CHAPTER 28 [2]

1.3K 57 4
                                    

Milla POV

Habang nagsasalita ang tagapagsalita ay biglang tumakbo si Yielle palabas

Napatingin ako kay Primo na parang alam niya kung saan pupunta si Yielle

"Pst hoy saan pumunta si Yielle?" Tanong ko rito

"Tinawag ng kalikasan kaya ayun pinatakbo ko na roon" sabi niya at tinuloy ang pakikinig sa tagapagsalita

Tumingin ako sa unahan. Nakita ko ang tingin ni Prinsesa Adiya kay Primo na parang may gusto ito. Wag naman sana

Iba ang pakiramdam ko rito pero imposible namang mangyari ang iniisip ko

"Lets celebrate!" Yun lamang ang narinig kong huling linya ng sinabi ng taga pagsalita

Sinimulan na ang kainan. Pero wala pa si Yielle

Napatingin ako kay Primo na halatang nag aalala rin

"Wag kang mag alala master babalik yun. Baka tuluyan ng tinawag ng kalikasan" saad ni hans

"Nasaan na ba yung babaeng yun?!" Konsern na tanong ni Primo

"Baka naligaw master" singit ni cosmo habang may ningunguya. Siniko ko ito dahil sa mga sinasabi

"Aray naman!" Daing niya

Umupo na lamang si Primo at tinuloy ang pagkain

Tumingin ako sa harap na saktong pagtayo ng reyna. May sinabi siya sa asawa at mga anak bago umalis

Napatingin ako sa ibang hari at reyna kasama ang magulang namin. Napatingin din ako sa nag aalalang mukha ng ina at ama ni Primo

Asan na si yielle?

********

Third person POV

Nakatingin siya sa baba at pinagmamasdan ang dalaga mula sa kaniyang pwesto sa taas ng ulap


Biglang naglaho ang dalaga at napunta sa tabi nitong ulap, dali dali niyang ginamit ang pang invisible na binhi ngunit mukhang hindi ito napansin ng dalaga dahil sa ininda niyang sakit sa likod

Napalitan ng konsern na ekspresyon ang mukha niya dahil sa nakikitang dalaga na iniinda ang sakit ng likod


Maya maya lang ay biglang sumigaw ang dalaga ngunit hindi rinig sa loob ng kastilyo. Malayo sila roon


"Ahhhhhhh!!" Sigaw ng dalaga at biglang lumabas ang pakpak nitong kulay puti na nagliliwanag


Halatang halata ang liwanag dahil gabi na rin ngunit nasa gitna sila ng punong kahoy kaya tanging siya lamang ang nakakarinig at nakakakita sa nangyayari sa dalaga


Nakita niya sa likod nito ang isang birthmark at sa dibdib nito ang marka ng maharlika


Nakita niya rin ang kwintas na ginawang invisible ng dalaga upang hindi mapansin ng iba


"Bakit ka sumasakit?" Tanong ng dalaga sa sarili habang hawak hawak ang likod


"Anong meron sa iyo? Anong nangyayari? Bakit ganito?" Dugtong na tanong niya sa sarili


ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now