Chapter Ninety Two

1.2K 23 3
                                    




DAHAN DAHAN kong inaayos ang suot na uniporme pero nanatiling nakatitig sa babaeng kaharap.



Bakas sa mga mata nito ang palaban at matapang na emosyon. Ang dalawang bilog sa kanyang mga mata na saglitang lumiliit at lumalaki, habang nakatitig rin sa'kin. Kakaiba ang ipinapahiwatig ng mga tingin na yon na lalong tumitingkad dahil sa cat eye styled nitong eyeliner. Mula sa maamo nitong mukha ngunit sa matalas nitong mga mata, nagtatago ang mapanlinlang na pagkatao na pilit nagtatago sa matamis nitong ngiti.



Alam kong kailangan ko s'yang iwasan palagi. Hanggat maaari ay hindi ko s'ya pwedeng harapin ng kami lang dalawa. Hindi ako takot pero wala ako sa kanyang tiwala. Ginagawa ko ang makakaya para hindi ko s'ya muling makita. Kung nagkakatagpo man kami, sinisigurado at sinisikap ko palaging hindi tagalan ang pakikipagusap sa kanya. Mahirap na. Pareparehas kaming mapapahamak sa pagiging mapusok n'yang kumilos at magdesisyon sa mga bagay-bagay.



Masyadong big deal sa kanya ang lahat. Hindi n'ya pinapalagpas ang mga simpleng bagay lalo na kapag alam n'yang nadedehado s'ya ng iba. Ayaw na ayaw nya ng tinatapakan at inaapi. Puno ng galit ang kanyang puso at walang ibang inisip kung hindi ang maghiganti.



Huwag ka ng magpapakita sa'kin. Hindi kita kailangan.” Malamig kong sabi rito.


Hindi man lang ito kumurap. Walang kakilos kilos itong ngumisi na halos umabot na sa kanyang tainga. Natabunan at natatalo na ang maamo nitong mukha. Hindi ko s'ya nakikilala kapag ganoon ang ginagawa n'ya.



Sinong nagsabi?” mapanuya nitong tanong.

Malaki ang utang na loob mo sa'kin. Kung hindi dahil sa'kin, baka wala ka na ngayon.”


Dumiin ang titig ko dito dahil sa kanyang sinabi. Pero isang mapagmataas na ngiti pa ang sinukli nito.


“Don't forget that you owe me almost everything, Candid.” Sumeryoso ang boses nito at malamig akong tinignan.


Hindi ko na inaksaya pa ang oras para makipagusap sa kanya kaya tinuyo ko na ang kamay sa machine sa tabi ng sink. Walang imik akong umalis.




Pakalabas ko sa comfort room ay tumambad sa'kin si Blaze na nakasandal at nakatayo sa pader na harap lang din ng girls rest room. Nakatiklop ang isa n'yang tuhod at nakatapak ang paa niyon sa pader. Magkakrus din ang kanyang mga braso at kamay sa kanyang dibdib.



Kunot ang noo nitong nakatanaw lang sa kung saan. Pero ng mapansin ang presensya ko sa kanyang harap at ng makita ako, mabilis na nabura ang kulubot ng kanyang mga balat doon. Nagpatantay na ang kanyang mga kilay saka malambing na ngumiti.



Akala ko kinain ka na ng bowl eh.” Biro nito na lalong nagpalaki sa kanyang ngiti.


Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya.

Sinusundo ka. Sabay tayo.”



Umuna na ako sa paghakbang at sumunod agad s'ya. Sinabayan rin ang hakbang ko.



Palaisipan sa'kin kung bakit kailangan n'ya pa akong sunduin sa labas ng comfort room at intayin. Hindi naman malayo ang room namin.



Sinong kausap mo nga pala sa loob?”  He genuinely asked. Hindi tunog mapaghinala o ano pa man.


ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon