CHAPTER 4 Legends

2K 73 6
                                    

Keihayi POV

Shitt! grabe nakakatakot si yielle pag nagagalit. Lumalabas ata lahat ng kapangyarihan niya pag nagagalit eh dahil kitang kita

Sa kaliwang kamay niya makikita ang paglabas ng apoy, sa kanan naman ay ang nagyeyelo, sa mga paa niya nagsisimulang umakyat sa katawan niya ang mga halaman

Pero isa lamang ang nag agaw pansin sa akin. Ang mga mata niya, ang mga mata niya ay nag iiba iba ang kulay.

Nagiging pula at sa gilid nun ay kulay ginto, nagiging asul, berde, puti at itim samantalang ang ginto nito sa gilid ay hindi nagbabago

Naramdaman kong pinapakalma niya ang sarili. Grabe nakakatakot siya. As in nakakatakot

Huhuhu OA self

Pero totoo kasi nakakatakot. Nakita ko siyang pumikit at pagdilat nito balik sa dati ang kulay ng mata, gintong kayumanggi ang normal na kulay ng kanyang mata

Bigla na lamang ay lumapit ito sa tenga ni Saina at mukhang may ibinulong na ikinalaki ng kanyang mata. Agad naman binawi ni Saina ang reaksyon ng mapansing bumabalik na sa pwesto si yielle

Maya maya lamang ay nagkasagutan na sila. Umalis si yielle pero hinawakan ni Saina ang braso nito

Nakangiti lamang si Yielle habang si Saina ay asar na asar na. Naglakad papunta sa pagkainan si Yielle ng sumigaw si Saina

"Tandaan mo luluhod ka sa akin upang magmakaawa!"sigaw ni Saina kaya lumingon si Yielle ng nakangisi

"Okay pero..... hindi mo ako kilala eh"sigaw pabalik ni Yielle na ikinagulat hindi lamang ni Saina kundi pati kami

Nang makakuha si Yielle ay nnaglakad na siya papunta rito at padabog na nilagay ang pagkain sa harap ko

"Kainis naman sayang yung pagkain! Hindi niya ba alam na kaya ng mapakain ang isang pamilya dun sa natapong pagkain! Kawawa naman yung mga hayop na kinatay para lamang makakain tayo! Baka muntikan pang hindi mapili yung mga hayop na yun eh tapos matatapon lang!"aniya na ikinakunot ng noo ko...anong pinaglalaban netong babaeng toh?

"Alam mo? Gutom lang yan mas mabuti pang lamunin mo na yan baka matapon ulit"

"Psh oo nga"sabay subo ng pagkain

Pinagmasdan ko lamang siya habang kumakain. Maganda siya ah, kung hindi lamang siya nagmula sa gitna ng gubat kuno at mula sa normal na mundo ay iisipin kong isa siya sa pinakamakapangyarihan

Ang medyo singkit mata nito na kulay gintong kayumanggi, ang tangos ng ilong, ang labi at ang kapal ng pilik mata. Mapagkakamalan talaga siyang isang goddess

"Bashkitkashaakinnakshatingin"hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil puno ng pagkain ang bunganga niya

Tinaasan ko siya ng kilay ngunit tinitigan niya ako ng masama. Ininguso niya ang plato ko upang ipaalam na hindi pa ubos ang pagkain ko

*********

Shielle POV

Kanina ko pa napapansin ang titig sa akin ni hayi

Ipinagpatuloy namin ang pagkain ng may marinig na nagsisigawan at nagbubulungan

"Andyan na ang mga legends"

"Andyan na sila guys wag kayu maingay:

"Shet ang gwapo at ang gaganda nila"

Napatingin naman ako sa mga legends kuno na pupasok sa pinto ng canteen

Unang pumasok ang dalawang lalaki na nag uusap at nagtatawanan, sumunod ang babaeng medyo matangkad at maputi, sumunod ulit ang babaeng maikli ang buhok hanggang balikat lamang habang nakangiti pareho maliban sa..

Sumunod na lalaking nakapamulsa, walamg emosyon na makikita, blanko ang mukha ngunit gwapo, maputi, matangos ilong, medyo mapula ang labi, at matangkad..ayyy halatang bossy at masungit..katakot

Naglakad sila at pumwesto sa tabi naming table, table na pang anim na tao ang katabi naming table at doon sila pumwesto

Umupo ang lalaking masungit sa gilid na upuan malapit sa akin, sa gilid niya naman ang dalawang lalaki, sa harap nung dalawang lalaki ay ang dalawang babae

Masungit-lalaki-lalaki
××××table×××××××
Wala- babae- babae

Siguro takot rin yung dalawang babae dun sa masungit

Tumingin ako kay hayi na nakatingin sa akin...kanina pa toh ah

"Huy! Kanina mo pa ako tinititigan"

"Ha? Ah eh ang ganda mo kasi saka parang may kamukha ka...di ko lang maalam kung sino"

"Psh baka ako lang yun nag iisa lang ako dito noh HAHA..sino yan?"turo ko sa mga legends

"Mga legends"

"Oo alam ko ang ibig kong sabihin ay kung ano pangalan nila at bakit sila ang legends"

"Ahh..kaya sila na tawag na legend dahil-"

Hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil tinawag siya ng isa sa mga legends

"Oh hayi anjan ka pala at...may kasama ka"sabi nung babaeng hanggang balikat ang haba ng buhok

"Ahm hello ate elown... eto nga pala si Yielle shiu.. Yielle ito naman si ate Elown Lorelai pinsan ko sa mother side, eto naman Milla willow, Cosmo Rhett, Hans Grey at....P-primo Leander" ani hayi habang tinuturo isa isa

"Ah-eh-hello"pilit na ngiti kong sambit. Nakakahiya!

"Hi yielle...ahm pwede bang makisabay nalang kayong dalawa kumain sa amin?"ate Milla

Nagdadalawang isip ako kung tatangi ba or hindi pero tumango si hayi kaya napatango na rin ako

Agad na kumuha ng upuan si hayi at pumwesto sa tabi ni ate elown. Ako naman ay deretsong umupo sa harap nung Primo yung masungit

"Ahh Y-Yielle k-kasi-"hayi..hindi na niya natapos ang sasabihin ng hinawakan ni ate elown ang kamay niya upang sabihin na ok lang

Primo-cosmo-Hans
*****table******
Me-milla-elown-hayi

"Hi Yielle ilang taon ka na?" Tanong sa akin ni cosmo

"17"

"Susss popormahan mo na naman"singit naman ni Milla

"Grabe ka naman sa akin babe myloves hindi naman sa ganun"

"Eww wag mo nga akong matawag tawag na babe myloves nakakadiri ka"

"Arayy naman babe wag ka na magselos"

"Mukha mo selos"sabay batok kay Cosmo

Nagtawanan naman kaming lahat rito sa hapag maliban kay Primo na tahimik lang at nakikinig habang blanko ang itsura....asungit

Nagsimula na ulit kaming kumain hanggang matapos at tanging si Cosmo at Milla lamang ang nagsasalita the rest tawa ng tawa

Naramdaman kong nakatingin sa akin si primo kaya agad akong lumingon. Nakangiti ito at na kay cosmo ay Milla ang tingin.

***************

Ang hirap......ang hirap maging kyut

Continue reading🥺

Enjoy❤

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now