"Mag-iingat kayo ha' Ethan, yung anak ko wag mong papabayaan!" tumango-tango naman si Ethan. Humalik din ako kay Mama at kay Jared tapos lumabas na kami nang bahay.

--

Pag-apak na Pag-apak palang namin ni Ethan sa Gate nang School may mga sumalubong na agad na mga Estudyante sa amin.

"Kyaaaaaaaah! ShaiThan! ShaiThan! ShaiThan!" paulit-ulit na saad nang mga estudyante. Pinagsisiksikan na kami, kaya naman naging dahilan yon' nang lalong paghigpit nang hawak saakin ni Ethan sa baywang ko.

Nakapasok kami sa loob nang Hall, kung saan gaganapin ang Acquiantance, napakarami nang Estudyante na talaga namang pinaghandaan ang Party na ito. Inilibot ko ang paningin ko at natanawan ko si na Melissa at Luke na magkayakap! What the..

"Are you alright baby? Nasaktan kaba?" tanong sa akin ni Ethan, tumango ako at ngumiti. "Yes, okay lang ako." saad ko at pinisil yung kamay niya na nagpangiti sa kanya.

"Do you want Drinks?" tanong niya sakin. "Ah. Sure." saad ko,medyo nauhaw din kasi ako.

Tumawag siya nang Waiter, at binigyan kami nang Strawberry Juice.

Ininom ko yon' at bigla akong nasamid sa nakikita ko. Naramdaman kong kinabahan si Ethan kaya panay ang pag-pat niya sa Likod ko.

"Sht! What happened Sweetheart?"

Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatuon ang tingin ko kela Luke at Melissa. They Hungrily Kissing each other like there's no other people around them!

"Ohh... Fvck. Napaka-kadiri talaga niyang si Luke!" saad ni Ethan.

Napahinga ako nang malalim dahil bigla akong nakaramdam nang tampo kay Melissa, bat' hindi na siya open saakin? sila na ba ni Luke?

Humarap ako kay Ethan at tinanong siya. "Hmm. Ethan, sila na ba?" tanong ko na nagpakunot nang noo niya, tignan mo to' baka iba ang tumatakbo sa utak nito!

--

ETHAN's POV

"Hmm. Ethan, sila na ba?"

Biglang kumunot ang noo ko sa tanong ni Shaira, is she inloved with Luke? Bakit siya nagtatanong?

Bigla niya akong hinataw sa balikat. "Bakit ganyan ang itsura mo? I was asking kung sila na ba? Hindi kasi nagkwekwento si Melissa saakin!" saad niya, nasapo ko ang noo ko, bakit ko ba biglang naisip na may gusto siya kay Luke? Hayst!

"Ahmm. I.. I don't know, wala rin namang sinasabi si Luke, but i guess, sila na?" saad ko. Napahinga nang malalim si Shaira sa sagot ko, marahil nagtatampo siya sa Bestfriend niya.

Biglang may nagsalitang MC sa stage at sinimulan na ang Party, It was a Party Song kaya naman naging wild ang mga Estudyante sa harapan, nanatili lang kami ni Shaira na nakaupo dito sa upuan namin.

Maya-maya'y nagplay na ang Sweet song, panay ang tilian nang mga estudyante at karamihan ay nakatingin sa amin. Nakita ko ang pamumula nang pisngi ni Shaira, napakaganda niya talagang mag-blush.

Tumayo ako sa inuupuan ko at tumungo sa harap ni Shaira, nilahad ko ang kamay ko.

"Shall we dance, my sweetheart??" saad ko, nahihiyang ngumiti siya at tinanggap naman niya iyon. Marahan kaming naglakad papunta sa Dance Floor.

Kusang nahati ang mga estudyante at binigyan kami nang space para makasayaw. Hinawakan ko siya sa bewang at siya naman ay nakapulupot ang mga braso sa leeg ko, dinukmo naman niya ang mukha niya sa dibdib ko, alam ko nahihiya siya. Center of Attraction kasi kami ngayon, may mga nagsasayaw ding iba pero ang karamihan sa estudyante ay nakalaan ang mga mata sa amin.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Where stories live. Discover now