Thirty Three

2.3K 81 20
                                    

Evidence

“So, nagoopen ka ngayon dahil naguguluhan ka sa sinabi ni Dwayne? That's new.” mapangasar na ngumiti si Ellie habang nakahiga sa kama ko.

Nagpoker face lang ako sa kanya at hindi nagsalita.

Sya itong nagtanong kung anong ganap kanina, hindi naman talaga ako ang unang nagopen ng topic. Magkaiba yun.

“Chill. Malapit ka na magka-lovelife Bes.” tumawa pa ito na mukhang pinagkakatuwaan ang itsura ng expression ko sa pinagsasasabi nya. “May pagasa ba?”


Bakit ba kasi napadpad sya ngayon dito sa bahay? Gabi na. Hindi ba sya hinahanap ng Mommy at Daddy nya?


Tamad ko lang syang sinulyapan bago sumandal sa upuang inuupuan ko. Lalo pa syang natawa na akala mo may nakakatawa sa inerereact ko.


“Ang daya daya mo. Bestfriend mo ako pero ang dami mong linilihim sa’kin.” hindi ko man sya linungunin, mukhang nakanguso na sya matapos ako pagtawanan.


“Alam mo namang tamad ako magsalita. Sa dami nun, hindi kakayanin ng bibig ko.”

Humarap ako sa laptop na nasa study table. Sapilitan ko pa itong hiniram kay Kurt dahil kailangan ko lang sa homework namin.


“Hmp! Mabuti pa nung long distance pa tayo. Ang sipag mo magtype.” bahagya akong natawa ng tahimik lang. “Kita mo? Tumatawa ka na naman ng walang sound. Ikaw lang talaga nakakagawa nyan!”



“Tell me nga. May pagasa ba? Sakali bang pormahan ka ni Dwayne, papayag ka ba?” ang kulit talaga.

Saglit tuloy akong napatitig lang sa screen ng laptop.


“Gulo nga ng buhay ko hindi ko maayos, love life ko pa kaya.”


“Nice, safe answer.” napangiwi na lang ako sa sarkastiko nitong komento sa sagot ko. “Kailan mo balak ikwento lahat ng sikreto mo?”


“Via email. Maghintay ka lang.” agad na sagot ko.


“Aykenat! Seryoso ka dyan?” halata sa boses nya ang hindi pagkakumbinsi sa sinabi ko.

Oo. Uumpisahan ko na mamaya, huwag ka magalala.”


“Ganun kahaba?”

“Oo.”

“Grabe ka Bes. Kung iniisa isa mo na lang. Talagang mageeffort ka pang i-type?” ang daming reklamo.


ELITESWhere stories live. Discover now