Chapter 18

387 9 3
                                    

["Hello?"] malamig nyang saad.

Huminga muna ako ng malalim dahil kinakabahan ako. Baka kase naistorbo ko sila, mapagalitan pa ako nito.

"H-hi! Sorry sa istorbo..."

["Why did you call?"] Napakagat ako ng labi sa kanyang tanong. Anong sasabihin ko?

Hindi ko kayang sabihin na namimiss ko sya, nakakahiya. Baka kung anong isipin nya.

"Mangangamusta lang sana, kaya lang busy ka....kaya pinatay ko na agad."
Naririnig ko ang boses ni Fath sa kabilang linya dahil ang ingay-ingay nya.

["I'm okay, how about you?"]

"Okay lang, busy ka ba? Baka may—"

["I'm not busy, you? Busy ka ba?"]

"Hindi naman, tapos na kasi akong magreview. May gusto lang sana akong itanong..."

["Go ahead, ask me,"]

"Sino yung S-shane? Sya kasi yung sumagot kanina..."

["My friend, daughter of mom's friend."]

"Ahh...." maikli kong sagot at hindi ko.naman mapigilan na mapasimangot.

Grabe naman yung pagkakaibigan nila, may subuan pa.

["How was your day? Sorry for not texting you, I'm just busy. I miss you!"]

"It's okay and I m-miss you too!" masaya kong sabi at narinig ko ang kanyang pagtawa sa kabilang linya.

Nakakahiyaaaa!

["Naiinlove ka na ba sa akin? Sasaluhin kita don't worry..."]

"Ewan ko sa iyo! Inaasar mo na naman ako."

["Haha! Ano nga palang ginawa mo kanina?"]

"Pumunta lang ng Mall..." Inilagay ko sa speaker mode para maibaba ko ito at maayos ang aking mga notes.

["With?"]

"Kasama ko si James, nagpatulong kasi siya na pumili ng gift for her mom. Eh ikaw?"

["Okay, I'm just here, thinking of you..."]

Hindi ko mapigilang mapakagat labi ng marinig iyon. Ano bang nangyayari sa akin? K-kinikilig ba ako?

"Heh! Tulog na ako, napagod ako ngayong araw."

["Okay baby, goodnight! Tutulog na din ako promise,"]

"Opo! Babyeeeee!" Pinatay ko na ang tawag at itinabi ang phone sa taas ng cabinet.

Dumeritso ako sa aking cr upang magtoothbrush. Napatingin ako sa aking maliit na salamin at nakita ko ang aking sarili na nakangiti.

Nababaliw na ata ako, habang pagt-toothbrush ay nakangiti pa. Napailing na lang ako sa aking mga kalokohan. Pagkatapos ko ay pumunta na ulit ako ng kwarto at ipinikit ang mga mata. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin ako makatulog. Kinuha ko ang phone sa may cabinet at nagbukas ng facebook.

Sumalubong sa akin ang post ng isang page.

'Hirap ng inlove pre, kahit nagliligpit nakangiti.'

G-ganoon ba iyon? Hindi naman ako inlove, tama.

Nakita kong online si Bernadeth kaya naman chinat ko ito.

Oyy!

:Oyy ka din!

Pwede tumawag?

:May chika ah!

Biglang lumitaw ang accept at decline buttons. Basta may chika sya na mismo ang tatawag. Loka talaga ang babaeng ito.

To Fly with You (Scarlett University #2)Where stories live. Discover now