Chapter 42

496 9 4
                                    

Nakanguso ako ngayon sa loob ng kwarto rito sa hotel. Namo-mroblema ako sa susuotin ko, hindi ko rin alam kung bakit.

Saan ba kami pupunta? Hays!

Kinuha kong muli ang black hanging blouse with glitters and black ripped jeans. Bahala na kung saan kami pupunta. Sinuot ko na lang.

Nagpolbo na lang ako at nagsuklay. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako marunong mag-ayos.

Napaayos ako ng tayo nang marinig na may kumatok. Baka si Zach na 'yon.

Binuksan ko ang pinto at tama nga ako. It's Zach, wearing dark blue polo with black jeans. Ang gwapo niya talaga, nakakainis. Nag-shave na siya ng kanyang mukha kaya ang linis-linis na ulit tingnan.

"H-Hi!" Maluwag kong binuksan ang pinto.

"No I'll stay here. Just do your stuffs and I'll wait you here. Don't put any make up to your face. You're gorgeous anyway." Napaawang aking labi sa kanyang sinabi. Lumayo bahagya si Zach at naglakad patungo sa hallway.

Maganda ako? Ramdam ko na pang-iinit ng aking pisngi. Kinikilig na naman ako.

"Kalma, self!" saad ko sa aking sarili.

Naguguluhan na naman ako. Ganito ba 'yung sinasabi nilang marupok?

Tinapos ko na lang ang pag-aayos ng aking sarili at lumabas na. Naabutan ko si Zach na may kausap na babae.

"Ehem!" kuha ko ng atensyon nila. Dali-daling lumapit sa akin si Zach.

"Baby..." Napataas ang aking kilay nang mahimigan ko ang taranta sa kanyang boses.

"May lakad ka ba?"

"Of course, wala!" Hinawakan niya pa ang aking kamay ngunit inalis ko ito. Nauna na akong lumabas dahil naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko.

Dapat... wala akong pakialam sa kanila. But.. why I'm affected?

"Hey! Wait up!" rinig kong sigaw ni Zach. Tumigil ako para hindi niya isipin na na-apektuhan ako.

"Sorry, I thought kasunod kita." Ngumiti lang siya sa akin at inakbayan niya ako.

"It's okay, are we okay? I mean... you're not angry?" alangan niyang tanong.

"Syempre hindi, nga pala bakit tayo lalabas? May pag-uusapan ba tayo about sa wedding?"

"What?"

"Ano... usapan about sa surprise wedding ni engineer. Hindi ba, kaya niyaya mo ako?"

"Really? I want to eat with you. Can you please cut that topic? We're done in that topic!" inis niyang sabi.

"S-Sorry, wala kasi akong makitang dahilan kung bakit gusto mo akong ilabas ngayon. I mean, bakit?"

"You can't really get it? I want to... court you again. I want to back the old us. I want you to be mine again... if you're ready. But if not, I'm okay to be friends... temporarily."

Napakamot ako sa noo dahil sa kanyang sinabi. Ang bilis niya, ganito ba kapag piloto? Ligaw agad? Ngayon lang ulit kami nagkita, after a years.

"Wait, masyado kang mabilis. I mean, hindi na kita gusto or mahal. I told you, c-crush na lang kita! So, wala ka ng pag-asa." Ayoko nang masaktan ulit. Baka iwan mo lang ulit ako...

"I'm sorry..." Tumigil kami sa garden ng hotel.

"I know you're doubting about my feelings for you. I know it's hard to believe again... I'll try again to prove you. I'm sorry again, I know I'm not worth it to your 2nd chance because I'm asshole to call you... d-distraction." Umiwas ako ng tingin nang marinig 'yon. Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Kung gaano ako nasaktan sa sinabi niya.

To Fly with You (Scarlett University #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon