Seventy Five

1.2K 53 11
                                    

FB Page : Señorita Young
FB Account : Maybe Young
IG Account : missyoung_myf

°°°°

#ElitesPathetic



Hindi ako agad nakasagot. Wala sa plano kong magpanggap na nagulat na alam n'ya ang tungkol doon. Una pa lang naman duda na ako sa kanya. Masyado s'yang maraming alam sa'kin. Hindi malabong pati bawat kilos ko, alam rin n'ya. Noong nasunog ang Brice, mukhang alam n'ya ring mangyayari.




“Hindi mo ‘ko pinigilan.” Hindi iyon isang tanong mula sa'kin kung hindi siguradong statement.



Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya. Nanatili pa rin s'yang seryosong nakatitig sa'kin. Wala ang nakasanayan kong ngisi na nakikita sa mga labi n'ya.



“Dahil alam mong hindi ako magtatagumpay?” Kalmado kong tanong sa kanya. 



“Hindi ba dapat ang pagusapan natin ngayon ay kung sino ang babaeng yan?” Imbis na sagutin ako ay iniliko n'ya ang usapan.





Saglit kong sinulyapan muli ang mga litrato.





“I'm done with them. Wala na akong kinalaman at kaugnayan sa kanila ngayon.”



“Really?” Saka pa lamang sumilay sa labi n'ya ang ngising palagi n'yang pinapakita sa'kin. Ngisi na mukhang laging may kahulugan. “Alam nating dalawa na you're done with them, but they're not yet done with you. Alam mong hindi ka nila hahayaan ng ganun lang. They will not sue or kill you. They will just get rid what precious to you. Alam mo naman siguro kung anong ibigsabihin ko.”



Prente s'yang sumandal sa sandalan ng kanyang upuan at pinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib. Habang ako ay bahagyang kumuyom ang magkabilang kamay.



“Anong kailangan mo sa'kin? Alam mo naman pala lahat ng kilos ko. Kung tutuusin pwede mo na ‘kong ipa-expel sa paaralang ito. O kahit deretsong ipadampot sa mga pulis.” She lifted an eyebrow and began to pout her lips.



Siguro, iniisip n'yang masyadong matabas ang dila ko. Hindi ko man lang s'ya kausapin sa mas magalang na paraan.





“Bakit hindi na lang tayo magkaron ng deal?" Her eyes gleamed and gave me a calm smile.



Nakalaya na ako kahit papaano sa kanila, tapos magpapasakop na naman ako sa panibagong tao?





“Hindi ako laruan para magpagamit kung kanikanino. Wala kayong mapapala sa'kin. Sapat ng nawalan ako ng ina, hindi ko na hahayaang madagdagan pa." I said in a firm voice and with finality.




“Akala ko ba handa ka na sa mga ganito? Akala ko ba, bata ka pa lang sinanay ka na ng Papa mo?" Tila nanghihinayang na reaksyon n'ya sa sinabi ko. I know it's just an act, pero ng mabanggit n'ya si Papa ay muli n'yang nakuha ang atensyon ko. “General Rosales will surely proud of you kung ikaw pa rin yung Candid na pinalaki n'yang matapang at walang inuurungang sitwasyon. You were born fearless and brave. You're a polymath. Without exerting so much efforts, you can do whatever you want. Your weakness is your own strength. Your inability to feel physical pain can kill you without your knowing. You have those pair of eyes that you still didn't know where it came from or to whom you've got. You never had a chance to enjoy watching yourself grow in the mirror to watch how wonderful and fine lady you are. You call it a curse, just what they are always talking telling you. But your father..she raised you well that he managed to protect and made of who you are now. Hindi ka mananatiling buhay ngayon kung hindi nagkamali s'ya ng pagpapalaki sa'yo." Miss Coreen flashed a genuine smile at me.

ELITESDär berättelser lever. Upptäck nu