CHAPTER 44 Traitor

1.4K 50 5
                                    

Reyna Leasarah POV (reyna ng Tierra/ina ni primo)

"Kailangan na nating magtungo sa Academya dahil naroon na raw ang mga Dark Helle" konsern na saad ko

"Hindi tayo maaaring lumabas" nagulat ako sa sambit ng aking asawa at pigilan ako na lumakad paalaba

"Ngunit kailangan na nating magmadali. Nasa panganib ang mga bata" saad ko rito

"Hindi maaari! May mga Dark Hell sa labas at sa tingin ko ay ikaw ang target ng mga ito" seryosong saad ng aking asawa

"Paano ang mga bata?! Paano kung may mapahamak sa kanila?!" Konsern na tanong ko

"Patungo roon ang mga makapangyarihan upang iligtas sila at kasama nila ang Prinsesa kaya huwag kang mag alala sa kanila mas alalahanin mo ang sarili mo"

Tulad ng saad niya ay hindi kami lumabas at ilang minuto ng pasikot sikot sa salas ng aming palacio

Ilang minutong nakalipas ay sumigaw ang ilan sa aming katulong

Lumapit kami upang tingnan. Nakahandusay at wala ng hiningang babae na isa sa mga katulong namin

Mayroong nakatusok na palaso sa likod nito at mukhang galing sa Dark Hell

"Mukhang kailangan niyo ng magtago! Pumasok kayo sa sikretong kwarto! Dalian niyo" sigaw ko at agad silang kumilos

Ilang sandali pa ay may naramdaman akong matalim na bagay sa tagiliran ko. Tiningnan ko ang aking asawa at ganun rin ito

"Maligayang pagtatapos ng inyong pamumuno mahal na hari at reyna" napatingin ako sa nagsalita

Nakaharap ito sa amin habang may hawak na pana at palaso. Itinira nila ito sa amin kaya napapikit kami ngunit ilang segundo na kaming nakapikit at wala pa rin akong naramdamang sakit sa aking katawan

Minulat ko ang aking mata at nagulat sa nakita. Nakahandusay ang lalaking iyon at may puti at itim na palaso sa likoran nito

Naramdaman kong bumitaw na sa akin ang nakahawak sa likod ko. Ganun rin ang nakahawak sa likod ng aking asawa

Tulad ng lalaki ay may tama rin ito ng puti at itim na palaso sa likod nito

Napatingin ako sa gumawa nito. Isang babaeng nakatakip ang mukha

Nakatapat ang palaso nito sa akin na parang handa ng itama. Binitawan niya ito at akal ko ay ako ang tatamaan

Napatingin ako sa likod kung saan may apat na lalaking nakahandusay at duguan

Lumapit ang dalaga sa amin ngunit hindi ko pa rin natatanaw ang mukha niyo

"Anong kailangan mo?! Kung nais mo akong paslangin ay gawin mo na!" Matapang na saad ko kaya itinapat niya sa akin ang kaniyang palaso na ikinaatras ko

Akala ko ay titirahin niya ito pero ibinaba niya iyon at saka yumuko na ikinabigla namin ng asawa ko

"Hinding hindi ko magagawa iyon mahal na reyna. Hinding hindi ko magagawang paslangin ang ina ng lalaking minahal ko" pamilyar ang boses na iyon

Tumayo siya at tinggal ang nakatakip sa mukha. Nagulat ako pero ngumiti siya

"Misteryo akong tao mahal na reyna pero isa lang ang napatunayan ko. Iyon ay ang pagmamahal ko sa anak niyo" nakangiting saad nito

Naglagay siya ng pitong palaso sa kaniyang pana bago bitawan sa ere pero ang tingin ay nasa akin

Napatingin ako sa paligid na saktong pagtama ng palaso nito sa mga Dark Hell na handa na akong tirahin



ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now