CHAPTER 3 Trouble

2.2K 72 1
                                    

Shielle POV

pagkapasok ko ng pinto ng kwarto ko ay namangha agad ako sa bumungad sa akin. Malaki at malawak na kwarto

Kulay puti ang tema ng dingding. May maliit na chandelier na kulay ginto. Sa kanang bahagi ay nandoon ang isang malaking kabinet na kulay puti

Napansin ko rin ang pinto sa tabi ng kama. Yun siguro ang pinto ng terace. Napako ang tingin ko sa kama

Umupo agad ako sa kamang malaki at kulay ginto. Ang lambot yun agad ang pumasok sa isip ko.

Totoong ang lambot at mukhang luma na ngunit napaka bango nito na parang bago

Naglibot libot naman ulit ako. Mula sa kama ay pumunta ako sa pintong katabi nito. Hindi ako nagkakamali pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang puti at kulay gintong terace

Lumabas muna ako saglit at nagpahangin. Pumasok ako ng may marinig akong katok. Sinarado ko ang pinto ng terace at binuksan ang pinto kung saan galing ang katok

Bumungad sa akin ang naka puti at nakashort na babae. Ayy si Hayi pala

"Yielle sama ka ba sa akin pupunta ako sa canteen medyo nagugutom na kasi ako eh"

"Ahm mamaya nalang siguro aayusin ko pa kasi ang gamit ko eh"

"Sige pero mukhang hindi mo alam ang daan papunta sa canteen"napaisip ako. Oo nga noh

"Ganito nalang. Mag iiwan ako ng bakas tapos sundan mo nalang"dugtong niya sabay pakita ng anino sa paanan niya "sundan mo nalang iyan para hindi ka maligaw"

"Sige, salamat"

"Ok bye sunod ka ah. Walang pagkain sa ref eh Hehe"tumango naman ako sabay ngiti

Umalis na siya. Bawat dinadaanan niya ay may markang naiiwan. Marka ng anino

Pagkalabas niya ng dorm ay sinimulan ko nang ayusin ang gamit ko. Mula sa mga sandals at sapatos ay inilagay ko sa pinakababang bahagi ng kabinet. Sa taas nito ang mga damit ko

Pagkatapos ko ay agad akong humiga sa kama dahil sa pagod. Ipipikit ko pa lang sana ang aking mata ng may tumunong

.
.
.
.
*kruh*

Ang galit kong tiyan. Mukang kailangan ko nang kumain. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Pagkalabas ko ay nilock ko muna ito

Tulad ng sabi ni Hayi ay sinundan ko ang aninong iniwan niya. Ang layo naman ng canteen. Naisipan kong tumigil muna

Maglalakad na sana ulit ako ng biglang may bumangga sa akin

"Ouchhh! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" Tanong sa akin ng babaeng makapal ang lipstick..ako pa di tumitingin sa dinadaanan ah

"Ahmmm sorry" tanging sabi ko lang

"Psh next time na mabangga mo ako gagawin kitang abo"

Tinarayan niya ako bago siya magwalkout..kapal ng apog ah, ako pa talaga ang hindi tumitingin sa dinadaanan

Naglakad ulit ako habang sinusundan ang anino. Habang naglalakad rinig ko ang bulungan ng ibang estudyante

"Ang kapal naman ng mukha niyang banggain si Saina"

"Kabago bago nagawa agad ng away"

"Sino ba siya eh baka di niya kayang matapatan si Saina"

"Banggain na niya lahat wag lang ang mas mataas sa kaniya"

Magpakabait ka yielle...magpakabait..wag mo patulan

Napapikit ako at tinuloy ang paglalakad

Lintik na mga toh ako pa talaga nambangga

Sinundan ko ulit yung anino hanggang sa marating ko ang canteen. Ang laki at ang lawak. Hinanap agad ng aking mata si Hayi at hindi naman ako nabigo.

Nakita ko siyang kumakaway sa akin. May tinuturo siya na ang ibig sabihin ay 'kumuha ka ng pagkain' nakaturo siya doon mismo sa mga nakahelerang pagkain

Sumunod naman agad ako. Pagkarating ko ay kumuha ako ng kanin, minudo, adobo, fried chicke, at afritada..oo na matakaw na ako😒

Pagkatapos ko ay nilagay ko sa tray at naglakad papunta kay Hayi ng biglang may bumunggo na naman sa akin kaya ayun natapon ang pagkain ko

"Ay sorey akala ko kase hindi tao eh" sabi ng familiar nakabunggo sa akin ng naging dahilan ng tawanan sa loob ng canteen "feel mo na ba mabunggo" okay kilala ko na.. si SAITAN- este SAINA

"Lintek na" bulong ko..mabait ako ei pero pag usapang pagkain sorry ka lalo na't gutom ako "hoy babae ano problema mo hah? At sino ka ba sa akala mo?

Shit! Nagwawala na naman ang aking kapangyariham at kumakalat na naman ang halaman ko sa katawan ko..kelangan ko tong pigilan.. kalma yielle kalma

Ramdam ko rin ang pag iiba ng kulay ng aking mga mata

"Oww di mo ako kilala? Ayy oo nga pala bago ka pa. Ako lang naman ang binungo mo kanina ako lang naman si Saina Quin...ehh ikaw? Sino ka ba?"

Kinalma ko muna ang sarili ko bago Lumapit sa kanya at bumulong

"Kahit ilang beses kang magpakilala ay wala akong pakealam"

Agad naman siyang nagreak

"ew! Wag mo nga akong bulong bulongan!"

"okay! Edi di.... wag"sabi ko at tatalikod na sana nang hawakan niya ang braso ko

"Hoy wag kang bastos hindi pa tayo tapos mag usap!"

"Ayy nag uusap pala tayo?" Pang aasar ko

"Hoy ikaw ang swerte mo nga at kinakausap kita di ka ba marunong magpasalamat sa grasya?!"

"Correction! Disgrasya at di naman kita kailangan kausapin" syempre ako iyan

"Grrrr you're so mapanglait"

"And you're so very pangit"

"Kanina ka pa! Nakakainis ka na!"

"Ay hindi ngayon lang talaga"sarcastikong ani ko "at eww bitawan moko baka magkagerms pa braso ko"

Agad niya naman ako binitawan at tinarayan. Tinarayan ko din siya ng lumingon siya sa akin bago ako naglakad pabalik sa kainan

"Hoy hindi pa tayo tapos!" Rinig kong sigaw niya kaya nireplyan ko naman

"Okay!"

"Humanda ka sakin!"

"Okay!"

"Tandaan mo luluhod ka sa akin upang magmakaawa!"nang marinig ko iyon ay humarap agad ako sa kanya

"Okay pero..... di mo ako kilala eh"ani ko habang nakangisi

Nakita ko ang pagkagulat niya. Tumalikod ako at tinuloy ang paglalakad papunta sa kainan.rinig ko pa rin ang pagtawag niya ngunit hindi ko ito pinansin. Kumuha ako ng panibagong pagkain

Kainis sayang yung pagkain-_-

************

Nakakaantok na guyss

Continue reading🥰

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now