngiti

"Ako rin!" Sabay sabay na sigaw ng tatlo at agad tumakbo

Habang tumatakbo ay tawa kami ng tawang apat. Si primo naman ay nakasunod lamang sa amin. Nahagip ng mga mata ko si Yielle na tumatawa habang nakatingin sa amin


*************

Shielle POV

Pagkatapos ko kalabanin ang mga halimaw ay pumunta ako sa pwesto ni Hayi. Hindi ako nakaramdam ng pagod dahil sanay na ako. Mas malakas pa nga doon sa mga halimaw na yun eh


Wow ang galing ng isang toh! Yielle shiu ay nakakuha ng 89 score at 00:12:54 time"ani tagapag salita "and thats all for today pwede na kayong kumain"pagtapos niya ay agad na umalis sa gilid

Nasa harap ko na si Hayi na agad na tumalon papunta sa akin sa sobrang tuwa

"Wow ikaw ba talaga yan yielle? Ako kanina halos mamatay na pagod samantalang ikaw parang wala lang"

"Hehe sanay na kasi ako eh"

"Ang galing mo yielle! Ano yung batong hinagis mo sa mga halimaw na naging lava?"

"Ahh yun? Isang uri ng batong fierra mula sa bundok malayak malapit sa Fuego Palacio"

"Ehh akala ko ba hindi ka taga rito?"

"Ahhh kase- malalaman mo rin ang totoo. Tara na nagugutom na ako"

"Hehe pero ang galing mo talaga"

"Ikaw rin"

Mukhang naintindihan niya naman ako na may sikreto kaya hindi na siya nagtanong pa

Naramdaman ko ang tingin ni Primo sa akin kaya nilingon ko sila. Nakita ko sila ate elown, ate Milla, cosmo, at hans na nagbubulungan habang nakayuko

Nakita ko ang pag iwas ng tingin sa akin ni Primo at agad na bumuo ng bolang apoy bago makiyuko sa apat


Nanlaki ang mga mata ng apat at nagsitakbuhan habang kami ni Hayi tawa ng tawa sa kanilang lima papunta sa canteen. Lumingon sa amin saglit si ate milla habang tumatakbo


Medyo nagugutom na ako kaya hinawakan ko sa braso si Hayi na ikinakunot ng noo niya


"A-anong gagawin mo?"

"Hahaha wag ka mag alala di kita kakainin magteteleport tayo papuntang canteen"

"Hala weh marunong-"hindi ko na siya pinatapos at nagteleport na "-ka"dugtong niya pagkarating namin sa canteen


"Hehe oo"


*********

Guys tuloy niyo lang pagbabasa hehe

Enjoy❤ Ilab yah💖

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt