Fifty Two

1.9K 85 42
                                    

People constantly and instantly giving their attention to listen when you speak less.

•••••
#ElitesVirgin

Puyat na puyat ako sa totoo lang dahil sa gig namin kagabi hanggang madaling araw. Pero imbis na magpahinga ako ngayon at matulog ay hindi ko magawa dahil sa ingay ng mga kaklase kong nagkakantahan at nagbibiruan habang patuloy na umaandar ang bus na sinasakyan namin.


Araw ng Sabado. Kahapon lang ni- announce na may biglaan kaming fieldtrip ng tatlong araw. Hindi naman talaga ito kasama sa mga upcoming programs at activities, sadyang biglaan lang. Wala talaga sa plano. Ang sabi ni Kurt, paraan daw ito ng pamunuan ng HFA para medyo ilihis ang atensyon ng mga estudyente ng HFA sa mga nangyare noong nakaraan. Para kahit papaano makalimot ang lahat sa mga stress at iba ibang eskandalo. Masyado na kasing bumibida sa social media ang HFA kung saan paaralan daw ng mga taong mayayaman pero ang mga narito ay hindi dapat tularan dahil sa  iba't ibang uri ng imahe bilang isang estudyente.

Ang totoo n'yan medyo nakatanggap na ng iba't ibang discrimination ang iilan sa mga taga HFA sa labas ng campus. Lalong lalo na sa social media. Isa na rin ako doon. Kaya balak kong huwag magsuot ng uniform halimbawa mang sa bahay namin ako uuwi at hindi sa dorm.

“Hindi ka pa ba nakakatulog ng ayos? Bakit kailangan mo pang magtrabaho sa Brice, pinapasweldo naman kita ng ayos.” someone beside me commented when he glance at me.


“Kulang.”  walang gana kong sagot habang pilit na idinidiin sa pagkakapikit ang mata ko habang ang braso ko naman ay nakatuon sa gilid ng bintana ng bus.


“Eh ‘di dadagdagan ko.” tila hindi big deal na apela n'ya kaya mabilis ko s'yang tinignan.


“Ayaw ko ng utang na loob.” sabi ko sa kanya at muli na lamang pumikit.


“Hindi naman yun libre. Doble na ang trabaho mo sa'kin, kaya wala kang utang na loob na tatanawin.”

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi n'ya.


Honestly, Blaze is just framing it as an favor rather than a request. It feels like he's just sugar coating it.


Nasa kalagitnaan pa lang kami ng byahe ng biglang masiraan ang bus na sinasakyan namin. Maraming nainis at nabadtrip. Lalo na ang mga maaarte naming kaklaseng babae, nangunguna na si Harriet na hindi kasama ang kakambal n'ya sa kamalditahan na si Yuri. Nasa kabila itong bus na naayon sa alphabetical order ng mga pangalan namin. Parang mga seating arrangement lang, kaya si Blaze ang katabi ko sa upuan. Sayang, sana si Dwayne na lang. Mas matino at palagay akong kausap.


Ang inaasahan ng lahat ay pupunta kami sa loob ng tatlong araw sa iba't ibang sikat na lugar na medyo malapit lang sa Laguna. Pero nadismaya ang lahat ng sabihin kanina ng class adviser namin na hindi ganoon ang mangyayare. Malalaman na lang daw namin kapag nakarating kami sa lugar.

Wala kaming ibang choice kung hindi ang bumaba lahat ng bus. Ilang pagrereklamo pa rin ang naririnig ko mula sa mga kaklaseng kong babae na nagiinarte dahil ang init init daw. Mga takot mangitim. Pasado alas dies na ng umaga kaya medyo patirik na rin ang araw.

ELITESWhere stories live. Discover now