CHAPTER 44: Saving the queen

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatitig ako sa wrist watch ko. Pasado alas dos palang ng madaling araw at damang dama ko ang masarap na hangin na nagmumula sa labas. Kahit may suot akong jacket ay nararamdaman ko ang lamig.

Sumagi na naman sa isip ko si Red ngayong nanahimik ako.

"Excited na ako. Ngayon nalang ulit ako mapapalaban."biglang sabi ni Katashi.

"Umayos ka, Katashi. Baka maging pabigat ka pa. Ibibitin kita patiwarik."banta ni Ace.

Natatawa nalang ako habang kinakapa ang baril na nasa bulsa ng jacket ko. Halos dalawang baril ang dala ko ngayon para may extra.

"Wala ka bang tiwala sa akin, Ungas?"natatawang sabi ni Katashi.

Matapos ang usapang yun ay pare-parehas na kaming nanahimik. Ilang minuto lang ay tumawag na sa akin si Claud. Ipinaalam niyang kararating lang nila Craig sa Forest Grield.

"Okay. Pakisabi umantabay lang sila parating na kami."

"Yes, Boss."

Malalim akong napabuntong hininga ng mawala na ang boses ni Claud sa kabilang linya.

"Kinakabahan ka?"tanong ni Ace.

Ngumisi ako sabay iling.

"Naiinip lang."simple kong sagot.

Napataas ang isang kilay ko ng makita ang kakaibang ngiti niya. Ang kaniyang tingin ay naka-focus pa rin sa pagmamaneho.

"Mukhang miss na miss mo na talaga ang babaeng yun kaya ka naiinip."

Sa kaniyang sinabi ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni Katashi.

"Ganyan talaga kapag inlab."komento nito.

Agad ko siyang binalingan ng tingin.

"Paano mo nalaman? Na inlab ka na ba?"may kuryusidad kong tanong.

Napatitig ako kay Black ng tumawa ito.

"Imposible yan. Walang puso ang tulad niya. Saka malabong may magustuhan yan. Sa sama ba naman ng ugali niya. Manyak pa."sabi nito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Katashi.

"Genovese, First. Pigilan mo ko. Papatulan ko na ang babaeng ito."sabi ni Katashi sa akin.

Nakangiwi kong hinimas ang batok ko. Nagsisimula na naman silang magbangayan.

"Eh di patulan mo."pangangasar pa ni Black.

Literal na nagkatitigan sila sa isat isa. Napakunot noo ako ng inilapit ni Katashi ang mukha niya kay Black.

Sa gulat ay tinulak siya ni Black.

"Anong ginagawa mo?"iritadong tanong nito.

"Hahalikan nalang kita ng manahimik ka na."nakangising sagot ni Katashi.

"Bastos ka. Gago."inis na bulalas ni Black.

Natawa lang si Katashi na siyang ikinailing ko.

"Tama na yan. Malapit na tayo."biglang sabi ni Ace kaya napa-ayos ako ng upo.

Dumungaw ako sa bukas na bintana sa gilid ko. Natanaw kong puro puno at halaman na ang nasa paligid. Medyo madilim din ang dinadaanan namin lalo na at hindi pa sumisilip ang araw sa kalangitan.

Habang palapit kami ng palapit gitnang bahagi ng Forest Grield. Nakikita ko na sa di kalayuan ang ilang mansyong nakatayo doon.

Tama sila Calix.

Kahit mala-kagubatan na ang lugar na ito. Marami pa ring nakatira sa bawat gilid. At ang mga nakatira pa, puro mafians.

"Saan ba tayo paparada dito?"tanong ni Ace.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon