Twenty Nine

2.3K 88 5
                                    

Mr. and Mrs. Cartney


“Maiwan muna kita saglit, kumuha ka lang dyan kapag may nagustuhan ka pa.” hindi na hinintay ni Kurt na sumagot ako, agad na rin syang naglakad papalayo sa’kin na tila may hinahanap.

Nandito kami ngayon sa puregold para mamili ng pangisang linggong stocks namin sa bahay. Hindi makakauwi si Mama kaya nagpadala na lang sya ng pera. Buti na lang dun at sapat ang kinikita ko sa Brice para makapamili ng extra needs namin.

Walang gana kong tinulak ang push cart na malapit ng mapuno. Dinaig pa ako ni Kurt kung mamili ng mga bibilhin. At syempre, mawawala ba naman ang paborito nyang hotdog. Makalimutan ng bumili ng sabon pangligo huwag lang daw hotdog. 

Pinagbabawalan ko na nga sya dahil hindi ito makakabuti sa kalusugan nya. Buti kahit papaano nakikinig na. Dati halos araw araw, ngayon twice a week na lang.

Habang sinusuri ang bawat nakadisplay, bigla bigla na lang pumasok sa isip ko si Axle.

Simula noong maissue kami at kumalat ang litrato namin, minabuti nya ng huwag muna ako lapitan o pansinin man lang. Naiform ako agad kung bakit dahil nagawa nya pang magtext ng araw na yun. Para daw sa ikabubuti ko, sya na lang daw muna ang iiwas. Ayaw nya daw na pagusapan at husgahan pa ako ng mga tao.

The day after that, iba ibang babae na lagi ang nakikita kong kasama nya. At sabi sa akin ni Ellie, may post din daw si Axle sa FB account nya na nagpapatunay na wala kaming relasyon. May iba itong babae na ipinost at sinasabing girlfriend nya. Sinabi din nya sa post nya na ang nakuhaan daw na litrato naming dalawa ay isa lamang comfort scene kung saan may matindi lang syang problema kung saan napayakap lang sya sa’kin ng di sinasadya. Sadyang close lang daw talaga kami bago pa man ako pumasok rito sa HFA.

What a lame alibi.

Pero mukhang marami naman ang kumagat. Marami ang naniwala.

Pero kasunod ng problemang naresolba, nasundan agad yun ng isang napakalaking problema na susuungin ko bukas.

Napatigil ako sa pagtulak ng cart at mahigpit na napakapit rito.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko bukas.

Hindi ko pa tinatawagan si Mama at wala talaga akong balak na tawagan s’ya. Oras na gawin ko yun, tuluyan syang mawawalan ng amor sa’kin.

Bago pa man ako tuluyang umalis sa pwesto ko at tuluyang itulak ang cart ay biglang may malakas na impact na tumama rito.

“Hala!” agad akong napatingin sa babaeng nasa harapan ko. May tulak ding push cart na nakabangga sa cart ko. “Anong problema mo girl? Ang lawak lawak ng daan nambubunggo ka.” inis na turan nito habang nakatingin sa’kin.

Agad na dumapo ang tingin ko sa lalaking kasama nya. Magkahawak sila ng kamay.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Sa halip ay aktong lalagpasan ko lang sya ng magsalita syang muli.

“Nasaan ang manners? Di man lang nagsorry?” agad syang hinawakan ng lalaking kasama nya sa braso. Tila pinipigilan ito sa pinagsasasabi nito.

ELITESWhere stories live. Discover now