Seventy

1.3K 65 33
                                    

•••
#ElitesMourn


Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung hanggang saan yung hangganan ko. Hanggang saan yung titiisin ko at kung haggang saan yung makakaya ko. Lahat naman siguro ng tao napapagod, nagsasawa at tumitigil. Pero bakit ako, bakit kahit napapagod at nagsasawa ako ay hindi pa rin magawang tumigil ng ikot ng oras ko?


Tinatanong ko lagi ang sarili ko kung 'kaya pa ba?' Pero laging nauuwi sa sagot ng utak ko na 'oo naman, kaya mo. Malakas ka e. Matapang ka.'  Pero paano kung hindi? Paano kung ako si Candid na mahina at ubod ng duwag? Paano kung..ako yung klase ng tao na kabaliktaran ng kung ano ako ngayon? Siguro masaya ako. Siguro okay ako. Siguro malaya ako.


Mahigpit ang kapit ni Ellie sa kamay ko habang patungo na kami sa bahay namin. Si Blaze naman ay minuminuto ata akong sinusulyapan sa rare view mirror na tila nagaalalang tinitignan ako. Hindi siguro nila alam na sa ginagawa nila, lalo akong nagiisip ng kung ano ano. Kung saan saan napapadpad ang utak ko.

Hindi ko alam kung ano ang saktong madaratnan ko. Pero malakas ang kutob kong hindi yun maganda.


Habang papalapit na kami ng papalapit sa bahay namin ay doon na unti unting parang hinahapit ang dibdib ko. Lalo pang humigpit ang kapit ni Ellie sa kamay ko kaya saglit kong idiniin ang pagpikit ng mga mata ko.

Ilang sandali pa ay marahas ng tumigil ang sasakyan.




“Candid..”


Tawag ni Ellie sa pangalan ko kasabay ng mahinang pagyugyog sa kamay ko. Bakas sa boses n'ya ang kaba sa kung ano man ang nangyayare. Habang ako'y hindi pa rin gumagalaw at nanatili lang nakapikit habang pinapakiramdam kung ano ang nangyayare sa labas ng sasakyan.

Maingay. May mga nagsisigawan. Mga boses na parang natatakot, nababalisa at may ilang mga galit na galit.


Mabilis ang naging paghinga ko ng unti unti ko ng imulat ang mata ko. Unang hinagilap ng mga mata ko ang mga mata ni Blaze. Kahit papaano ay saglit na kumalma ang sistema ko kahit puno ng pagaalala din s'yang nakatingin sa'kin. Pinapakiramdaman kung anong gagawin namin.


Alam ko na sa pagkakataong ito ay dapat nagpapanic na kami parepareho. Pero sa mata ni Blaze at Ellie, ramdam kong ako ang pinakapinakikiramdaman nila. Ako ang pinakainiisip nila. Ayaw nilang ipakita ng husto ang pagpapanic nila sa eksenang nagaganap sa labas. Sa halip ay sa akin lang sila nakatingin na dalawa. Puno ng pagaalala ang mga mata nila.


Lakas loob kong binuksan na ang pintuan ng kotse ng walang sabi sabi. Ramdam ko ang pagsunod agad nilang dalawa.



Tila tumigil ang paghinga ko ng tumambad na sa akin ang napakalawak na malakas na sunog at pumapailanlang na usok na nagaganap sa harapan ko. Naestatwa ako bigla sa kinakatayuan ko. Parang sa mga unang segundo ay hindi pa nagsisink sa'kin ang totoong nagaganap na remerehistro sa mga mata ko. Nananaginip na naman ba ako? Para akong nahihilo sa dami ng taong sumisigaw. Nagpapanic at tumatakbo sa kung saan saan.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon