Sixty

1.4K 57 8
                                    

An: Basahin nyo po muna last chapter, baka nalaktawan nyo. :)

•••
#ElitesAssuming


"Bakit kailangan pa nating magsarilinan? Ano bang paguusapan natin at mukhang seryoso ka dyan?" Nababagot na tanong ni Axle ng tumigil na ako sa paglalakad at masiguradong malayo na kami sa pwesto ni Candid.


"Tungkol kay Candid.." seryoso kong sagot kaya seryoso na rin s'yang tumitig na rin sa'kin.

"Anong tungkol kay C.A?"

"You know what I'm talking about." sagot ko na lamang sa kanya kaya napaayos na rin s'ya sa pagtayo at saglit na naglayo ng tingin saka nagseryoso ng ekspresyon ng mukha.

Hindi ko dapat ito ginagawa..pero..hindi ko rin alam..





"Ano ba Dalton? Kakasabi mo lang na ubusin ko di'ba? Tapos ngayon inaagaw mo? Yung totoo, bangag ka ba!?" pasigaw n'yang angal sa'kin habang pilit pa ring inaagaw sa'kin ang tatlong natitirang lata ng alak na nasa plastic.

"Sineryoso mo talaga? Maglalasing ka talaga kahit alam mong bawal, huh!?" naiinis kong singhal sa kanya.

Kahit mukhang hindi pa talaga s'ya lasing na lasing, nakikita kong may epekto na sa kanya ang mga nainom n'ya.

Pahamak talaga kahit kailang si Axle. Bakit kailangan n'yang idamay si Candid sa pagiinom n'ya? At anong rason para sabayan nitong si Candid si Axle gayong alam nyang mahigpit na pinagbabawal ngayon dito sa'min na maginom ng kahit na anong uri ng alak.

"Sabi mo naman di'ba? Pag hindi ko sinunod tatanggalin mo 'ko di'ba? Sinabi mo yun ah? Tapos ngayon babawiin mo!" pagangal n'ya at muli na namang sinubukang agawin sa'kin ang hawak ko. Pero mabilis ko ulit iyong naiiwas sa kanya.

Tch. May epekto na sa kanya ang alak. Kahit mukhang naiinis na s'ya, hindi na ganun kalakas ang pagsigaw at pakikipagtalo n'ya sa'kin.

"Uto uto ka na ba at naniwala ka?"

"Bakit? Lagi mo naman talaga akong tinatakot ah? Masyado kang diktador. Gusto mo lahat napapasunod mo porque lang mataas at mayaman ka. Alam mo kung iba iba lang, wala naman talaga akong balak sumunod eh. Kaso si Dalton ka eh. Ikaw yan eh."

Saglit akong napatitig at nagkunot noon sa kanya ng hindi sumasagot sa sinabi n'ya.

Anong ibig mong sabihin sa kung iba iba lang, Candid?

"Anong pinagkaiba ko sa kanila?" wala sa sariling natanong ko na lang sa kanya.

"Mas gago ka sa kanila." malutong na sagot n'ya.

Napakunot na lang lalo ang noo ko sa sagot n'ya.

"Kababae mong tao ang hiling mong magmura. Bumalik na tayo sa baba. O matulog ka na lang sa suite n'yo ng mahimasmasan ka na." medyo kalmado ko ng sabi sa kanya pero mukhang wala talaga s'yang balak magpatalo.

"Hindi! Uubusin ko pa rin lahat ng yan at paninindigan ko yun!"

Inakma na naman n'yang agawin ang hawak ko na mabilis ko ring itinaas lagpas sa may ulo ko.

ELITESOnde as histórias ganham vida. Descobre agora