Fifty Nine

1.4K 81 21
                                    

“Seryoso naman talaga ako noon sa’yo, sadyang hindi lang siguro talaga ako yung mga tipo mo.” — Axle

••••
#ElitesEnjoy

Umamin ka na nga sa'kin Bes. Ano yung pa- jaming session nyo kanina ni Blaze? Ikaw ha, hindi ko alam na nagpapaharana ka na pala.” malanding pagsiko sa bewang ko ni Ellie habang may malisyosang ngiti sa labi n'ya.

Inirapan ko lang s'ya imbes na tumanggi o kaya ay magdahilan. Sasayangin ko lang ang laway ko kapag nangatwiran pa ako sa kagaya nyang malisyosa magisip.

Sayang, hindi ko narinig. Saglit lang kasi akong sumilip. Nahiya akong istorbohin kayo dahil sa lagkit ng titigan n‘yo. Siguro kung ganoon kagwapo ang manghaharana sa'kin, intro pa lang ‘YES' na agad ako! Yiie!”

Lalo ko s'yang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi n'ya.

Ang landi mo, El. Ngayon ko lang nalamang masyado ka pa lang marupok sa lalaki.”

Aykenat. Ang harsh Bes ah? Syempre, sino ba namang hindi magiging marupok kung may mga ganoon pa palang klaseng lalaki? Gwapo na, marunong pang mangharana.”

Panghaharana ba yun? Ang alam kong panghaharana, pupuntahan ka sa bahay n’yo at doon sa labas ng bahay n’yo ikaw kakantahan. Hindi sa beach club o sa deck.”

So, gusto mo pala sa bahay n'yo at hindi sa isang romantic na spot sa mamahalin at eleganteng yate?” lalong lumawak ang pagkakangisi ni Ellie sa'kin.

"Gusto mo bang ikaw ang ihawin ko dito?”

“Asus, baka nakakalimutan mo Bes. Hindi ko pa nakakalimutan yung mga bagay na nabanggit mo noon na—”

Pwede ba Ellie, baka may makarinig sa’yo.” napipikon ko ng saway sa kanya.

Mabuti na lang at medyo malayo sa amin ang mga kasama namin. Kami lang dalawa kasi ni Ellie ang nagvolunteer na magihaw ng mga barbeque na request ng mga boys na maaarte.

At para magtigil ka na. Hindi ako hinarana okay? Hindi para sa'kin yung kanta na yun.”

Naiirita akong nagiwas ng tingin sa kanya at tumutok na lang sa iniihaw ko.

Pilit na sinisilip ni Ellie ang mukha ko na parang may kung ano s'yang hinahanap sa ekpresyon ko kaya lalo lang akong nairita at nailang sa ginagawa n'ya.

“Ano ba, Ellie!”

Ay, uminit ang ulo. Disappointed kasi hindi para sa’yo?” maloko pa rin n'yang pangaasar.

Pwede ba El, tantanan mo ‘ko. Magihaw ka na lang dyan kung ayaw mong ikaw ang ihawin ko.”

“Okay, sabi mo eh.” tunog malisyoso pa rin ang pagsagot n'ya pero hindi na lang ulit ako nagsalita.

Girls, okay na ba yung barbeque namin?”

Saktong paglapit sa amin ni Axle ay nilakasan ko ang pagpaypay sa uling dahilan para umusok at magtalsikan ang mga abo nito.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon