CHAPTER 27 Queen's Birthday

1.4K 52 2
                                    

Primo POV

And ganda niya! Tulad ng bulungan kanina ay para talaga siyang isang anghel na galing sa dilim dahil sa suot niya

"Hoy!"

Mula sa straight nito na buhok

"Hoy!"

Hanggang sa paa nitong natatakpan ng kaniyang malaking Gown

"Hoy!!!"nakaramdam ako ng pitik sa noo

"Bakit ka namimitik?!" Inis na tanong ko

"Kanina pa ho kita tinatawag!" Medyo inis niyang sambit

Kami na lamang dalawa ang hindi pa nakasakay sa karwahe

Inalalayan ko siyang umakyat ngunit mukhang sumabit ang sandal na suot niya kaya nahulog siya

Agad kong hinawakan ang bewang nito at sinalo. Ngayon ay nakatingin ang aming mga mata sa isa't isa. Sobrang lapit at ramdam ko ang biilis ng tibok ng puso ko

Ano na naman ito?! Bakit ganito pakiramdam ko?!

Narinig ko ang mga pang aasar na boses ng tao sa loob ng karwahe. Hindi ko matukoy kung namumula ba ito dahil sa make up o sa ano

"Bitaw!" Nagising ako ng sumigaw siya. Binitawan ko ito at umiwas ng tingin

Inalalayan ko siya umakyat ulit at sa oras na ito nakapasok siya ng hindi nahuhulog

Pumasok na ako at pumwesto sa tabi ni Yielle. Habang nagbabyahe ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Yielle

Bakit ganito?!

Ilang oras ang byahe ay nakarating na rin kami sa Goddess Palacio. Unang bumaba ang mga kasama namin at panghuli na kami

Habang inaalalayan kong bumaba si Yielle ay napapansin kong umiiwas siya ng tingin

"Okay ka lang?"konsern na tanong ko sa kaniya

"Oo naman"saad niya pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin

"Bakit ayaw mo akong tingnan?"napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin

Kita ko ang pagkailang nito pero nilabanan niya ito para lang patunayan ang gusto niya

"Kailangan bang nakatingin sayo?" Mataray na tanong nito bago nag iwas ng tingin at maunang maglakad

Hinabol ko siya at hinawakan sa bewang. Magrereklamo pa sana ito ng tinuro ko sila Hans na nakalagay ang kaliwang kamay sa bewang ni Elown

Napangiti ako ng pumayag siya

Umupo kami sa upuan kung saan nakalagay ang dapat sa amin. Mayroong sampong upuan sa isang lamesa

Doon kami pumwesto ni Yielle, Cosmo, hans, sebastian, elown, milla, hayi, miss gwen at sir salvador

Katabi ko si Yielle at halatang kinakabahan

"Bakit ka kinakabahan?"malumanay na tanong ko rito

"Hindi naman"kahit hindi niya sabihin ay halata sa kaniya

Ilang saglit pa ay nagsimula ng magsalita ang taong nasa harapan

"Ladies and gentle men welcome sa party ng Reyna. Ngayon ay makikita niyo ng kompleto ang mga matataas na tao. Simulan natin sa Mga Legends. The fifth legends, Viara Dalenia. The fourth legends, Alliyah Sarena. The third legends, Perno Leander. The second Goddess, Leo Alegria And the first Goddess, Liro Alegria" pagkasambit ng pangalan nila ay lumabas ito at umupo sa upuang nakahelera para sa kanila

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now