Chapter 43

481 10 6
                                    


We're here in a bar, I'm with kuya and Bernadeth.

"Tara na sumayaw!" Ilang beses na ni Berna sa akin na yakag. Hindi na siya napagod na pilitin ako.

"Ayoko nga, ikaw na lang," sagot ko.

Juice lang ang akin kahit pinapayagan ako ni kuya na uminom ng iba. Hindi ko talaga hilig ang ganito.

"Ang KJ mo talaga!" Nakasimangot ito na pumunta sa dance floor.

Napailing na lang at napasandal sa couch. A week passed but Zach is still not here. Ewan ko ba kung nandito na siya or hindi ko lang alam.

Sabi niya manliligaw siya, pero wala naman. Handa na ako kasi naisip ko rin na may dahilan siya kung bakit niya nagawa iyon. Lahat tayo ay deserve ng second chance.

Parang may kumurot sa puso ko kung napagod na sa akin si Zach. Hindi niya na kinaya ang pagiging matigas ko. Baka nga napagod na siya sa akin.

Kinuha ko ang baso sa lamesa at basta na lang ito ininom. Naiinis ako sa sarili ko.

Napakurap ako dahil iba ang lasa ng juice.

"Ang pait kuya! Ano ba 'to?" inis kong sabi.

"Baby, it's your fault. Baso ko ang kinuha mo, ayan ang baso mo o!" depensa niya.

Inis akong napapikit dahil sa katangahan ko. Ramdam ko ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan dahil sa paglagok ko. Bakit kaya nila nagugustuhan 'yon? Ang pangit naman ng lasa!

"Okay ka lang ba? Gusto mo pa ng tequila? Haha!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Para tuloy akong nagsisisi na sumama pa ako rito.

Nilibot ko ang aking tingin pero agad ding napaiwas. May mga naghahalikan kung saan at magkakakalong. Grabe!

Malakas ang tugtog at may nakakasilaw na ilaw. Mabuti na lang at hindi mausok, baka hindi ko makayanan.

"Kuya, virgin ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Bigla naman itong nasamid at tiningnan ako nang masama.

"Ano bang klaseng tanong 'yan!" Namumula ang kanyang mukha dahil siguro sa daming nainom.

"C'mon kuya, sanay ka na sa ganitong lugar. Baka kasi may naging girlfriend ka na rito, ang laswa naman dito!"

"Virgin pa ako, okay? But I did some make outs and kiss. I respect my future wife." Uminom ito muli ng alak kaya napangiwi ako. Mukhang may problema si kuya.

Napalingon ako sa mga pinagkukumpulan ng mga tao. May artista ba?

Umawang ang aking labi nang makita ko si Zach iyon. Seryoso lang itong naglalakad at nalingon-lingon tila ba may hinahanap.

Umiwas ako ng tingin ay kumuha ng sandwich. Hindi pa nga pala ako nakakakain ng dinner. Bigla kasi akong niyakag nila.

"Hey bro!" Lihim naman akong napaismid sa tawag ni kuya kay...

"Zach?" bulong ko.

"Hey! What's up?" pabalik na bati ni Zach. At kumuha rin ng alak.

"Okay lang, tagal mo ah! Nambabae ka ba?" Napatingin tuloy ako kay Zach dahil sa tanong ni kuya. Napaiwas din agad dahil napansin ako ni Zach. Ang lamig ng kanyang titig sa akin. Parang hindi niya ako kilala.

I'm sure may nililigawan na ito. Naramdaman kong sumakita ang dibdib ko habang iniisip 'yon. Kasalanan mo rin 'to, Cy! Kung hindi sana ako nag-inarte.

"Excuse me," mahina kong sabi at umalis sa mesa. Nagtanong ako sa waiter na aking nakita kung saan ang CR.

Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mata. Bakit ang bilis ko umiyak? Ang iyakin ko talaga!

To Fly with You (Scarlett University #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat