CHAPTER 40 New Student

1.5K 56 6
                                    

Keihayi POV

Anim na buwan na ang nakalipas at anim na ring nagsusungit ulit si Primo sa amin

Naglalakad kami ngayon papasok sa klase ng makarinig kami ng bulungan

"Sino kaya iyon?"

"Mukhang bago lang kasi hindi nanan natin nakikita"

"Maganda siya noh parang si Yielle yung itsura pero parang... ewan"

"Oo nga eh di ko rin mapaliwanag basta maganda"

Nakita ko ang mga kasama kong nakikinig rin pero mukhang binalewala lang nila

Pagkapasok namin sa loob ay agad kaming pumunta sa pwesto namin

Deretsong umupo si Primo sa upuan niya sa likod ng upuan ni Yielle

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakaupo sa upuan niya at tuwing uupo ako rito ay namimiss ko si Yielle

Sana bumalik na siya

Simula rin nung umalis si Yielle ay hindi na pinapansin ni Elown at Milla si Primo at lagi ng masungit si primo

Sabay pa rin kaming kumakain pero nagagalit si Primo tuwing may umuupo sa upuan ni Yielle na harap nito

Ang prinsesa naman ay laging nakabuntot kay Primo. Lagi siyang tumatabi rito at halata kay Primo ang pagkairita

Nawala ako sa pag iisip ng biglang pumasok si Miss Gwen na nakangiti kaya nagtaka kami

Dahil pati si Miss Gwen at Sir Salvador ay naapektuhan rin sa pagkawala ni Yielle

Nasa likod nito si Sir Salvador at isang babae

"Magandang umaga students!" Masayang bati ni Sir

"May bago kayong kaklase" nakangiting saad naman ni Miss Gwen at nagpakita na sa amin ang babae

Maganda siya. Magkahawig sila ni Yielle at tanging kulay lamang ng buhok nito ang pinagkaiba nila

May kulay berde ang buhok ng babaeng ito. Imposibleng maging si Yielle ito kasi new student daw! Saka dapat kilala niya kami at galit ito!

Ngumiti ito na nakasingkit ang mata na parang si Yielle

Namimiss ko tuloy lalo siya

"Shielle Alegria, 18 years old" pagpapakilala ni miss Gwen habang nakangiti

"Hello!" Masayang bati nito

Sinabihan siya ni Miss Gwen na umupo na. Lumapit siya sa pwesto ko at umupo sa upuan ni Yielle

Nakakapagtaka na parang hindi ako naiilang sa presensya niya

Pinagmasdan ko siyang nakatanaw sa bintana. Para talaga siyang si Yielle pero imposible

"Hi!" Saad nito at ngumiti lamang ako

Hindi ko namalayang tapos na ang klase dahil nakatingin lamang ako kay shielle

Lumabas na ang ibang studyante at tanging kaming mga legends at si Shielle ang narito kasama pa pala ang prinsesa

Tatayo na sana ako ng hawakan ako sa braso ng katabi ko kaya napalingon ako

"Pwede ba akong makisabay?" Nakangusong tanong nito. Napatingin ako kina milla ng lumapit ito

"Hi Shielle! Sumabay ka na sa amin" nakangiting pag aya ni Elown

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now