CHAPTER 19 Lilim Palacio

1.5K 58 0
                                    

Milla POV

Woahh ang laki, ang ganda ng palasyong ito pero hindi mawaring mas maganda pa rin ang palasyo ng mga goddess

Nakarating kaming puno ng putik ang katawan, pawis at puro dumi dahil sa paglalakbay na ginawa namin

Pagkapasok namin sa mismong gate nito ay sinalubong kami ng mga tagapag lingkod. Sinalubong rin kami ng mismong hari at reyna nito

Yumuko kami bilang pagbigay galang sa kanila. Nakita ko sa gilid ng aking mata na hindi yumuko si Yielle ngunit napayuko rin ito ng hilain siya ni Primo

"Oh bakit ganiyan ang mga itsura niyo?! Bakit andudungis niyo?!"tanong sa amin ng reyna

"Eh kasi po naglakbay kami sa gubat patungo rito"sambit ni hans

"Bakit pa eh pwede naman kayong sumakay ng karwahe upang mapabilis ang pagpunta niyo rito"nagulat kami sa sambit ng hari

"Ngunit ang sabi ni Miss Gwen, tanging paglalakad lamang ang daan patungo rito" sabi naman ni elown

"HAHAHAHA mukhang sinubukan na ni Gwen ang inyong tapang at lakas ah"natatawang sambit ng hari

Eh pwede pala magkarwahe?!!!

"Pumasok na kayo dahil gabi na at ang dudungis niyo. Wala bang nasugatan sa inyo?! O nagalusan" konsern na tanong sa amin ng reyna

"Ikinalulungkot ko pong sabihin na meron sa amin ang natamaan ng may lasong palaso ngunit mabilis rin napagaling" pagsabi ni Sebastian

"Palasong may lason? Nakaharap niyo dark hell? Ang mga taong nakamaskarang itim?" Kuryos na tanong nito at tumango lamang kami

"Ngunit... kung nakaharap niyo ang mga iyon ay wala na dapat kayong mga buhay"dugtong nito na ikinakunot ng noo namin

"Iilan lamang ang aming nakaharap dahil may taong tumulong sa amin"dagdag ni sebastian

"Sobrang dami nila at hindi niyo sila kaya at sino naman ang taong tumulong sa inyo?"

"Hindi namin siya nakilala o nakita man lang pero nagkalat ang mga nakamaskarang itim na walang buhay at tanging itim at puting palaso lamang ang alam naming dahilan"mahabang paliwanag ni Hans

"Itim at puti?! Ngayon lamang ako nakarinig ng pinagsamang itim at puti sa iisang palaso pero kung sino man siya saludo ako sa kaniya dahil napataob niya ang mga kampon ng dark hell sa pag gamit lamang pana at palaso"paghahanga ng reyna

Matapos ang usapang iyon ay pinapunta na kami sa dorm kung saan kami magpapahinga at magpapalit ng damit

Pagkapasok namin ay humanga kami sa kulay berdeng tema ng dingding at maliliwanag na chandelier

Pumasok kami sa tig iisang kwarto. Bawat dorm raw rito ay may sampong kwarto kaya sakto lamang kami

Pumasok ako sa kwarto ko. Nilinis ko ang katawan ko bago lumabas ng kwarto

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Hayi, elown, cosmo, hans, antonette, sebatian at saina. Tanging Primo at Yielle ang kulang

Lumabas si Primo sa kwarto niya na bagong ligo dahil basa pa ang buhok nito

"Lakas ng dating master ahh"pang aasar ni cosmo kaya binatukan siya ni hans na nasa tabi nito

"Wag mo asarin si master wala sa mood yan"bulong ni hans pero rinig namin

Ilang minuto na lumipas ngunit hindi parin nalabas si Yielle sa kwarto niya

"Nawiwirduhan ako kanina kay Yielle" sabi ni Hayi

"Ako rin, bakit ang seryoso niya at alam niya ang lahat ng dinadaanan natin?" Kuryos na tanong ni Elown

Kaming tatlo lamang ang nag uusap dahil may sarisariling mundo ang iba

(Makalipas ang siyam na pong libong taon!! char)

Makalipas ang ilang ilang minuto ay lumabas na rin ito na may dalang pagkain.....pagkain?

Napatingin kaming lahat sa kaniya dahil sa hawak nitong maraming pagkain at may laman pa ang bunganga

"Bhakhit?"tanong niya ngunit may laman pa ang bunganga nito

"Bakit andami mong hawak na pagkain? At saan mo nilagay ang mga iyan?"tanong ko sa kaniya

Nilunok niya ang pagkaing nasa bunganga niya bago magsalita

"Syempre sa bag!" Pagkasabi niya ay nagtinginan kami

"Eh sobrang dami niya plus yung mga damit mo paano mo pinagkasiya?"dagdag na tanong ko pa

"Sinong mqy sabing may dala akong damit? Puro pagkain lang kaya laman ng bag ko hehe"napatampal kami ng noo dahil sa sinabi niya

My ghaddd! Kung hindi seryoso, isip bata naman

"Eh paano ka magbibihis o magpapalit? Saan mo kinuha ang pamalit mo?" Tanong naman ni hayi

"Dohhh may damit kaya sa loob ng cabinet"proud na sabi nito. Oo nga pala may nakita akong damit roon sa kabinet

Natapos ang usapan namin ng biglang may kumatok. Pagkabukas namin ay bumungad sa amin ang dalawa sa mga tagapaglingkod rito

"Students pinapatawag na kayo ng reyna sa hapag. Sumabay na raw kayo sa kanila"pagkasabi ay umalis na rin ito

Nagtinginan kami bago tumakbo palabas dahil sa gutom na rin ay di na namin napigilang tumakbo at nag unahan



**********

Primo POV

Pagkalabas ng dalawang tagapaglingkod ay nag unahang lumabas ang mga kasama namin

Susunod na sana si Yielle ng hawakan ko ang kamay nito. Nakaramdam ako ng init ng pisngi ko ngunit hindi ko pinansin

"Tara na sunod na tayo!" Sabi niya sabay tingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya

Bumitaw ako dahil hindi ko na napigilan ang lakas ng talbog ng pusoko. Anong nangyayari sa akin?!

Nabigla ako ng hawakan niya pabalik ang kamay ko at isinuksok ang bawat gilid ng daliri niya sa daliri ko at naglaho kami patungo sa hapag

Pagkarating namin ay naagaw namin ang atensyon ng hari at reyna. Tumingin ito sa mga kamay namin ngunit nabigla ako ng hilain ako ni Yielle patungong upuan malapit sa hari at reyna

"Asan ang mga kasama niyo?"

"Nauna po silang umalis pero kami naunang dumating"saad ni yielle ngunit di niya parin binibitawan ang kamay ko

Saktong pagdating ng mga kasama naming hingal na hingal ang paglalagay ng pagkain sa harap

Tumingin sila sa kamay naming magkahawak na may pang aasar na tingin

Binitawan ito ni yielle at parang batang dinampot ang kubyertos

Umupo sila sa bakanteng upuan at nagsimulang kumain at magkwentuhan ngunit hindi parin maalis ang mapang asar nilang tingin

"Sino naman kaya ang babaeng sinasabi niyo sa akin na nagligtas sa inyo?"tanong ng reyna

"Hindi po namin alam dahil sa oras ng makita namin ang mga walang buhay ay hinahanap namin si Yielle"sagot ni Milla habang nakatingin kay Yielle na lamon ng lamon. Tch parang bata talaga

"Baka naman siya ang nagligtas sa inyo"biglang nasamid si Yielle sa sinabi ng hari




************

Simulan na ang kiligan😊

Vote and leave a comment🥳

Continue and enjoy reading❤💗

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now