CHAPTER 47 They're Gone

1.5K 49 8
                                    

Elown POV

Sugatan rin sa pisngi si reyna mera nang sugatan ni Yielle ang kaniyang pisngi

Ngumisi si Yielle na parang may naiisip na siyang ikinalaki ng mata ng reyna mera

"Mukhang nakalimutan mo na auntie mera na sinalinan mo ako ng iyong kaluluwa kaya konektado ang nararamdaman natin" nakangising saad ni Yielle

Bigla na lamang ay lumabas ang puti at maliwanag na pakpak ni yielle at ganun rin ang kay reyna mera ngunit kulay itim ito

"Ganun rin ang sa iyon pamangkin ko! Kapag nasasaktan ako ay nasasaktan ka rin!" Saad ni reyna mera at nagpalabas ng itim na kapangyarihan patungo kay Yielle

Nilabanan ito ni Yielle at naglabas ng malakas na kapangyarihan

Mayroong sumugod sa aming mga kalaban kaya nakikipaglaban rin kami

Pagod at puro galos na ang katawan namin dahil hindi maubos ubos ang kalaban

May halong pag aalala ang reyna at si Primo habang nakatingin kay Yielle na nakikipaglaban at ganon rin ang hayi pati ang una at pangalawang goddess

Tuwing natatamaan si yielle ay nasasaktan si Reyna mera. Tuwing nasasaktan naman si Reyna mera ay ganun rin si yielle

Napatingin kami sa kaniya ng humarap siya at ibaling ang tingin kay reyna Lierra

Ngumisi ito at walang pasabing naglaho patungo kay reyna Lierra at tinutukan ng matalas na sandata sa leeg nito

Nakita ko ang pagkabigla at pag aalala sa mukha ni Yielle

"Kung hindi kita kayang paslangin ay maari kong gamitin ang isa sa iyong minamahal!" Saad ni reyna mera

Nakita ko ang pag aalala sa mukha ni yielle ganun rin ang ibang nasa paligid habang nakikipag laban

"Bitawan mo ang aming ina!" Galit na saad ni Goddess Liro

"Huwag mo na siyang saktan! Kahit kami na lamang!" Sigaw naman ni Goddess Leo

"Tumigil kayong dalawa riyan! Reyna Mera kahit ako na lamang huwag mo na sila idamay!" Pagmamakaawa ni Yielle kay reyna mera

Nag aalala rin kami nila Primo dahil sa binibitawang salita ni Yielle

"HAHAHAHAHA!" tumawa lamang si Reyna Mera at idiniin ang hawak na sandata sa leeg ni Reyna Lierra

Dumudugo na ang leeg nito kaya mas lalong nag aalala si Yielle

Nawala ang atensyon namin sa kanila ng nag may nag liparang palaso sa aming ulunan

Agad namin itong iniwasan. Ginamit ni yielle ang kaniyang pakpak upang maglabas ng malakas na hangin na naging sanhi ng paglipad paalayo ng palasong tatama sa amin

"Bitawan mo na ang aming ina!" Galit na sigaw ni Goddess Liro

"Hayaan niyo na ako mga anak ko! Siguro ay ito na ang oras upang pumanaw ako" nakangiting saad ng reyna ngunit may tumulong luuha rito

"Oww so sweet! Mapagmahal na ina" pang aasar ni reyna mera

"Hindi ina! Hindi ka pwedeng mawala rito sa mundo" napaluhang saad ni Goddess Leo at ganun rin si Goddess Liro

"Bitawan mo ang aking asawa" sigaw na saad ng hari at nagbalak na lumapit ngunit mas idiniin ni Reyna mera ang sandata sa leeg nito

Napatingin kami kay Yielle na umiiyak na bago magsalita

"Bitiwan mo na ang aking Ina, reyna mera! Nagmamakaawa ako" saad ng naluluhang Yielle at naglabas ng matalas na palaso sa kamay nito

"At bakit ko naman gagawin iyon?" Nakangising saad ni reyna mera

Nagulat kami ng biglang maghagis ng dalawang barrier si Yielle kung saan kaming lahat nakapwesto

Mas lalo kaming nag alala ng itapat niya ang matalas na palaso niya sa kaniyang dibdib

"Dahil ako ang tatapos sa iyo" saad na naluluhang Yielle

"Anak anong gagawin mo?!!" Nag aalalang tanong ng reyna lierra kay Yielle

"Huwag mong itutuloy ang binabalak mo!"

Nagpumilit kaming pigilan siya ngunit dahil sa barrier na nakaharang rito ay hindi kami makalapit sa kaniya

"Paalam na!" Saad ni Yielle at tuluyang idiniin ang palasong nasa dibdib nito

"Bunso!!!" Sabay na sigaw ng naluluhang una at pangalawang Goddess

"Anak ko!!" Sabay naman na sigaw ni Reyna at Hari. Sinubukan rin nilang dumaan sa barrier nito ngunit bigo rin sila

"YIELLE!!" Naiyak na sigaw namin at nagpupumilit na dumaan sa barrier

Sa huling pagkakataon ay ngumiti ito sa amin bago tumulo ang dugo sa kaniyang bibig. Nagliwanag ng sobra ang katawan ni Yielle at ng reyna mera

Napatakip kami ng mata dahil sa liwanag. Pagkawala ng liwanag ay iminulat namin ang aming mata

Wala na ang maski katawan ni Reyna Mera at ang ibang dark hell. Bumagsak sa sahig ang katawan ni Yielle na agad naming pinuntahan

Nakalusot na kami sa barrier nito ngunit huli na! Wala na si Yielle

"Yielle!please gumising ka! Yielle! Nagmamakaawa ako sa iyo!" Naluluhang saad ni Primo

"I-p-pa-n-nga-ko m-mo s-sa -a-ak-kin na H-hin-nd-di k-ka na i-iiya-yak" utal na saas ni Yielle pero ang mata ay sarado na

"Anak nagmamakaawa ako sa iyo! Huwag muna sa ngayon!" Saad naman ng reyna at iniyakap si Yielle

"Yielle please! Wag muna please!!" Iyak na saad ni Primo na nakahawak sa kamay nito

Ganun rin kami. Umiiyak rin at nagmamakaawang wag muna siyang umalis

Yielle! Maraming salamat sa lahat! Sa lahat lahat!

Natigil kami sa iyakan dahil may narinig kaming nagsalita

"Ina!" Sigaw ng bata. Si Aria!

Lumapit ito kay Yielle at walang pasabing niyakap ang tinuturing na ina kaya bumitaw ang reyna

"Ina sabi mo hindi mo ako iwan?! Sabi mo babalik mo ako!" Umiiyak na saad ni Aria habang nakayakap

Kumalas si Aria ng maramdaman ang gumalaw na kamay ni Yielle. Ngumiti ang mga labi nito bago tuluyang bumagsak na hudyat na wala na siya

"Ina!!!" Iyak na saad ni Aria

"Ama! Bakit mo hinayaan si Ina?!!" Galit na baling ni Aria kay Primo

Niyakap ni Primo si Aria at doon umiyak. May halong pagtataka ang mukha ng Reyna dahil sa pagtawag na ina at ama ni aria sa dalawa

"May anak kayo?!" Takang tanong ng Reyna kina Primo

"Hindi nila anak iyan ina. Nagpanggap lamang silang isang magulang upang mapaamo ang bata at sa batang iyan nakikita ko si Yielle pati ang mga ngiti nito" paliwanag ng naluluhang Goddess Leo

Bumitaw sa pagyakap si Primo at sumunod naman ang Reyna na ikinabigla namin

"Nasaan ka man ngayon anak ko ay sana masaya ka na" umiiyak na saad ng reyna habang nakayakap kay Aria na umiiyak ren


**************

Sorry! Di talaga ako maging gumawa ng story🥺

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now