CHAPTER 33 Necklace

1.3K 51 2
                                    

Shielle POV

Papunta kami ngayon sa Tierra Palacio dahil ang sabi ni Primo ay gusto raw kami makita ng kaniyang ama at Ina

Nakarating kami pagkalipas ng ilang oras at sumalubong sa amin ang mga katulong rito

"Magandang umaga sa inyo! Nasa loob ang hari at Reyna"saad ng isang katulong

Ngumiti lamang si Primo at pumasok na sa loob

Nauuna sa amin Si Milla, elown, Cosmo, hayi, Hans bago si Primo at nasa likoran naman ako nito

May natanaw akong isang babae at isang lalaki na nakatalikod sa amin

Pagkaharap nito ay lalo akong kinabahan. Mukhang masungit ang awra ng dalawa

"Maganda umaga tita!" Saad nila at yumuko

"Magandang umaga" iyon lang ang sabi ng reyna bago humarap kay Primo

"Magandang umaga sa inyo" bati ni Primo

"Magandang umaga anak!" Saad ng Reyna bago ibaling ang tingin nila sa akin

"M-magandang umaga p-po" nauutal na saad ko bago yumuko

Nakita ko ang pagtawa nila hayi ngunit hindi ko ito dahil kinakabahan ako

"Magandang umaga hija" bati ng hari sa akin

Nagulat ako ng lumapit sa akin ang ina ni Primo ay yakapin ako. Ganun rin ang hari. Anong meron?

"Ang ganda mo hija! Ang galing talaga pumili ng anak ko" saad ng reyna na nakapagpawala ng aking kaba

"Ina!" Suway ni Primo at nag iwas ng tingin. Lintek na! Akala ko pa naman masungit rin

"HAHAHA ang galing ng pag arte niyo tita napaniwala niyo si yielle" natatawang saad ni Milla

"Nag arte lang kami na mukhang masungit dahil ang laging kwento sa akin ni Primo eh takot ka raw sa masungit" natatawang sambit ng reyna

Ngumiti ako ng mapait bago humarap kay Primo na nakatingin rin sa akin at sinamaan ko ito ng tingin. Umiwas siya bago ngumiti

Pagkatapos nun ay pinakilala ako ni Primo sa Kaniyang magulang. Nagpaalam siya na aakyat lamang at may gagawin ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik

Pinaupo kami ng reyna sa malambot na sofa upang magtanungan at umalis nanan ito dahil tutulong raw magluto

"Yielle shiu ba talaga pangalan mo?" Napatingin ako sa hari ng tanungin niya ako

"Opo" iyon lamang ang sinabi ko. Nakita ko ang pagtango nito

Ilang tanong pa ang tinanong nila sa akin at tanging sagot lamang ang sinasabi ko

Ilang saglit pa ay dumating ang reyna

"Halina kayo sa hapag at tayo ay kakain na" saad nito at tumayo naman kami

"Ay teka! Sino nga pala ang pwedeng sumundo kay Primo sa taas?" Dugtong na tanong nito

Napalingon ako kina Hayi at nanlaki ang mata ko dahil lahat sila ay nakaturo sa akin

"Bakit ako?!" Tanong ko habang nakaturo sa sarili

Napatingin ako sa hari at reyna na ngumiti bago magsalita ang reyna

"Okay sige! Pag akyat mo ng hagdan ay makikita mo ang pangalawang kwarto at yun ang kwarto niya"paliwanag nito bago ako itulak nila hayi papuntang hagdan

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now