Chapter 22

390 8 0
                                    


"Galing mo kuya kanina, a! Ang talino mo talaga," manghang sabi ni Fathima.

Kumuha muli ako ng tilapia na inorder namin ni James. My favorite fish!

"Magaling din si Javier, ayaw lang tapusin ang sagot. I know, you know the whole answer but you did'nt say the others."

Umiling lang si Javier sa kaniya.

"You know me dude, I don't want to explain something that long! Atleast I'm exempted to our project,"

Tumango na lamang si Zach na nasa kanan ko. Si James naman ay nasa kaliwa ko. It's kinda awkward cause Zach keep on ignoring me. Ano bang problema nya?

"Zach...." mahina kong tawag ngunit tinaasan nya lang ako ng kilay.

Ang sungit! Minsan talaga hindi ko mabasa ugali nya, minsan makulit minsan naman masungit.

"U, galit ka ba?"

"Nope, why would I?"

Hindi naman ako nakasagot. Bakit nga ba?

"Nagseselos ka ba sa amin ni James?"

Alam kong makapal ang mukha ko pero...

"Hindi, hindi na ako magseselos dahil wala din naman akong karapatan. Hindi ako humihingi ng karapatan, ang sama lang ng pakiramdam ko 'pag nagseselos. Pipigilan ko nang magselos, okay? I know magiging masaya ka," nakangiti nyang sabi.

Tumango ako pero alam kong nararamdaman ko ang sakit. Why I'm hurting? Crush ko lang naman sya...

"Are you okay, Aivy?"

"Oo naman!" masigla kong sabi at sumubo ng kanin. Pagkalunok ko ay naramdaman ko ang sakit sa aking lalamunan.

Natinik pa ako, kainis. Sino bang suhi sa kanila?

Kinain ko ang kanin at nilunok kahit hindi pa gaanong nguya. Uminom ako ng tubig ngunit naramdaman ko pa rin.

"Ano bang masakit sa iyo? May tonsillitis ka ba?" nag-aalalang tanong ni James.

"Natinik lang ako..." nakangiwi kong sabi.

"May gamot ba sa clinic sa ganyan? Bibilhan kita," tanong nya pero umiling lang ako.

Wala naman kasi akong alam na gamot sa tinik. Ang alam ko lang ay magpahilot sa suhi or kumain ng kanin.

"Wala akong alam, e. May kilala ba kayong suhi?"

Nagtataka naman silang tumingin sa akin. Ibigsabihin hindi nila alam ang suhi?

"Ano ba yung suhi?" usisa ni Fathima.

"Yun yung mga tao na ipinanganak na una ang paa na inilabas. Sabi kasi nila Lola Felipe sa bahay ampunan ay yun daw ang nakakagaling," paliwanag ko.

"Si Kuya!!!" sigaw ni Fathima habang nakaturo kay Zach na nainom ng tubig.

"Ano'ng ako?"

"Ikaw yung ipinanganak na paa ang unang lumabas. Naalala ko yun, ikinwento sa atin ni Mommy, natanda ka na yata," natatawang sabi nya kay Zach.

"U, what should I do?" tanong nya.

Nakakahiya!

"Lalagyan mo ng laway yung part kung saan ay nandoon ang tinik at hihilutin mo," paliwanag ko pero hindi sya umimik.

Baka ayaw nya...

"Kung ayaw mo naman, okay lang! Mawawala din naman siguro ito," mabilis kong sabi.

Kumain na lang ako ng kanin at nilunok. Mawala na sana ito!

"Humarap ka sa akin," utos ni Zach.

To Fly with You (Scarlett University #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon