CHAPTER 29 Dance With Her

1.3K 47 5
                                    

Shielle POV

Natapos ang kainan at nag announce na ang tagapagsalita na simulan ang sayawan

Napalitan ng romantic ang kanta at dahan dahan tumayo ang mananayaw sa gitna

Nakita ko si Haring Raquim na tumayo at inilahad ang kamay kay Reyna Lierra. Nakita kong tumingin muna sa akin ang reyna bago tumayo at tanggapin ang kamay ng hari

Bakit ba niya ako tinitingnan?!

Tumayo rin ang ibang Hari at niyaya ang kaniyang reyna upang sumayaw

Nabaling ang paningin ko sa Hari ng Tierra na tumingin sa gawi namin at kumindat bago tumayo at ilahad ang kanang kamay sa kaniyang Reyna

Sino kinindatan niya?

Nagsimula na sila sumayaw sa gitna. Niyaya na rin ni Cosmo si Ate milla na sumayaw at hindi naman ito tumanggi. Ganun rin si Hans, sebastian at Sir Salavador kina Ate Elown, Hayi at Miss Gwen

Nagsitayuan na sila at nakihalobilo sa gitna. Napatingin ako sa paligid. Kakaunting tao na lamang ang nakaupo

Ako at si Primo na lamang ang nakaupo sa Lamesa namin

Nagulat ako ng tumayo si Primo sa tabi ko. Akala ko ay magccr o aalis ngunit nabigla ako ng ilahad niya ang kamay niya sa akin

"Maaari ba kita isayaw?" Napatingin ako sa mukha niya na halatang kinakabahan. Natawa ako sa itsura niya dahil malamig ang panahon ngunit pinagpapawisan ito

Tinanggap ko ang kaniyang kamay at tumayo

Inilagay ko ang kamay ko sa kaniyang balikat at inilagay niya naman ang kamay niya sa aking baywang

"Bakit ka pinagpapawisan eh ang lamig lamig?" Natatawang tanong ko kahit alam ko ang sagot

"Eh kasi....n-naiinitan a-ako" iwas tinging sabi niya

"Weh?!" Paninigurado ko

Bumuntong hininga siya bago magsalita

"N-ngayon lang kasi ako n-nag aya sa b-babae na s-sumayaw" pag amin niya na ikinatawa ko

"HAHAHAHA" tawa ko na ikinaseryoso ng mukha niya kaya napatigil ako

Inilapit niya ang mukha sa akin kaya napaatras ako ngunit hawak niya ang bewang ko at mas inilalapit niyaa ko sa kaniya na mayroong seryosong mukha

Sobrang lapit na ng mukha namin at halos maduling ako habang nakatingin sa mukha niya. Nakayuko naman siya dahil sa tangkad nito

"B-bakit?" Utal na tanong ko

"Seryoso ako kaya huwag mo akong pinagtatawanan" seryosong saad niya

"H-hindi n-na n-nga" utal na saad ko ulit dahil sa lapit ng mukha namin

Makisama ka naman boses ko!!!

Ngumiti siya at inilayo ang mukha niya na ikinahinga ko ng maluwag

"Ang kyut mo mamula" saad niya kaya lalo akong namula

"Ngayon lang sa buong buhay ko ang makasayaw at makahawak ng babae" dugtong niya at nag iwas ng tingin

Tuloy tuloy ang sayaw naming dalawa. Mabagal lamang ito at nakatingin kami sa isa't isa

Ang ganda ng mga mata niya. Tangos ng ilong, pula ng labi, at sakto ang kapal ng kilay. Perpekto siya kung ako ang tatanungin

Ngunit.....

Nawala ako sa pag iisip ng biglang namatay ang ilaw. Nagulat ang lahat ngunit napawi rin ng bumukas ang isang spotlight at nakatapat ito sa reyna ay hari na nasa gitna

Sumasayaw ito ng mabagal at mahinhin. Nakatingin sila sa isa't isa at nag uusap

Tinitingnan ko lamang sila ng humarang si Primo. Nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. Sobrang lapit katulad kanina na halos maduling ako

"Yielle ako ang kasayaw mo at sa akin ka magfokus" seryosong saad nito na ang lapit ng mukha ay ganun pa rin

Nakayuko siya at sobrang lapit ng mukha. Nakatingin ako sa mga mata nito na halos maduling na ako

Iiwas na sana ako ng bigla ay nakaramdam ako ng tulak sa likod ko. Napayakap ako sa leeg ni Primo at napahawak rin ang kaniyang dalawang kamay sa aking bewang bago ako nakaramdam ng..............

.

.

......ng malambot na labi!!!!


***********

Elown POV

Napatingin kaming lahat kina Yielle at Primo nang magdikit ang dalawang labi nito

Napalaki ang mata ni yielle ng mapagtanto kung ano ang nangyari

Nakayakap si Yielle sa leeg ni Primo at Nakahawak ang dalawang kamay ni Primo sa bewang nito habang magkadikit ang labi

Saktong pagbukas ng puting ilaw ang pagkalas ni Yielle kay Primo. Namumula ang dalawa at nag iiwasan ng tingin

Nagtinginan kami nila Milla, sebastian, hayi, cosmo, at hans bago ngumiti

"Ang galing ng pagkatulak ko! Saktong nakayuko at nakaharap si Primo kay Yielle!" Masayang saad ni cosmo

Yes kami ang nagplano kanina pa. Mula ng yayain ni Primo si Yielle ay nag usap usap kami

Dapat noong una na magkalapit ang mukha nila ngunit nakatingin ang Reyna sa kanila kaya humanap kami ng oras

"Ang galing mo nga eh sana hindi malaman nila Yielle" kinikilig na saad ni Hayi

Napatingin ulit kami kay yielle na pilit hinahanap ang tumulak sa kaniya. Napunta ang paningin nito sa amin kaya agad kaming umiwas ng tingin at kunyaring nasa harap ang pokus namin

"Ladies ang Gentlemen! Maraming salamat sa inyong pagdalo! Ito na ang oras ng pagwawakas sa selebrasyong ito!" Pagkasabi ng tagapagsalita ay lumapit ito sa Reyna at hari bago umalis

Nagsialisan na rin ang ibang mga tao. Bumalik kami sa pwesto at kunyaring hindi alam ang nangyari

Lumapit si Primo at Yielle na namumula ang pisngi

"Oh anong nangyari? Bakit ang pupula ng pisngi niy?" Salubong na tanong ni Miss Gwen

Pasimple kaming tumawa dahil baka mahalata

"A-ah w-wala ho" utal na saad ni Yielle at mas lalong namula

Napatawa kami sa ngiti ngunit mahina lamang ito at hindi pinapahalata

Napatingin sa amin si sir salvador at Miss Gwen at mukhang nalaman na agad nila ang nangyari dahil sa simpleng tawa namin

"HAHAHA tama na ang kiligan! Iligpit niyo na ang gamit niyo at tayo ay magpapaalam na sa Maharlika" natatawang saad ni Miss

Sumunod kami sa kaniya sa pagpapaalam ng hindi nawawala ang ngiti

"Mahal na reyna maligayang kaarawan ho at nais na ho naming magpaalam" saad ni Miss gwen

Yumuko kami. Napatingin ako sa reyna na nakatingin kay yielle na nakayuko

Tiningnan ko si Yielle na parang maluluha o baka dala lang ng kilig kanina

Nagpaalam na rin kami bago lumabas at sumakay sa karwahe

Nakarating kami makalipas ang ilang oras. Nagmadali ako sa pagpasok sa aking kwarto dahil sa antok at pagod



**********

Sorna🥺

Vote and leave a comment!👈

Continue and enjoy reading!❤💖

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now