Chapter 27

453 12 6
                                    


"Dyan ka muna at magbibihis lang ako," utos ko kay Zach.

Pumasok ako sa kwarto at nagbihis. Pagod na pagod kami sa pagpunta sa kanila. Gusto daw kasi ako makita ni Tita Sandra kaya dumaan kami.

Lumabas na agad ako dahil nakakahiya kay Zach. Naabutan ko siya na may hawak na box ng pizza. Nakaorder agad siya? Ang bilis naman, kapapasok ko lang ng kwarto.

"Umorder ka?"

"Hindi no, nasa kotse ito. Dinekwat ko sa bahay haha!" Umupo ako sa tabi niya at hinampas ang kaniyang braso.

"Baliw ka! Paano kung kay Fathima pala iyan? Lagot ka!"

"Tinanong ko kay manang kung kanino yan, sabi niya ay wala daw. Edi kinuha ko, sayang kung di kakainin," paliwanag niya.

"Ayaw mo ba ng kanin? Pwede naman akong magluto," saad ko.

"Ayoko, kakakain lang natin sa bahay ng kanin. Pizza naman! Instant date na natin ito," nakangiti niyang sabi.

Napatawa naman ako sa kaniya. Siya ang first date ko, first date in apartment.

"Anong inumin natin? Wala naman akong juice sa refrigerator, tubig lang hehe," nakangiwi kong sabi.

"Order tayo ng milktea? Game?"

"Game! Pero ako ang magbabayad ng milktea ha? Hindi lang naman dapat lalaki ang nagbabayad sa date," saad ko.

"Oo na po, okay lang ba sa iyo ang ganitong date?" tanong niya.

Napakunot naman ang noo ko at tumawa.

"Super okay! Mas gusto ko pa nga ang ganito, ayaw ko nang pupuntang sinehan tapos mags-shopping. O, kaya naman sa romantic restaurant. Magastos at boring 'yon para sa akin. Mas gusto ko itong private at nagk-kwentuhan." Niyakap niya ako bigla kaya naman napatili ako.

"Ano ba! Epal naman," natatawa kong sabi.

"I'm so lucky to have youuuuuuuu! I love youuuu!" gigil niyang sabi sa akin.

"Aray naman! Yung pisngi ko!" nakanguso kong reklamo.

Dinilaan niya lang ako at kinuha niya na ang phone niya. Napahaplos ako sa aking pisngi, siguradong mapula ito. Ang sakit!

Napangiti ako sa sitwasyon namin ngayon. We're dating privately and happy. Kinuha ko ang kahon ng pizza, at binuksan.

"Hoy, ang laki nito! Mauubos mo ito?"

"Ano 'mo'? Tayo ang uubos nyan, magkalaman ka naman, payatot." Inirapan ko na lang siya at dinala sa kusina ang pizza.

"Saan mo yan dadalhin?" sigaw niya.

"Dito lang! Iiinit ko lang, di masarap 'pag malamig," sigaw kong sagot.

Kinuha ko ang hati-hati ng pizza at inilagay sa plato. Eight slice ang pizza, apat muna ang inilagay ko sa steamer. Wala naman kasi akong microwave.

Narinig kong may kumatok kaya naman pumunta na ako sa sala.

"Ikaw ma magbukas doon, eto na yung sa milktea!" utos ko sa kaniya at iniabot ang five hundred.

Nilingon ko siya at nagtaka dahil may burger at fries pa na kasama.

"Sa food panda ka umorder?" tanong ko.

"Oo, mabilis daw service non, nagugutom na kasi ako. Kumain na tayooo!" masaya niyang sigaw at kumuha ng pizza.

Tinitigan ko siyang mabuti habang binubuksan ang kahon.

"Aray! Ang init naman nito!" daing niya.

Tumawa ako ng malakas at dinilaan siya.

"Malamang ininit ko yan, anyway nasaan ang milktea?" Iniabot niya sa akin ang dark chocolate flavor.

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now