CHAPTER 8 First day of school

1.8K 72 2
                                    

Hayi POV

Alam kong may nililihim siya ngunit wala akong magagawa kung hindi niya sasabihin sa akin

Hindi ako makatulog sa oras na ito dahil sa mga nangyari kanina

Pagkateleport namin papuntang canteen ay agad siyang kumuha ng pagkain namin at umupo sa dating pwesto

Pagbalik ni yielle ay siyang pag dating ng mga legends na halatang pagod sa pagtakbo. Nagulat ang mga legends ng madatnan kaming nakaupo rito

"D-diba nauna kami sa inyo? B-bakit kayo ang unang dumating"tanong ni cosmo

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Yielle

"Eh nagugutom na kasi kami kaya nagteleport na kami" Yielle habang nilalapag ang pag kain

"Marunong ka?!"sabay sabay na tanong ng apat

"Hehe oo eh"

"Bago ka pa lang pero marunong ka na samantalang kami hindi maalam kung paano gawin"ate Milla

"Oo nga! Anper... at pwedeng kayong dalawa sabay ulit kayo samin kumain. Balik kayo sa pwesto niyo kahapon"ate Elown

"Sige hihi"masayang tugon ni Yielle at sabay na umupo sa harap ni Primo

Umupo na rin ako tulad kahapon sa tabi ni ate elown

Natapos ang kainan namin at nag announce si ate elown sa gitna na ipapadala na lang daw ang envelope kung saan nakasulat ang section.

Para naman daw kay Yielle na bago lang ay ipapadala na lang daw kasama ng evelope ang kanyang uniporme

Hayysss hanggang ngayon hindi pa rin ang makatulog.

Paanong nagawa ni Yielle ang pagteteleport eh matataas lamang ang may alam nun tulad ni head mistress Gwen at paanong hindi man lang siya nahirapan sa pakikipaglaban sa mga halimaw

Gusto ko sanang itanong sa kanya pero alam kong hindi niya ito sasagutin

Nakakapagtaka na talaga. Alam kong may lihim itong si Yielle pero gaano kalalim? Gaano ka importante? Anong lihim?

Hayysss nakakapagod problemahin ang hindi ko problema. Nakaramdam ako ng kakaiba sa lalamunan ko. Uhaw

Lumabas muna ako ng kwarto at uminom ng tubig. Sinilip ko rin ang kwarto ni Yielle. Pagbukas ko bumungad sa akin.....

....wala si Yielle

Asan siya? Saan siya nagpunta? Baka nagpahangin sa terace niya

Biglang bumukas ang pinto ng terace at iniluwa nito si Yielle. Sabi na eh nasa terace lang siya

"Oh bakit andito ka? Bakit gising ka pa?tanong niya sa akin

"Sinilip lang kita, hindi kasi ako makatulog kaya uminom ako ng tubig at sinilip ka"

"Ah okay... sige matutulog na ako"aniya sabay kumpas ng kamay at biglang sumarado ang pinto

Bastosss

Pumasok na lamang ako sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng antok at nakatulog

Nagising ako ng biglang bumukas ang pinto. Agad akong bumangon dahil alam kong si Yielle ito na balak na naman ako buhusan ng malaming na tubig

Hindi naman ako nagkakamali, nakatayo siya habang nakasandal sa pinto na may patawa tawa

"HAHA bilis bumangon ah"pang aasar niya

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now