Eight

3.4K 115 34
                                    

EDITED VERSION


°°°

#ElitesOrder






Hindi naman talaga ako bulag. Alam kong maganda ang mundo. Pero yung mundong ginagawalan ko, alam kong masyadong maliit. Masyadong makipot at masyadong madilim.



May mga oras na gusto kong tumakas. Tumakbo at pasukin ang ibang mundong ginagalawan ng ibang taong nakikita ko kung paano kumukurba ang ngiti sa mga labi nila. Nasasaksihan ng lahat kung paanong namumula ang mga pisngi at labi nila sa natatangi nilang ganda. Malayang nakakapagsalita, malayang humaharap sa lente ng camera. Hindi nagtatago. Hindi na nahihiya. At higit sa lahat, hindi ngangambang makita.





TAHIMIK lang akong kumakain magisa. Pero hindi nakaligtas sa'kin ang pabulong na sermon ni Sham kay Blaze. Sadya kasing malakas at malagong ang boses nitong si Sham. Gustuhin ko mang malayo ang maging agwat sa kanila, wala akong magawa dahil dito lamang sa inuupuan ko ang may bakanteng lamesa at upuan. Kung saan medyo malapit pa rin sa kanila.


Siguro bibilisan ko na lang ang kain ko. Pagkatapos, makakakilos na ako ng malaya. Tama. Yung walang pesteng pakalatkalat kagaya ni Blaze.



"Napaka-childish mo na Blaze. Kaunti na lang masasapak na talaga kita. You're being unreasonable habang tumatagal." Sham hissed.


Rinig na rinig ko pa rin kahit pabulong na sinabi iyon ni Sham. Alam kong sumusulyap sila sa pwesto ko pero wala silang magawa.




At wala naman silang dapat gawin.




Assistant lang nila ako at sabit sa tour na ito. Hindi naman ako kasama at kabilang sa kanila. Hindi sila obligadong alalahanin ako sa lahat ng oras na kasama ko sila.



"Wala ka sa lugar Sham para kwestyunin ang sinabi ko. And besides, I'm just doing this for your sake guys. Kaya tigilan nyo na ako kung ayaw nyong bumalik ako sa HFA magisa kahit hindi pa tapos ang tour. Alam nyo naman siguro ang consequences sa ating lahat kapag nangyarinyun." pananakot naman ni Blaze sa kanila.

Sake your Ass Blaze!" Naiiritang sambit ni Sham.



Nakatungo man ako habang kumakain, masyado pa ring matalas ang pandinig ko at batid ng gilid ng mga mata ko ang mga kilos nila sa kabilang table.



Kanina pa nagrereklamo si Sham sa ginagawa ni Blaze pero wala syang magawa. Sa twing magtatama ang mga mata namin ni Sham, nababasa ko ang guilt mula sa kanya. Ganun din si Dwayne. Tutol din naman si Axle at si Trust pero hindi na sila nagsalita tungkol sa ginagawa ni Blaze sa'kin ngayon. Kung tungkol naman kay Zayn, mas lalo naman yung walang pakialam.



Napapaisip na lang tuloy ako kung anong klase ng pagiisip mayroon itong si Blaze. Paano s'ya naging qualified bilang President ng student council kung masyado s'yang mababaw magisip.



Sa tingin ba nya gusto kong mapalapit sa kanila dahil may gusto akong makuha o mapakinabangan? S'ya itong naghatak sa'kin para mapasama dito. Hindi ko naman isinisiksik ang sarili ko. Wala rin naman akong balak mapalapit sa kanila o ni makausap nga lang sila, pero s'ya itong gumawa ng paraan para isama at alilain ako dito. Mapagbintang na, napaka- judgmental pa.



ELITESWhere stories live. Discover now