CHAPTER 41 Again?

1.4K 49 6
                                    

Milla POV

Natapos ang kainan kaya bumalik na kami sa klase. Hindi pa rin ako makapaniwala na ngumiti si Primo dahil kay shielle

Hindi ko alam pero parang siya at si yielle ay iisa kaso kung iisa lang sila dapat ay galit siya kay primo

Pagpasok namin ay saktong naroon si Miss Gwen na nakangiti

"Magandang araw sa inyo! Nais ko na pumunta kayo sa field dahil may ipapasubok ako sa inyo" saad nito

Bago siya lumabas ay yumuko siya upang magbigay galang kay.... Shielle?

Ngumiti lamang si yielle bago tuluyang umalis si Miss Gwen. Ang akala namin ay sa prinsesa siya yumuko ngunit bakit?!!

"Bakit yumuko si Miss?" Hindi na ako nakapagtiis na hindi itanong

"Pagbigay galang sa prinsesa hindi ba?" Saad ni Hayi na mukhang hindi napansin na kay Shielle ito nakatingin. Tumango lamang ako at nagpanggap

Umupo na si Shielle sa dating upuan ni yielle at tinanaw ang paligid mula sa bintana

Nakikipagkwentuhan pa naman si Hayi kay elown kaya tumabi ako rito. Magsasalita na sana pero naunahan ako ni Primo

"Hi" saad nito

"Hello" nilingon niya ito at ngumiti

"Bakit tuwing nakikita kita ay naaalala ko ang babaeng pinakamamahal ko?" Malungkot na saad ni pRimo. Pasimple akong nakikinig sa kanila

"Hindi ko alam" tanging sagot ni shielle

"Hindi kaya ikaw at si Yielle ay iisa" biglang tumawa si Shielle ng malakas bago magseryoso at tumayo upang ilapit ang mukha kay Primo

Ang akala ko ay aatras si Primo ngunit nilapit niya rin ang mukha niya kay shielle na parang handa ng halikan kaya napaatras si shielle

"Dahil kapag nalaman ikaw at si Yielle ay iisa, asahan mong hindi ka na makakawala pa" nakangising sambit ni Primo

Tumawa si Primo bago magsalita ulit ngunit mas inilapit niya ang mukha niya kay Shielle kaya napaatras si Shielle hanggang sa pader na ang maatrasan nito

Ikinulong ni Primo sa bisig nito si Shielle na parang ayaw na pakawalan

"Sa iyong kaalam mahal na Prinsipe ay ako at iyong babaeng minahal mo ay magkaiba" lumaban si shielle at inilapit niya ang kaniyang mukha kay Primo

"Siguraduhin mo lang! Kapag nalaman kong kayo ay iisa asahan mong mabubuntis ka ng maaga" nakangising saad ni Primo at tumingin pa baba sa ilong hanggang sa labi ni Shielle

Sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa ay konting sanggi na lamang ay magdidikit na ang mapupula nitong labi

Hinawakan ni Primo ang panga nito at nagulat ako sa sumunod na nangyari. Hinalikan ni Primo si shielle!

"Pati ang iyong labi ay pamilyar binibini" saad ni Primo habang nakangisi. Nakita ko ang pamumula ni Shielle pero pilit niyang nilalabanan

Ngumisi si Shielle kaya nawala ang ngisi ni Primo. Tumingkayad si shielle bago ilagay ang dalawang kamay nito sa batok ni Primo

Hawak na ni Shielle ang batok ni Primo saka ngumiti. Walang pakundangan na hinalikan ni Shielle si primo na ikinabigla nito

"Para sa itong kaalaman Prinsipe, magkaiba kami" nakangising saad ni Shielle bago umupo sa upuan nito

Namula si Primo at hindi nakagalaw sa pwesto niya. Hindi ko alam pero imbis na mainis ako dahil pinalitan na ni Primo si yielle ay napangiti ako

Ang akala nila ay walang nakinig at nakakita sa kanila pero mukhang mali sila ng akala

Nakita ko ang kunyaring pag uusap nila Hayi kahit ang totoo ay nakinig rin sila

"Hi Milla ikaw pala iyan akala ko si Hayi" napalingon ako kay Shielle. Ngumiti ako at pinipigilan ang kilig dahil sa nangyari

Nagpaalam ako rito na babalik na sa upuan. Tama nga ako!nakinig rin sila dahil ikinwento nila ang mga narinig nila

Pero mukhang hindi nila nakita iyong halik. Tumingin ako kay Primo na nakatulala sa may bintana hawak ang labi nito.

Nagsitayuan kami ng pumasok si Miss Gwen at sinabing pumunta na raw kami sa Field

Pagkarating namin ay tulad ng dati may nakahelerang pana at palaso

Tama nga ang hinala ko! Ipapasubok niya na naman sa amin

Natapos na ang ibang estudyante pati kami. Tanging si Primo, Shielle at ang prinsesa ang natitira

Si shielle na ang susunod kaya inihanda na niya ang pwesto niya. Tulad ni Yielle ay mali ang hawak ng pana nito kaya lumapit si Primo rito upang itama siya

Hinawakan ni Primo ng payakap kay shielle ang pana at ipinawak rito ngunit hindi niya ito hinawakan

Imbis na hawakan ay biglang lumingon si shielle kaya nadikit ang balat nilang dalawa sa mukha. Napalingon naman si Primo sa mukha nito at nagtama ang paningin

Hinawakan ni Shielle ang pana pero ang paningin ay na kay primo

"Marunong ako ginoo" saad ni shielle at nakangiting inirolyo ang mata

"Mukhang hindi" sarkastikong saad naman ni Primo pero ang dalawang braso ay nasa bawat gilid pa rin ni shielle hawak ang pana

"Sapagkat iyon ay pagpapanggap lamang" saad ni shielle at ngumiti

Inilapit pa ni Primo ang mukha kay Shielle bago bitawan at kumawala

Marahang hinawakan ni Shielle ang pana bago itira. Saktong gitna ang tama nito sa target

Akala ko ay iyon lamang ngunit kumuha pa siya ng limang palaso at sabay na itinira. Napa awang ang bibig namin dahil tumama ito sa gitna ng target nila Hayi, Elown, Cosmo Hans at ang kaniyang target

Pagkatapos niya ay nakangiti niyang inirolyo ang mata kay Primo at pinagmasdan ito

Lumapit si Shielle kay Primo at inilapit ang mukha nito bago magsalita

"Sabi sayo marunong ako eh" saad ni Shielle at nakatingin sa labi ni Primo. Yumuko si Primo at inilapit ang Mukha nito kay Shielle bago magsalita

(A/N: sorna mahilig lang ako ilapit ang mukha hehe)

"Ang ganda ng labi mo" saad nito habang nakatingin sa labi ni shielle

Umalis na Si Primo dahil siya na ang susunod. Gitna ang tama niya sa target

Sumunod naman ang Prinsesa ngunit pang lima ang tama ng kaniyang palaso

"Bakit parang naiisip ko sa kaniya si Yielle" napalingon kami kay Primo na nagsalita

"Halata nga eh pati ngiti lumabas" sarkastikong saad ko

"Pakiramdam ko si Yielle at Shielle ay iisa"

"Kung sila ay iisa sana galit siya sayo. Sana hindi ka niya pinapansin, sana nasasaktan siya tuwing nakikita kayo ng prinsesa hindi ba?!" Saad ni elown

"Tama ka naman" pagsang ayon ko at inirolyo ang mata

"Pero malakas lang ang kutob ko"

"Kutob mo lang iyon" pambabara ko kay Primo

Ako rin! Malakas ang kutob pero tulad ng sabi ni elown ay kung siya si Yielle dapat nasasaktan siya tuwing makikita niya ang dalawa

**************

Midnight na mga besh

Vote and leave a comment❤

Continue and enjoy reading!🍉

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon