CHAPTER 18 Invisible Cave

1.5K 53 2
                                    

Hans POV

Napalingon kami kay Elown ng marinig namin ang tunog ng palaso

Agad naming pinuntahan si Elown upang malaman kung ano ang nangyari ngunit nagulat kami ng makitang isang tumbang nakamaskarang lalaki ang may tama ng palaso sa likod

"Sino ang may gawa niyan?" Kuryos na tanong ni Milla

"H-hindi ko rin alam. Pagkalingon ko kung saan nang galing ang palaso ay wala nang tao doon" pagpapaliwanag ni Elown

Sinusuri namin kung humihinga pa ba ang lalaki. Mukhang may lason rin ang palasong tumama sa kaniyang likod dahil nagiging puti at itim ang kulay ng kaniyang balat

"Ahhhhh!!!" Napalingon kami sa sigaw nila Hayi mula sa punong pinagtaguan nila

Agad namin silang pinuntahan at tulad ng nadatnan namin kanina ay ganun rin ito. Mga lalaking naka itim na maskara ang may tama sa likod ng puti at itim na kulay ng palaso

"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong Elown sa kanila

"Nagulat kami ng biglang tinamaan ng palaso ang palasong dapat sa amin tatama" sabay turo ni Hayi sa palasong nasira dahil sa kulay puti at itim na palasong tumama rito

"Nakita niyo ba ang gumawa niyan?"tanong ko rito

"Nakita ko isang babae ngunit agad itong naglaho"sagot nito

Sinong babae?

Napalingon kaming lahat kay Primo na lakad balik ang ginagawa

"Asan na siya?!" Tanong nito sa amin

"Sinong siya?" Takang tanong ko

"Shet! Si Yielle nasaan na?"

Ayy oo nga! Nakalimutan namin siyang hanapin

"Andito ako!" Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Yielle

Nagulat kami sa sumunod na nangyari. Niyakap ni Primo si Yielle na ikinabigla niya

Bumitaw si Primo at nagkunyaring walang nangyari. Lumapit sa amin si yielle at agad na binatukan ni Hayi, Milla, Elown at Cosmo

"Arayy naman! Shakit ah"reklamo neto

"Saan ka ba nanggaling?! Umaalis ka na lang ng hindi kami kasama! Paano kung may nangyari sa iyo?!" Panenermon ni Elown

"Eh kumuha lang naman ako ng dahon ng alabay eh para sa sugat ni saina"nakangusong pagpapaliwanag nito

"At saka bakit pati ikaw?!" Dugtong na tanong nito at nakaturo kay Cosmo

"Wala lang nakigaya lang kay babe myloves"agad na binawian ng batok ni Yielle

"Biro lang! Eh pano nga kung may nangyari sayo don? Edi magsusungit na naman si master"hindi namin naintindihan ang huling sinabi ni cosmo dahil napakahina nito

"Psh" lumapit si yielle kay saina at walang pakudangan pinigaan ang sugat nito at napaaray naman ito sa hapdi

"Para mabilis humilom ang sugat"paliwanag ni Yielle

Pagtapos nun ay naglakad na ulit kami. Inalalayan ni Antonette si Saina sa paglalakad

Ngunit napatigil kami ng mapansing ang daming patay na nakamaskara sa paligid at tanging palasong kulay itim at puti lamang ang nakikita naming dahilan

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now