Chapter 9

517 15 5
                                    


Hanggang ngayon ay naliligaw pa rin sa aking isip ang nangyari noong isang araw. Naandito ako ngayon sa aking apartment, kauuwi ko lang galing kayla Tita Sandra.

Hinatid ako ni Zach pero di ko pa rin sya kinakausap. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakamove on. That's my first kiss! Hello? Gusto ko yun ibigay sa boyfriend ko pero naibigay ko yung sa bestfriend ko pa.

Tae! Ang awkward nito panigurado.

Pumunta na lang muna ako sa lamesa para kumain ng home made pizza ni Tita Sandra, eto na lang siguro ang dinner ko.

Kring! Kring!

"Hello?"

["Hi ghourl! Papasok ka na ba sa Wednesday? Hehe miss na kase kita."] I'm sure nakanguso sya habang sinasabi nya iyon.

"Oo naman! Okay na ako, may bago na ba ulit tayong kasama dyan?"

["Oo, pero don't worry dahil babae naman sya. Natatakot na din si Ma'am Realyn, gawa noong nangyari sa iyo."]

"Hays, hindi ko kase inaasahan si Dave na ganon.....I thought I can trust him. May trust issue na tuloy ako." sabi ko.

Kaya ko pa bang magtiwala? Parang ang hirap na, lalo na kung nasira na.

["Totoo, nagtiwala din ako. Mahirap magtiwala sa mga taong malaanghel ang itsura, baka may tinatagong masamang ugali."]

"Anyway, bye naaaaa! Tutulog na ako, may pasok pa bukas. Bye!" Inaantok na ako dahil hindi naman ako gaanong nakatulog ng maayos nitong nakaraang gabi dahil sa mga nangyari.

["Oh sya! Ingat bukas sa pagpasok! Bye!"] And I ended the call.

Napabuntong hininga na lamang ako at humiga na sa aking kama. Sana makatulog na ako.

Ting!

Sino kaya ang magtetext sa akin? Katatawag lang ni Berna ah.

Zach(Baliw):

:Pst! Sorry kung nagawa
ko yon. Pero di ko yon
pinagsisisihan, usap na
lang tayo pagready ka
na.

Di nya pinagsisihan? Wow ha! First kiss ko yon! Palibhasa kung sino-sino ng babae ang kasama nya at nahalikan nya. Alam kong hindi halata sa kanya ang may mga babae, pero sa chat yan or text, dyan sya may kalandian.

Pumikit ako ng madiin at pinilit matulog. Sana panaginip lang itooo!
Huhu!

----------------------------------------

Nagising ako sa alarm na isinet ko at naligo na agad ako. Habang naliligo ay nakatulala ako at iniisip mamaya ang magiging eksena namin ni Zach.

Papansinin ko ba sya?

Napabuntong hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ang aking pagligo. Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako at nag-ayos ng aking damit.

Kinakabahan talaga ako mamaya, mabilis pa naman iyon magalit. Sana makaya ko syang harapin at hindi mapansin nila Fathima ang iwasan namin. Siguradong unang magcecelebrate ang lukang iyon.

Hindi na ako kumain ng umagahan dahil hindi pa naman ako gutom. Nakatulala lang ako sa may bintana ng jeep habang patungo sa SU. Hays!

Kinalbit ako ng isang senior citizen at tinaasan ng kilay. "Ineng, yung bayad mo daw at bumaba ka na. Aba ineng, masisira ang lakad ng aming kumare."
Napangiwi na lang ako sa kanyang sinabi. Ang tanda na ni lola pero may gala pa rin sila, sosyal.

"Sorry po Lola, pasensya na po kayo." paghingi ko ng tawad at nagbayad na.

Sa pagbaba ko ng jeep ay napakamot na lang ako sa katangahan ko. Hindi akp sinundo ni Zach, ibigsabihin ay hindi pa rin sya handa na muli akong makita. Maging ako man ay ayaw ko muna syang makita, ngunit malabo ito lalo na at iisa ang circle of friends namin.

To Fly with You (Scarlett University #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon