Chapter 36

395 16 15
                                    

Naging masaya ang monthsary namin. Tuwang-tuwa siya sa cupcakes na ni-bake ko. Nagpasalamat rin ako kina James at Javier dahil napasaya nila ako.

Ang gagaling nilang kumanta. Pwede silang magawa ng banda, siguradong sisikat agad.

Masaya kami noong mga nakaraang araw ni Zach. Fishball date minsan, tambay sa kanila or sa apartment at trabaho ako sa shop. Hindi pa kasi ako tinatawagan noong HR Department sa in-apply-an ko.

Pero simula kahapon ay nag-iba si Zach. Hindi ko siya maintindihan dahil hindi siya nagrereply or nasagot man lang sa tawag ko.

Alam ko namang nagrereview siya, pero kahit isang reply man lang sana. Okay na ako ako sa isang tawag sa isang araw. Hindi kasi ako napunta sa kanila dahil ayaw ko siya istorbohin sa pagrereview niya. Siguradong malapit na ang exam nila.

Pero ngayon ay inaya ko siya sa apartment at laking tuwa ko ng umoo siya.

"Captain, okay ka lang ba?" alangan kong tanong. Ang dami niya kasing dala na papel, as usual nagre-review.

"Yeah!" tipid niyang sagot at nagpatuloy lang sa pagbabasa.

"Captain, okay lang ba tayo? May problema ba?" malungkot kong tanong.

"Baby, here we go again," pagod niyang sabi.

"S-sorry, sige magreview ka na," nakatungo kong sabi at kunyaring may nililikot sa aking paa.

Pinipigilan kong umiyak sa harap niya baka magalit siya. Hindi naman siya ganito e, hindi ko na alam.

Tumulo sa aking paa ang luha ko kaya agad ko itong pinunsan. Sinulyapan ko si Zach at nakita kong nagbabasa siya. Mabuti na lang at hindi niya nakita.

"Captain, maliligo muna ako. Ipinagluto na kita kanina, nasa mesa na." Tumayo agad ako at pumunta sa kwarto.

Napaupo ako sa aking kama at tuluyan nang bumuhos ang luhang pinipigilan ko kanina. May problema ba kami? Hindi niya ako gaanong pinapansin. Masyado talagang mababaw ang aking luha, napakaarte ko.

Wala kaming problema, busy lang siya.

"Busy lang siya, mahal ka pa rin niya," saad ko sa aking sarili. Huminga ako nang malalim at kinalma ang aking sarili.

Napatingin ako sa picture namin na nakadikit sa pader. Picture ito noong nakasuot siya ng shades at nakayakap sa akin. Gusto niya kasi na nakaprint para raw may remembrance kami. Kinuha ko ito at hinawakan. Ang saya-saya namin dito, ang kulit niya din. Samantalang ngayon, para lagi siyang pagod at matamlay.

Miss na miss ko na ang pagiging mapang-asar niya at makulit. Tumulo muli ang luha ko kaya naman dali-dali ko itong pinunasan. Kumuha na lang ako ng damit at dumeritso sa CR.

Halata sa aking mata na galing ako sa pag-iyak. Mabilis akong naligo at kasabay nang pag-agos ng tubig sa aking mukha, ay siya ring pagtulo ng aking luha. Miss ko na ang captain ko, pero kailangan ko siyang intindihin.

Pagkatapos kong maligo ay matamlay akong lumabas. Naabutan ko si Zach na natutulog sa maliit kong couch.

"Captain..." gising ko sa kanya.

Bahagya siyang napamulat at tumayo.

"Captain, doon ka sa kwarto. Hindi ka kasya dyan," saad ko. Tumango siya sa akin at hinalikan ang aking noo bago pumunta sa kwarto. Lihim naman akong napangiti sa kanyang ginawa.

Nilinis ko ang mga papel at libro niyang dala. Siguradong puyat si Zach kaya ganoon.

***

Alas kwatro na nang magising si Zach na ipinagtaka ko. Hindi na ba siya natutulog?

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now