Chapter 44

491 13 5
                                    


["Matulog ka na, ayoko na ka-chat mo 'yung Luis!"]

Napatawa naman ako sa kasungitan niya. Nag-chat lang naman sa akin si Luis gawa ng mga files. At dahil nagpalit kami ng account, nakita niya.

"Nagsabi lang naman about files, anyway tutulog na ako. Maaga pa tayo bukas," saad ko.

Nagyakag na naman siya ng date. Day off ko ng bukas dahil nga Linggo. Wala namang naiwan na gawain kaya okay lang na mag-day off ako.

["Goodnight, I love you baby, mwa! Mwa! Mwa! Mwa!"] Napahalakhak ako ginawa niya.

Hinalikan niya ang cellphone niya, parang baliw.

"I love you too! Goodnight!" paalam ko at pinatay ko na ang tawag. Hindi kasi matatapos ang usapan namin kung hindi ko papatayin.

Akmang ilalagay ko na table ang phone nang biglang may tumawag. Napangitin naman ako dahil si Ven 'yon. Bihira lang kaming magkita dahil ayaw talaga siyang papuntahin ni engineer sa office. Medyo sensitive ang pagbubuntis niya.

"Hello? Napatawag ka?"

["Hiiiiiii! Na-miss lang kita, ang OA kasi ni love, 'di tuloy kita makita. Anyway, okay ka lang ba sa trabaho mo? I'm sorry talaga!"] Ang daldal niya talaga.

"Okay lang ako, don't worry. Bakit ayaw mo pang matulog? Bawal sa'yo ang mapuyat," saad ko.

["Inaantay ko lang si love, nabili kasi ng candy na menthol hehe! You know— Sino ang ka-call mo? I told you to sleep!"]

Napatawa naman ako dahil nahuli siya ni engineer. I'm so happy for them, magiging masaya ang pamilya nila for sure.

["Nako, nandito na pala siya. Bye Aivyyyy! Miss youuuuuu! Ninang ka nga pala!"] At namatay na ang tawag. Ang lokang 'yon talaga.

Maayos na lahat, sana wala ng maging problema. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaan na hilahin ng antok.

***

Naiinis ako na bumangon nang marinig ko malakas na katok sa pinto. Ang aga naman ni kuya manggising. Day off ko ngayon, e. Basta ko na lang binuksan ang pinto at humiga agad.

Gusto ko pa matulog.

"Baby!" Ramdam ko na may tumatapik sa aking paa.

"Ano?" inaantok kong sabi.

"We have a date, you forgot. Come on!" Napabangon ako dahil si Zach pala ang kausap ko. I thought it's kuya.

"H-Hello! Sorry, pagod na pagod ako." Umupo siya sa aking tabi at hinalikan ang aking noo.

"Okay lang, gusto mo rito na lang tayo? Kagaya ng nakagawian? Game?" Napatango ako dahil na-miss ko na rin 'yon. Our simplak8nite yet the happiest date ever.

"Nandyan pa ba sina papa?"

"Wala na, pati kuya at mama mo. Binilin ka sa akin," sagot niya.

Oo nga pala, may training si kuya kasama si papa. At si mama, I'm sure nasa restaurant niya na ginagawa pa lang. Gusto ko rin kasi mag-bake, na-miss ko na.

"Sige, labas ka muna. Maliligo ako at... mag-aayos. Bye!" Tinulak ko siya palabas at hindi naman siya pumalag.

Kinuha ko ang tshirt at short na kulay black. May printed ito na 'Adidas'. Pumasok na ako sa CR para maligo. Baka mainip 'yon...

***

Hinayaan kong basa ang aking buhok dahil ang blower ay nasa kwarto nina mama at papa. Mabibilang ko sa kamay ko kung ilang beses ko 'yon ginamit. Hindi ko rin naman hilig 'yon.

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now