Chapter 23

389 9 0
                                    


Ngiting-ngiti si Zach ngayon na animo'y nanalo sa lotto.

"Zach, baka sumakit panga mo kakangiti," paalala ko ngunit kinindatan nya lang ako.

"Okay lang!"

Napairap naman ako sa kanyang sagot. Buti na lang at wala kaming awkward na nararamdaman.

Napatingin ako sa kaniya nang marinig kong tumunog ang kanyang phone.

Inilagay nya ang airpods sa kanyang tainga. Nakaconnect na pala...

"Hello?...Bakit Shane?...Uh, sorry papunta na kaming university...Yeah, take care!" Inalis nya na ang airpods kaya naman napaiwas ako ng tingin.

Yung Shane pala ang kausap nya. Edi wow!

Kumirot ang puso ko habang iniisip na magkikita sila mamaya. Wala naman akong karapatan na pagbawalan siya.

"Bakit ka nakasimangot?" tanong nya.

"Ang bagal mo kasi magpaandar! Baka malate tayo," pagsisinungaling ko.

Magkikita kaya sila mamaya? Wala naman akong paki.

"Kilala mo yung tumawag?"

Hindi ko maiwasang mapairap. Paano ko yun makikilala?

"Malamang hindi," tipid kong sagot.

"Oo nga naman, si Shane yon, magkakasundo kayo panigurado." Nilingon nya ako at nginitian.

Magkakasundo? Ibigsabihin magkikita kami? Wag na lang sana,  baka mainsecure pa ako.

Paniguradong mukang model yon dahil mayaman.

"Baka nga, girlfriend mo?" matabang kong tanong. Nanlalaki naman ang mata ko na napatingin kay Zach.

"Hoy Zach! Kung gusto mo bumangga, bababa muna ako! Buti na lang nakaseat belt ako, kung hindi ay baka tumalsik na ako," kabado kong sabi.

Grabe, kahapon pa sya nagpe-preno nang biglaan.

"What kind of question is that? Girlfriend? Oo, babaeng kaibigan ko sya. Pero hindi in romantic way, ramdam ko ang selos mo," inis nyang sabi.

Napanguso na lang ako, malay ko bang gusto nya din iyon. Hays!

"Sorry," bulong ko. Naramdaman kong tumigil na kami kaya napalingon ako sa kaniya.

"Hey baby, sorry if you are doubting to my feelings. Alam kong iniisip mo kung niloloko lang kita dahil sa past ko. I'm not a playboy, baby. Alibi ko lang iyon para madivert ang atensyon ko sa iba. Don't worry I'll show you how sincere I am," malungkot nyang sabi at hinalikan ang noo ko.

This man really know how to melt my heart...

Bumaba na ako at inintay sya. I think Zach is really serious on me. Nilibot ko ang aking tingin sa parking lot.

"Thank you for everything!" saad ko matapos ko syang halikan sa pisngi.

Nakita ko syang namula kaya naman napatawa ako. So cute...

***

Nagke-kwentuhan kami ni Fath dahil ang tatlong lalaki ang naorder.

"Alam mo ba, lagi kaming pumunta sa EK. Pinapayagan naman kami ni mommy, date lang naman daw." Isinandal nya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"I'm so happy for you Fath, mahal ka na ng mahal mo. Isang buwan ka na niyang nililigawan," sabi ko.

"Oo nga, e. Ang bilis nang panahon, malapit na graduation natin. Sa graduation natin, doon ko sya sasagutin."

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now