Chapter 13

444 14 0
                                    


Nakita ko itong pumunta sa Mariposa kaya naman sinundan ko ito.

"Why are you here? Go back to the cafeteria and finish your food." malamig nyang sabi pero umupo pa rin ako sa tabi nya.

"What's your problem huh? Ang bastos mo, nakain pa tayo doon tapos aalis ka bigla." pangaral ko ngunit hindi ito umimik.

"Huy! May problema ka ba? Kwento mo naman, baka may maitulong ako." pangungulit ko pero hindi pa rin nya ako pinapansin.

Napabuntong hiningan na lamang ako at nilibot ang tingin ang sa paligid. Kami lang pala ang naandito, sabagay medyo tago kase ang garden na ito.

Napangiti naman ako ng makita ang isang paru-paro na dumapo sa bag ni Zach. Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko para kuhanan ng litrato si Zach.

"Zach, wag kang gagalaw please." mahina kong sabi ngunit nilingon nya ako kaya naman lumipad ang paru-paro.

Napanguso naman ako dahil sa ginawa nya. Sayang!

"Why?"

"Anong why ha?! Lumipad yung butterfly! Eh hindi ko pa nga napipicturan, kakainis ka talaga." inis kong sabi at inirapan ito.

Narinig ko syang tumawa pero hindi ko sya pinansin, bagkus ay nagsalungbaba na lamang ako at ipinatong sa lamesa.

"Haha, don't move, there's a butterfly on your hair. Wait, I'll take a picture," utos nya kaya naman nanigas ako sa aking pwesto.

"Done, look!" nakangiting sabi ni Zach kaya naman kinuha ko ang phone nya.

Kulay pink na may halong  black ang butterfly at ang ganda ng kuha nya. Napangiti ako sa kaniya at niyakap ito.

"Thank you! Isa yun sa pangarap ko, sabihin mo ang babaw pero..." mahina kong sabi at naramdaman kong niyakap nya din akong pabalik.

"Always, yun lang ang pangarap mo?" Humiwalay sya sa yakap kaya naman medyo lumayo ako.

"Hindi no, ang dami ko kayang pangarap. Una, makatapos ng pag-aaral tapos magkaroon ng magandang trabaho. Pangalwa, mahanap ko yung mga magulang ko at ang huli ay matupad ko ang mga pangarap ko." masaya kong kwento.

Niyakap nya ako muli at nakasandal ang aking ulo sa kayang dibdib.

"Ako din may pangarap,"

"Lahat naman ay may pangarap, nasa sa iyo na lang kung tutuparin mo." mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang mga paru-paro na nadapo sa mga halaman.

Mariposa is one of the best garden here in SU. Kaya lang ay walang masyadong napunta, siguro hindi nila gusto ang garden.

"Ang pangarap ko ay maging piloto at ikaw ang maging pasahero. At syempre ang matupad ang pangarap natin. Matupad mo lang ang mga pangarap mo, masaya na ako," malambing nyang saad at naramdaman kong hinalikan nya ang aking buhok.

Dahan-dahan akong umalis sa kanyang pagkakayakap at hinarap siya.

"A-ako? Bakit ako? I mean—"

"Bakit hindi ikaw?" seryoso nyang sabi na para bang tinitimbang ang aking reaksyon. Naramdaman kong bumibilis ang tibok ng aking puso.

Ano na ba ang nangyayari sa akin?

"Yun ang pangarap ko na gustong-gusto kong matupad. We'll fly together to achieve our dreams okay?" Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Sabay naming aabutin ang mga pangarap na babago sa buhay namin.

"Anyway...."

Tinitigan nya akong mabuti at hindi ko din alam kung paano ko sya nalabanan ng tingin.

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now