CHAPTER 22 Goddess Palacio

1.5K 56 5
                                    

Primo POV

Niyakap ni Aria ang binti ni Yielle dala ang maliit na unan sa kamay niya kaya napatigil ito. Tumigil rin ako

Inalis ni Yielle ng dahan dahan ang kamay ni Aria at yumuko ito upang mapantayan ang bata

"Bakit ka nandito?"mahinahong tanong ni Yielle

"Ina gusto ko tabi sainyo tulog"batang banggit nito

"Gusto mo tumabi sa akin matulog?"tumango naman si aria

Nauna na sila hans sa amin papuntang dorm kaya kaming dalawa na lamang ni yielle ang nandito sa hallway kasama si Aria

Lumapit sa akin si Aria at nagpakarga. Hindi ako nagdalawang isip na buhatin ito

Nakita ko naman ang pagtawa ni Yielle. Lumapit ako sa kanya karga si Aria

"Bakit ka tumatawa?"tanong ko rito

"HAHAHAH para ka na talaga tatay"natatawang sambit nito. Ngumisi naman ako

"Tatay ng magiging anak mo"pagbibiro ko kaya hinampas niya ako sa braso

Saan ko nakuha yung ganong linya?!!!

Tumalikod siya sa amin at nagsimulang maglakad paalis. Sumunod ako bitbit si Aria

Nang makarating sa tapat ng dorm ay binuksan ko ito bago pumasok. Bumungad sa amin ang mapang asar na ngiti nila Cosmo, hans, milla, elown, at seb kaya sinamaan ko sila ng tingin

Humarap ako kay Yielle para itanong kung kanino matutulog si Aria pero di pa ako nagtatanong ay nagsalita na ito

"Sa iyo mo na patulugin si Aria"saad nito at hinarap si Aria para himasin ang ulo nito bago pumasok sa kwarto niya

Pumasok kami ni aria sa kwarto at nilapag siya sa higaan ko. Nagbihis muna ako bago bumalik sa higaan

Kinwentuhan ko ito upang makatulog pero bigo ako

"Bakit hindi ka pa natutulog?"mahinahong tanong ko

"Gusto ko tabi ina"

Nagdalawang isip pa ako kung pupunta pa ba sa kwarto ni Yielle para ihatid si aria pero naawa ako sa itsura nito kaya lumabas ako ng kwarto bitbit si aria papunta sa kwarto ni Yielle

Kumatok ako ng kumatok pero walang sumasagot kaya pumasok ako. Pagkapasok ko ay wala si Yielle. Akala ko wala siya pero biglang bumukas ang pinto ng banyo

Bumungad sa amin ang nakasando at nakashort na Yielle na bagong ligo. Nagulat ito ng makita kami at agad ako nag iwas ng tingin



*********

Shielle POV

Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay nasa bandang higaan ko si Primo karga si Aria

"Anong ginagawa niyo rito?"

"K-kasi si Aria gusto ka daw katabi"saad ni Primo na nakay aria ang paningin

Ibinaba niya si aria sa higaan ko at aalis na sana ng magsalita ang bata

"Ama gusto ko tabi tayo tatlo ina sa tulog"saad nito na nagmamakaawa

"Pero-"hindi ko na pinatuloy si Primo

"Sige"sabi ko na kay Aria ang tingin. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Primo pero hindi ko na ito pinansin at binuhat si aria para maitabi sa akin

Humiga ako yakap si aria. Nagdadalawang isip pa si Primo kung hihiga ba siya pero sa huli humiga na rin ito,pagitan namin si aria

Nakayakap sa akin ang bata at niyakap ko ito pabalik. Ipinikit ko ang mata ko ng marinig ko ang bulong ni Primo

"Babalik ako sa kwarto ko mamaya"tumango lamang ako at tuluyan ng nakatulog

*******

Primo POV

Tulog na mag ina ko-este si Yielle at Aria pero ako eto pinagmamasdan ang dalawang magandang dilag

Ilang sukat lamang ang pagitan ng mukha namin ni Yielle. Kitang kita ko ang ganda niya

Tulad ng sabi ko ay bumalik ako sa kwarto ko pero wala akong sinabing hindi ako babalik sa kwarto ni Yielle

Humiga ako sa pwesto ko kanina. Mabilis naman ako nakatulog

Nagising ako pero ang dalawa ay tulog pa. Saktong pagbangon ko ay pagmulat ni Yielle

"Akala ko ba babalik ka sa kwarto mo"

"Wala rin naman akong sinabing hindi ako babalik rito"nakangising saad ko. Hinampas niya ulit ako sa braso bago magsalitA

"Kailangan na nating ihatid si Aria sa Goddess palacio"tumango naman ako

Ilang sandali ay nagising si aria. Nagpakarga ito sa akin

Pagkalabas namin ay nandun na ang mga kasama namin. Nagulat sila ng makitang magkasama kami ni Yielle

Pero napawi rin at napalitan ng ngisi. Sinabihan ko silang magmadali para mahatid na namin si aria

Nasa karwahe na kami ngayon at si aria naman ay nakakandong sa akin

"Ina saan tayo punta?"tanong ni aria kaharap ang yielle na nasa tabi ko

"Pupunta tayo kung saan ka dapat"nakangiting sagot nito habang hinimas ang ulo ng bata

"Mamimiss ko anak natin"nakangising bulong ko sa tenga ni Yielle. Kinurot niya braso ko pero tumawa lamang ako

Umaandar na ang karwahe at nakatulog na rin si Aria na nakay Yielle dahil kinuha niya ito kanina

Nilingon ko si Yielle na antok na rin. Kinuha ko si Aria at ako na ang may hawak nito

Ilang sandali ay nakita kong nakapikit si Yielle kaya hinawi ko ang buhok nito sa likod ng kaniyang tenga bago ipwesto ang ulo nito sa balikat ko

Nakarating na kami sa dapat puntahan pero tulog pa rin ang dalawa. Bumukas ang pinto ng karwahe at naaning nito si hans

"Mas-"ngumiti ito ng pang aasar dahil sa posisyon namin ngayon. Nasa balikat ko ang ulo ni Yielle habang nasa kandungan ko ang natutulog na Aria

Nagising si Yielle at tumayo bago lumabas ng karwahe. Lumabas na rin ako ng dahan dahan dahil hawak ko ang natutulog ni aria

Pagkapasok namin sa mismong tarangkahan ay bumungad sa amin ang napakagandang paligid. Naglakad kami patungo sa mismong pinto

May isang tagapagbantay ang pumasok upang sabihin na narito kami. Lumabas ang limang goddess at yumuko kami

Nakita ko si Yielle na hindi yumuko kaya hinila ko ito. Nagulat ako ng yumuko ang una at pangalawang goddess pero nawala rin

Dahil sa pagyuko ko ay nagising ang bata. Tumayo ito sa harap namin na may pagtatakang tingin

"Ina bakit nandito tayo?"

"Ito ang ligtas na tahanan para sa iyo"saad ni Yielle

"Ang batang ito ay idinala namin dahil isa siyang mistress"saad ko naman na nakaharap sa mga goddess

"Kayo ay mga estudyante lamang pero paanong kayo ang naghatid sa isang toh"turo ni kuya ang pangatlong goddess sa bata

"Dahil ang batang ito ay hindi sumasama kahit kanino. Ang batang ito ay umaamo sa kaniyang mga magulang na hindi namin kilala"

"Ngunit..paano niyo napaamo angbata?"

"Nagpanggap sila bilang magulang nito"singit ni hans turo kaming dalawa ni yielle


*********

Please vote ang leave a comment

Continue anh enjoy reading❤💖

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now