Thirty

2.6K 100 13
                                    

Blaze Anthony

Hindi ako mapakali sa teleponong hawak ko. Mayat maya ko chinecheck kung may bago syang text, pero wala pa rin.

“Ang likot mo.” casual na puna ni Trust sa’kin habang tahimik na naglalaro sa phone nya. “Para ka ding baliw, kanina ka pa ngiti ng ngiti.”

“Tch.” mukhang ako na naman papansin nitong si Trust. Hindi na lang maglaro ng maglaro. Tutal yun lang namn ang girlfriend nya, yung mga hero sa nilalaro nya.

Well, hindi ko lang maiwasang makaramdam ng excitement. Sa tagal kasi ng panahon, muli kaming nagkita ni Lacey. Hindi ko maiwasang hindi maging masaya ng magkausap na ulit kami.

Ang ganda ganda nya pa rin..

Tanga na kung tanga, pero umaasa pa rin talaga ako na magkakabalikan pa rin kaming dalawa. Alam ko, may dating pa rin ako sa kanya. May epekto pa rin ako sa kanya.

Pilit kong binura at kinalimutan ang imahe at eksenang nasaksihan ko noong minsang i-stalk ko sya. Noong mayroon syang ibang lalaking inaantay sa labas ng gate ng school nila. At ng dumating ang hinahantay nya ay hinalikan nya ito mismo sa labi.

Wala naman syang binanggit kung may boyfriend na sya. At hindi rin ako nagtangkang magtanong. At wala rin akong balak magtanong.Bahala na.

“Nice, mukhang babalik na si Blaze at iiwan na kami ni Bad.” komento muli ni Trust ng hindi tumitingin sa’kin.

“Tch.” yun lang ulit ang naireact ko at  napailing na lang ako habang nakangiti.

Marami na ang nakakapuna, parang bumabalik na daw ulit yung sigla ko kagaya nung kami pa ni Lacey. Sa loob lang ng tatlong araw, marami ng nakapansin nun.

Hindi na daw ako madalas kunot noo sabi ng mga Elites. Hindi na rin madalas uminit ang ulo ko. Mas nagiging palatawa at palangiti na daw ako kaysa nung mga nakaraan. At hindi ko na  din daw pinagdidiskitahan si Candid.

Paki ko ba sa babaeng yun.

Bahala na sya sa buhay nya. Kung gusto nyang landiin at akitin lahat ng Elites, eh di bahala sya. Basta h‘wag lang ako, may Lacey na ‘ko.

“Sabay sabay tayo mamayang lunch break, lahat ng Elites. Libre ko.” saktong pagkasabi ko nun, sakto rin na pagpasok ni Axle sa pintuan.

“Wow, libre? Himala ata yan ah!” masigla nitong bungad at halos patalon ng umupo sa sofa.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nya. Ang usapan namin, hindi nya papatusin ang babaeng yun. Pero hindi nya tinupad ang usapan. Pinaalam lang kung kailan wala na sila.

Naiinis na naman tuloy ako kapag iniisip ko. Pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng dalawa kahit hindi naman talaga. Ayaw na ayaw ko yung sinusuway kung anong inuutos ko. Para saan pa at naging Captain ako ng buong school? Kung mismong mga kaibigan ko susuwayin ako. Tapos babalewalain lang din pala ang warning ko.

“Ang himala, yung hindi ka na paiba iba ng babae.” komento naman ni Trust na si Axle naman ngayon ang tinitira.

ELITESWhere stories live. Discover now