CHAPTER 23 Eat With The Goddess

1.5K 60 1
                                    

Keihayi POV

Nakita ko ang pagyuko ng dalawa sa pinakamataas na goddess pero hindi ko ito pinansin at tinuon ang paningin kina Yielle at Primo na karga ang natutulog na aria

Para silang isang pamilya!!hehehe

Ilang saglit pa ay nagising ang bata at humara sa kanila na may pagtatakang tingin at nagsimulang magtanong

"Rito ka muna upang maging ligtas ka"sambit ni Yielle sa bata na nalungkot ang mukha

"Gusto ko sama sa inyo"naluluhang sabi ni aria kaya niyakap ito ni Yielle

"Hindi maari, dahil hindi ka magiging ligtas sa amin"saad nito na nakayakap pa rin kay aria

"Iwan niyo ako ina"tumango si Yielle. Umiyak ng tuluyan ang bata

"Balik niyo ako rito ina"sambit ni aria na dumadaloy pa rin ang luha

"Oo naman babalikan ka namin kapag ligtas na"pagpapakalma ni Yielle. Hinimas himas nito ang likod ng bata upang patahanin habang nakayakap pa rin

Umalis sa pagkakayakap si aria at lumapit kay primi. Niyakap nito ang binti ni Primo kaya Yumuko si Primo

Akala namin ay kakausap niya lamang ito pero binuhat niya ito at ipinwesto ang ulo ni aria sa balikat niya at hinimas himas ang likod

Kailan pa ito natutong magpatahan ng bata

"Maari ba kayong sumabay na lamang sa amin kumain?"napatingin kami sa nagtanong na unang goddess

Nahihiya kaming tumugon pero nahihiya rin kaming tumanggi kay sa huli tumango na lamang kami

Pumasok ang mga Goddess sa loob at nagbigay hugyat na sumunod kami sa kanila

Nakasunod naman kami sa kanila. Basa hulihan si Yielle at si Primo na karga ang bata.hehehe ano iyan pamilya?!^_^

Habang naglalakad ay di ko maiwasang mamangha sa ganda. Ang daming Chandelier at ang lalaki. Ang ganda ng kulay crema nitong tema at ang malalaking pinta

Nang makarating kami sa hapag ay di ko inakalang ganito ka laki. Ang daming pagkaing nakahanda at ang liwanag

Ilang saglit ay humarap sa amin ang mga goddess at naghudyat na umupo kami. Sinunod naman agad namin ito

Nasa gitna ako ni seb at antonette. Inilapag ni Primo si aria sa gitna nila ni Yielle

Nagsimula na kaming kumain. Sinusubuan naman ni Yielle ng pagkain si Aria habang si Primo nakatingin lamang kay Yielle tuwing ginagawa niya ito


Habang nakain ay nag uusap rin kami pati ang mga goddess

"Ang sinasabi niyo ay may babaeng tumulong sa inyo na may palasong kulat itim at puti"saan ng pangatlong goddess at tumango naman kami.


Naikwento rin namin sa kanila ang nangyari habang naglalakbay kami

"Kung gayon ay saludo ako sa babaeng iyon dahil nagawa niyo kayong tulungan sa oras ng panganib"saad naman ng pangalawang goddess na nakatingin kay Yielle na nakangiti habang sinusubuan si Aria


"Ngunit.. kung sino man siya ay sigurado akong hindi siya normal dahil sa sinasabi niyong naglaho agad at mabilis kumilos. Magaling siya at bihasa sa pag gamit ng pana kaya mapapaisip ako na hindi siya normal"mahabang sambit ng ikaapat na goddess na ikinatungo ng pangatlo at panglimang goddess


ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now