CHAPTER 32 Sat On His Lap

1.3K 49 3
                                    

Keihayi POV

Naglalakad kami ni Yielle papuntang klase pero siya nakabusangot na naman

Kahapon, simula nung umuwi kami ay nakabusangot na parang may kaaway na naman hanggang ngayon

"Hoyyy! Ano na namang itsura iyan?!" Tanong ko rito

"Wala! Bwesit na magnanakaw!" Ayan na naman siya sa magnanakaw kahapon pa iyon

"Kahapon ka pa pero hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi kung ano at sino ang nagnakaw!" Saad ko

"Eh kasi..... basta nakakainis!" Inis na talagang saad nito

Ano ba kasi ninakaw sa kaniya?! Sino naman magnanakaw?!

Nang makarating kami sa klase ay agad siyang sumeretso sa upuan niya. Yung dating upuan niya

Sumunod naman ako rito

Makalipas ang ilang minuto ay parating na ang mga legends dahil sa sigaw at bulungan ng mga tao rito

"Oh anong nangyari diyaan sa katabi mo? Bakit ang sama na naman ng itsura?" Salabong na tanong sa akin ni ate Milla pagkapasok nila sa klase

"Ewan ko ba diyaan! Kahapon pagkauwi namin ganyan na ang mukha! Pati kagabi!" Saad ko rito na ikinatawa nila

"Oh ano na namang dahilan?!" Natatawang tanong ni Ate Elown

"Eh kasi nga tungkol raw doon sa magnanakaw! Eh di niya naman sinasabi kung ano ang nanakaw sa kaniya o sino ang nagnakaw!" Malakas na boses na saad ko na ikinatawa nila

"HAHAHAHA baka nga napaka importante ng nanakaw dahil sa itsura HAHAHAHA" natatawang komento naman ni Cosmo

Napalingon sa amin si Yielle at lalong bumusangot. Natawa na rin si Primo dahil sa itsura nito kaya tinarayan ito ni yielle

"HAHAHA bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung sino ang nagnakaw?! Masyado ba talagang importante?! At bakit namumula ang pisngi- " natatawang saad ko pero naputol dahil sumigaw ang makabusangot na Yielle

"Tumahimik ka diyan!" Sigaw ni Yielle na mas lalo naming ikinatawa dahil sa malakamatis na pisngi nito

Tumawa rin ng malakas si Primo na nakapagpakunot ng noo ko

Ano kaya nangyari?

"Bakit hindi mo bawiin ang nakuha sa iyo?!" Nakangising saad ni Primo kaya lalong namula si Yielle

"Lalong lalo ka na! Tumahimik ka!" Sigaw ni Yielle na ikinatawa lamang namin

Humarap siya sa bintana at doon nakapalumbaba habang nakabusangot ang mukha

Hahahahhaha ano ba kasi meron?!

Napatingin kami lima kay Primo na ikinakunot ng noo nito

"Master anong nangyari doon kahapon? Bakit nagkaganun? Eh kayo lang ang magkasama kahapon nung magsimulang bumusangot si Yielle" nakangising saad ni Cosmo na ikinapula ng pisngi nito

Sabi na eh may nangyari talaga!! Ano iyon?!!!

"H-hindi ko alam! Diba sabi niya nanakawan raw siya" tanging saad nito at nag iwas ng tingin

Magsasalita pa sana kami ng biglang pumasok si Miss Gwen

"Good morning students! Pumunta kayo ngayon sa Field dahil may i aannounce na importante" iyon lamang at umalis na

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon