Chapter 6

594 13 1
                                    


Pagmulat ko ng aking mata ay nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin. Kumisap-kisap ako ng ilang ulit para maaninag ko ang paligid.

"N-nasaan ako?" paos kong tanong.

Naramdaman kong may nakahawak sa aking kamay.

"Z-zach?" mahina kong tawag ngunit hindi ito nagigising marahil sa puyat.

Masakit ang aking lalamunan at nakaramdam ako ng uhaw. Hinaplos ko ang buhok ni Zach na nakaubob sa aking tabi habang hawak ang aking kamay.

Buti na lang, dumating sya kagabi at nailigtas ako. Dahil kung hindi dahil sa kaniya ay may nangyari na sa aking masama. Naramdaman ko na lang ang panggigilid ng luha ko ng maalala ang kahayupan na ginawa sa akin ni Dave.

"Aivy? May masakit ka bang nararamdaman?" Nagising na si Zach at napagmasdan ko na ang pagod nyang mukha.

"T-tubig lang." mahina kong sabi.

Dali-dali syang kumuha ng tubig at iniabot sa akin. Hinaplos nya ang aking mukha at hinalikan ang aking noo.

"Thank god! Nag-alala ako sa iyo, I told you wag kang lalapit sa mga lalaki." seryoso nyang sabi habang nakaupo sya sa aking tabi.

"S-sorry Zach, di ako nakinig sa iyo. I thought I can trust him but...... " Tumulo ang aking luha dahil sa panghihinayang sa pagkakaibigan namin ni Dave.

"Shhhhh! It's okay, just be careful next time. From now on, hatid-sundo na kita." nakangiti nyang sabi at niyakap ako.

"Pero di mo naman ako responsibilidad, tyaka—"

"No buts okay? Kumain ka na at magpahinga. Sa isang araw ka na lumabas, alam na naman ng professors mo ang nangyari sa iyo." pigil nya sa akin kaya naman napatango na lang ako.

Baka mag-away pa kami kaya pumayag na ako sa Tuesday pumasok. Pinaghanda nya ako ng pagkain at sabay kaming kumain.

---------------------------------------------------------

"Matulog ka na, anong oras na oh." utos sa akin ni Zach. Napasimangot na lang ako dahil nakailang ulit na nyang sinasabi iyon.

"Hindi pa nga ako antok. Kamusta na pala si Dave?" Naalala ko kasi na may narinig akong suntukan kagabi. Baka binugbog nya si Dave.

"Bakit mo natanong? Nag-aalala ka pa sa hayop na yon?" nanliliit ang kanyang mata na nakatitig sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasan umiwas ng tingin.

"Medyo, kahit papaano naman naging mabait sya sa akin. Nasaan na sya?" tanong ko ulit.

"Nasa kulungan na at wag na wag mo syang dadalawin. Patay ka sa akin pag nalaman kong pumunta ka sa kaniya."
galit na sabi niya.

"Ano na naman bang nangyayari sa iyo ha? Nagtanong lang naman ako."
inis na tanong ko dahil nagsisimula na naman siya.

Napabuntong hininga na lamang ako at nahiga muli. Tumalikod ako sa kaniya at nagtaklob muli ng kumot.

Pinakikiramdaman ko ang kanyang gagawin at narinig ko syang bumuntong hininga.

"Sorry kung nagiging ganito na naman ako. Bestfriend mo nga lang pala ako. Punta lang ako canteen." At naramdaman kong hinalikan nya ako sa aking buhok.

Hindi naman sa ayaw kong makialam sya pero.....

Di ko na alam! Nagalit na kaya siya ng tuluyan sa akin? Pinikit ko na lang ang aking mata at pinilit matulog.

--------------------------------------------------------

Pagmulat ko ng aking mata ay hindi ko nakita si Zach. Nasaan kaya iyon? Baka umalis na.

To Fly with You (Scarlett University #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon