CHAPTER 34 Jealous

1.4K 51 10
                                    

Elown POV

Dalawang araw na ang nakalipas noong pumunta kami sa palacio nila Primo at ngayong araw na ang dating ng una at pangalawang Goddess kasama ang reyna

"Nakakapagtaka. Dati wala pang bumibisita na Goddess rito maliban sa laging pang lima" napatingin kami Kay Milla dahil sa sinabi niya

Naglalakad kami ngayon ni Cosmo, Hans, Primo, Milla, Hayi at Sebastian. Lagi ng nasama sa amin si seb dahil gusto niya raw makasama si Hayi

Si Yielle? Bumalik sa kaniyang kwarto upang magbihis dahil natapunan ni Saina ng juice ang damit nito

Pinasama namin si Primo sa kaniya pero ayaw niya raw baka manyakin raw siya nito HAHAHAHA

"Oo nga eh pero malay mo ginusto rin nila" saad naman ni cosmo

Totoo kasi na wala pang matataas na goddess ang pumupunta rito upang bumisita kahit isang beses pero maraming beses na ang reyna

"Psh wag niyo na nga isipin! Mabuti nga at bumisita pa sila rito eh!" Saad ni Primo

Nang makarating kami sa cafeteria ay pumunta kami sa aming pwesto at umupo

Sumunod sa amin si Saina at walang pasabing umupo sa upuan ni Yielle

Kumuha si Cosmo at Hans at saktong pagkarating nila ang pagkarating ni Yielle

Nakangiti si Yielle pero napawi rin ng makitang nakaupo sa pwesto niya si Saina ngunit tinarayan lamang siya nito

Ang akala namin ay papaalisin niya si Saina ngunit nabigla kami ng ngumisi ito.

Lumapit siya kay Primo na nakakunot ang noo at walang pasabing umupo sa kanlungan nito at iniyakap ang kamay sa leeg ni Primo

Natawa pa kami dahil sa mukha ni Primo na halatang gulat pero hindi mareak dahil nasa kanlungan nito si Yielle at nakayakap ang kanang kamay sa leeg nito

"Ano ba-!" Sigaw ni Saina ngunit hindi natapos dahil pinutol ni Yielle

"Eh ayaw mo umalis sa pwesto ko eh" nakangising saad nito. Napangiti naman si Primo dahil sa ginawa ni Yielle

Padabog na umalis si Saina sa pwesto nito. Tinanggal ni Yielle ang kamay mula sa pagkakayakap at tatayo na sana ng hilain ni Primi ang bewang nito

"Bitaw!" Saad ni Yielle na ikinangisi lang ni Primo

"Dito ka lang"

"Bitaw sabi! Masyado mo ng sinusulit"mataray na saad ni Yielle. Magkaharap sila at napakalapit ng mukha sa isa't isa

"Dapat lang aba sinimulan mo eh" nakangising sabi naman ni Primo at kami rito ay may halong tawa at kilig

"Sulitin mo na talaga dahil mamaya di na kita hahayaan huminga! Magnanakaw!" Napatakip si Yielle ng bibig nito dahil sa huling saad

"Magnanakaw?!"sabay na tanong namin

"E-ehhh.....s-siya k-kasi yung magnanakaw"

"Eh ano namang ninakaw sayo ni Primo saka parang imposibleng nagnakaw si Primo" saad ko. Nakita ko si Primo na nakangiti habang si Yielle ay namumula na

"M-magnanakaw n-ng......h-ha....l-lik" namumulang nito

"Mukhang Posible na nga"sarkastikong saad ni Cosmo sabay tawa

Napatingin kaming lahat kay Primo na ngumisi bago magsalita

"Sabi sayo bawiin mo yung nanakaw sayo eh"saad nito kaya hinampas ni Yielle ang braso

"Manahimik ka jan! Noong nakaraang araw ka pa!" Saad ni Yielle at tinawanan lamang siya ni Primo ngunit hindi parin pinapaalis sa kanlungan si Yielle

"Dito ka lang"

"Bitaw na kundi...."

"Kundi ano? Babawiin mo ninakaw ko?"nakangising pangaasar ni Primo

Sinimaan siya ng tingin ni Yielle kaya pinakawalan na niya ito

Natapos ang kainan pero kami tawa ng tawa dahil kay yielle at Primo. Naglalakad kaming walo pabalik sa klase

Malapit na matapos ang klase namin ng biglang puumasok si Sir Salvador

"Legends at yung mga kasama niyo ay iniimbita ng una at pangalawang goddess sa hapag mamayang hapunan kung maaari" iyon lamang at lumabas na. Nagtinginan kami na walang alam

Natapos ang klase at tulad ng sabi ni sir ay dumeretso na kami sa hapag. Pagkarating namin ay si Miss Gwen, sir salvador at ang Reyna

"Maaari na kayong umupo"saad ng reyna. Umupo naman kami ng may pagtataka

Ilang minuto nakalipas ay dumating si Goddess Liro at Leo

Umupo si Liro sa tabi ni yielle na katabi ni Primo. Umupo naman si Goddess Leo sa tabi ng kuya

"Walang ibang kahulugan nais ko lamang kayo makasabay kumain bilang taga pagmana ng bawat palacio"saad ni Goddess Liro

"Ngunit bakit kasama sila"turo ni Hans kina Yielle

"Ang pangit naman tingnan kung kayo lamang at hindi kasama ang mga kaibigan niyo hindi ba?"

Nagsitanguan lang kami. Nakita ko si Yielle na sa pagkain nakatingin at hindi nakikinig sa usapan

Mukhang hindi na nakapagtiis at kukuha sana ng isang pritong manok ngunit biglang tinapik ni Goddess Liro ang kamay nito kaya ngumuso siya na tinawanan lamang ng dalawang Goddess pati ang reyna

"Hindi pa tayo nagdadasal"saad ng natatawang Goddess Liro

Nagsabi rin ito na magdasal na. Natapos ang dasal at deretsong kumuha ng pagkain si Yielle na ikinatawa ng dalawang Goddess

"Ang takaw talaga!"saad ni Goddess Leo saka tumawa

Magkakilala ba sila?!!

Nagsimula na rin kami kumain. Nakita ko ang paningin ng dalawang Goddess kay yielle habang tumatawa

"Ngayon ko na lamang kayo huling nakitang tumawa"napatingin kami sa sabi ng reyna

Hindi iyon pinansin ng dalawang goddess at tuloy na pinagtatawanan ang nakangusong Yielle habang may lamang ang bunganga

Nakita ko ang pagkainis ni Primo. Ilang saglit pa ay kumuha ng panyo si Goddess Liro at walang paalam na hinawakan ang panga ng nakangusong Yielle

Pinunasan niya ang mukha nito gamit ang panyo. Ngumiti si Yielle pagkatapos at kitang kita ko ang galit sa mata ni Primo

Nagulat kami ng biglang tumayo si Primo at hinila si Yielle patayo

"Hihiramin ko lamang"saad nito saka hinila si Yielle palayo sa hapag

Tumawa ang lahat sa hapag kasama ang reyna at ang dalawanh Goddess

"Masiyadong mahal"saad ng reyna habang natawa

"Lagot ka kuya mukhang nagselos"pangaasar naman ni Goddess Leo sa kuya

"Ang ganda pa naman ni sh-Yielle"saad ng kuya na ikinakunot ng noo namin

"May gusto ata kay yielle"bulong ni Hans na nasa tabi ko

"Wag naman sana"bulong naman ni Milla at tumawa kami ng mapait

Malapit na matapos ang kainan ngunit hindi pa rin dumarating si Primo at Yielle kaya naisipan naming sundan ito


*****************

Ako po si Samantha Misaki Masayoshi. Only daughter of Amanda Masayoshi and Souchi Masayoshi. Haft japanese and haft Filipina thankyou!!🥰

Vote and leave a comment

Enjoy and continue reading!!!

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now